twitter
⁉️ 🔒 @equinuggets
WORLD PAUSE
reply | retweet | like
⁉️ 🔒 @equinuggets
..........
reply | retweet | like
⁉️ 🔒 @equinuggets
huy paano ba magreply bwisit ka alexa anong challenge na naman to nananahimik na nga ako e 🤬
reply | retweet | like
─────────────
telegram
clover's foster care 🧸
12:10 AM
equina
nidm pala ako ni daron
nUGAGAWIN NAHIHIYA AKO
dzs
edi replyan ano pa ba ginagawa sa mga dm?
equina
tinititigan hanggang makalimutan replyan
rosie ♡
OMG YIE
reply ka na babe
equina
nahihiya ako huhuhu :(
what if galit siya sa akin?
dzs
baka hindi naman
pag galit 'yung tono tanungin mo na lang, "birthday ko ngayon ah bat galit ka sakin :(?" ganyan, tunog equina naman
( 👎🏻🖕🏻 4 )
equina
sabihin ko nga kay mommy wag kang papasukin mamaya bwisit ka
( 😆 3 )
─────────────
twitter
daron
@darondeloste
12:00 AM
Happy birthday, Equina
Glad you were born :)
12:21 AM
thank you :)
You're welcome!
Enjoy your day
thank you, good night
Sleep well
─────────────
‼️ 🔒 @quinavogue
(umiyak) (naglupasay) (hindi nakatulog)
reply | retweet | like
‼️ 🔒 @quinavogue
bakit parang normal lang siya hwhahahahahahaha
reply | retweet | like
‼️ 🔒 @quinavogue
ganun bakit mo ba alam na hindi ako makakatulog kapag walang sleep well ang good night
reply | retweet | like
⁉️ 🔒 @equinuggets
SEE YOU MAMAYA except daziel ipapalock ko ang gate sana maaga kayo dumating gn!
reply | retweet | like
─────────────
messages
Mommy ⭐
8:41 AM
Equina
Nak
Gising ka n?
opo
bakit mommy nandiyan ba si jollibee 😳😳😳
Anong jolibee ang tanda tanda mo na
Baba ka nga saglit may padala dito para sayo
ha
saan po galing?
D ko alam basta itong isa may C nakalagay
Tapos meron pang isang box
okay po bababa na
─────────────
telegram
clover's foster care 🧸
8:45 AM
equina
hoy ang tigas ng bungo niyo 🤬
SABI KO WALANG GIFT BOSIT KAYO 🤬😭
kanino galing to!!!!
rosie ♡
HAHAHAHAHA good morning din birthday girl
dzs
sabi mo walang gift pag pupunta sa inyo, ayan pinauna na namin 'yung gift para wala na kaming dala mamaya
equina
sila*
( 😆 2 )
di ka naman kasali e
PERO THANK YOU NAIIYAK AKO KAKAGISING KO LANG ANO BA YAN
─────────────
dazzorie
8:47 AM
hoy
sayo ba galing to
kasi iiyak ako
tingin ng iyak
wag ka talaga pupunta samin i will shoot you
HAHAHAHAHA
alin ba?
meron na kasi ako sinali sa box ni clover pero ano ba 'yan?
itong sa isang box?
MAY LDR VINYL BALIW KA BA ALAM MONG WALA AKONG BLUE BANISTERS KASI NALAGPASAN KO PRE ORDER TAPOS MERON NA AKO NGAYON?
umiiyak na ako
gago wag
okay hindi na
( 😆 )
