I pouted. So this is everything that I missed?

"Equina," Mommy called. I glanced at her and smiled.

"Po?"

"Just be yourself, they're not mad at you," she tapped my cheek.

I hope so.

Huminto kami sa tapat ng function hall na malapit sa garden. Naaalala ko na dito talaga sila ever since, itong specific funtion hall na 'to lang ang ginagamit nila. Isa pa, kapag tumapat ako doon sa isang malaking bato at naglakad - at exactly 100 steps -makakarating ako doon sa swing...

Kung saan ako inunahan ni Dare.

I shook my head and just stared in front. Mamaya na lang 'yan. Medyo kinabahan na rin ako kasi marami-rami na ang tao pero wala man lang akong namumukhaan.

Napansin ata ni Mommy na hindi ako mapakali kaya natawa siya nang kaunti. Talaga 'to! Kinakabahan na nga ako tatawanan pa.

"Wag ka pong tumawa," sabi ko at hinarangan ng kamay ang mukha.

"Hindi naman," saad niya pero tumatawa pa rin! "Ayon sila Eza, oh," tumuro siya sa isang lamesa. "Ilalakad ba kita papunta doon or ikaw na?"

"Pahatid po," saktong pagkasagot ko ay lumingon si Eza sa amin. It's like she heard how nervous I was and came to the rescue.

She stood up from her seat and ran towards me with a grin. "Equina!"

I returned her smile, "Hi, Eza."

"We missed you!" Niyakap niya ako at tinignan si Mommy. "Hello, Tita!"

"Hello, Eza! Ang mommy mo nasaan?"

"Andoon na po sa table niyo," Eza glanced at me. "Tara doon sa atin!"

"Osiya, sige maiwan ko na kayo diyan," paaam ni Mommy. Tinapik niya ako sa braso at tumawa na naman. "Mag enjoy ka lang diyan ha? Mga kaibigan mo 'yan."

"Yes po."

Eza hurriedly held onto my arm and pulled me towards this one large table. It was circular and most of the seats were already occupied. Iilan na lang ang bakante at baka hindi na 'yon madagdagan. Lalo na tuloy kumabog dibdib ko!

"So Declan wasn't lying pala!"

"Ha?"

"I thought nagjojoke lang si Declan 'cause he's the only one who knows na pupunta ka. Sabi ko babalatan ko siya if it wasn't real but there you are!" Ngumiti si Eza habang hawak hawak pa rin ako sa braso. Ako naman nagpapatianod na lang sa mga nangyayari.

Bago pa man ako makaupo ay may humila na sa akin para yumakap. I was taken aback. Grabe naman, nakakagulat!

"I miss you, Equina."

"Yomi..." I said, almost only to myself. "Bff."

"Hala! OMG naluluha si Yomi," tumawa si Eza pati ang ibang nasa table. I peered over Naomi's shoulder and saw my old friends. Magkakatabi sila Pia, Kirsten, at JD sa isang side. Katapat nila sila Morewann — sana tama dahil nag iba ang buhok niya — si kuya Declan, at si Ken.

I pouted as soon as my tears started to well up in my eyes. Kuya Declan noticed it. Tumayo siya mula sa upuan niya at lumapit sa aming dalawa ni Yomi.

"Those better be tears of joy, Equina," he quipped.

Hinampas siya ni Yomi at nagpahid ng luha, "Wag mo ngang ginaganyan bff ko!"

"Galit naman agad," tinignan ako ni kuya at hinawakan sa ulo. "Laki mo na ah," komento niya.

invisible stringsNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ