twitter
🎱 @equinaestrella
magbabagong buhay na ako kahit malayo pa next new year 🤬
reply | retweet | like
─────────────
telegram
clover's foster care 🧸
9:00 PM
equina
malapit na ulit get together nila mommy
sama ba ako?
dazeng
?
ayos ka lang?
roseng ♡
babe are you hacked....
taibeng ♡
Uhm
You're not Equina
equina
BWISIT NAMAN KAYO
( 😆 3 )
ako to‼️‼️‼️
alexa play begin again chos
clobeng
Are you really okay?
equina
OO NGA bagong buhay na ako ngayon sabi ko na nga ba di niyo binabasa nang maayos mga tweet ko e! 🤬🖕🏻
( 😆 3 )
dazeng
diba bago mag grade 7 pa last na sama mo diyan? naumpog ka ba, 'yung totoo?
equina
BAGONG BUHAY NGA
BAGONG PILIPINAS‼️ BAGONG EQUINA‼️
( 😆 3 )
dazeng
KALA KO BAGOONG TANGINA
( 😆🖕🏻 4 )
equina
SO SINASABI MONG MUKHA AKONG BINAGOONGAN ⁉️⁉️⁉️
( 😆😭 4 )
roseng ♡
be serious 😭
totoo ba babe
equina
si daziel may kasalanan! pero oo totoo kaya ko nga kayo tinatanong if tingin niyo tamang desisyon din siya kasi sobrang tagal na din
ang inaano ko lang ay baka hindi ko na sila kilala i mean like personality nila ganun
actually di ko naman na talaga sila matandaan
taibeng ♡
I think it's a good idea
clobeng
Same
taibeng ♡
Gaya gaya?
( 😆 )
clobeng
?
( 🤬 )
taibeng ♡
You can check your diary, you know? So you'll remember how they were like
equina
scary but i'll try sige
baka kung anong kababalaghan pa makita ko doon
taibeng ♡
🧍🏻♀️
equina
so sama na ako?
one dot
clobeng
.
equina
okay sasama na!!! #new year# #new me#
─────────────
messenger
mommy ⭐
Active Now ●
9:13 PM
ganda
mommy kailan po kasi reunion niyo
sa 22 diba?
mommy ⭐
Yes
Bakit
ganda
sama ako hehehehe okay lang ba
mommy ⭐
Nilalagnat ka ba Equina?
ganda
ngi 😭 hindi po, bagong buhay lang
mommy ⭐
Ibalik mo na anak ko
ganda
MOMMY AKO NGA TO 😭
kulit niyo nila taiven
pero sama po ako ah! 😼
mommy ⭐
Ok sige mabuti naman, ilang taon na nalagpasan mo baka miss ka na nila Yomi
ganda
true hehehehe okay mwa love you po
