Chineck ko 'yong braso niya kung mayroon nang tattoo at nagulat ako nung makita na may line doon. Ang astig tignan! "Totoo na 'yan?" tanong ko.

He nodded. "Oo naman, 'di na ballpen 'yan," ngumisi pa siya. Hanggang ngayon mukha pa rin siyang disgrasya! Sana ay safe ang mga babae mula sa kaniya.

Naomi slightly pulled my arm and lead me to a chair beside hers. Sa kabila non ay may isa pang bakante.

Umupo ako at nanahimik sa tabi niya. Hindi ko alam kung paano magsasalita. Gusto ko magsabi ng sorry sa kanila dahil hindi na ulit kami nag usap mula dati but at the same time, gusto ko mag thank you kasi napansin ko naman na masaya sila ngayon.

"Namiss ka namin!" Sophia exclaimed. "Alam mo, sa fb ka na lang talaga namin nakikita tapos sa hindi mo pa account. Tsaka ang ganda mo, Equina!"

"Thank you! Sobrang ganda mo din," sabi ko. Pia still has her boxy smile and she looks cute! Humaba lang talaga ang buhok niya pero bukod doon ganon pa rin siya.

They started telling me stories about everything that happened to them for the past years. Tahimik akong nakikinig habang pinapanood silang matuwa sa sarili nila habang nagkukwento. Paminsan minsan nagtatanong sila ng opinion ko tungkol sa ginawa nila at sinasagot ko naman. I felt happy knowing that they never felt an ounce of anger because of almost outgrowing them. Nakailang ulit nga rin nilang sinabi na namiss nila ako.

I guess I can say that this is the kind of friendship that can be described as the "picking up where we left off" bond.

Lumingon ako sa paligid at tinignan ang mga tao. Everyone was so busy at their own tables. Magkakaiba ng ginagawa lalo na sila Mommy na patawa tawa doon sa kanila.

Pero parang may kulang.

"Asan si..." I whispered to myself.

"May pasok," sabi naman ni kuya Declan.

I looked at him with my furrowed brows. "Huh?"

"Si Daron," he chuckled. "May pasok. Saturday class, diba? Hindi niya sinabi sayo?"

Ah! Oo nga ano?

"Sinabi," sagot ko naman.

Tumawa nang mahina si Ken. "Makakalimutin talaga."

E bakit ba! Dami ko na iniisip syempre makakalimutan ko na may pasok nga pala si Dare kahit sabado! Kaya pala hindi ako mapirmi dito kahit kanina pa nila ako kinakausap.

Bwisit talaga sasabihin pang lalapit siya sa akin para hindi ako kabahan tapos wala naman!

After what seemed like an eternity, Daron finally arrived with a tabby cat. Tapos gaya gaya pa! Pareho kaming naka ivory-colored na damit!

"Pinag usapan niyo ba 'yan?" Pabirong tanong ni Kirsten kaya natawa kaming lahat. Weird naman nga dahil parehong pareho!

"Hi," Daron said. "Are you okay? Did they treat you well?" He asked me while he was sitting down.

Tumango na lang ako sa tanong niya at tinignan 'yong pusa. Sobrang cute, kamukha niya.

"San ka galing?" tanong ni Ken.

"I went home after school?"

"Hay buang, Daron. Dapat dumiretso ka na lang dito. Kanina pa si Equina e," Pia rolled her eyes.

"Sorry," sabi ni Dare. "I had to get my cat."

I continued staring at the feline which made Daron smile. Wow, ang pogi nakakainis.

"This is Otso. Do you want to hold him?" Tumango ako kaya inabot niya sa akin 'yong pusa. "You finally have a mother now," bulong niya.

"Baliw."

invisible stringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon