Lumapit sa akin si Ella at tinitigan 'yong mukha ko.


"Bakit?" nagtataka kong tanong sa kanya.


Umiling siya at bumalik sa upuan niya. "Hindi porque boyfriend mo na si Hunter susundin mo na siya lagi, ha?"


"Ako nga lagi nasusunod..." Binaba ko 'yong tingin ko. "Lagi ngang nag-a-adjust si Hunter."


"Dapat lang... nananahimik kang nag-aaral tapos nanligaw siya," sabi ni Jas. "Siya ang nang-istorbo kaya siya ang mag-adjust."


"Give and take daw sa relationships, 'di ba?"


"Oo naman pero kailangan komportable ka pa rin sa mga nangyayari, anong klaseng relationship 'yan kung palagi kang napipilitan?" sabi ni Daph at nagpakawala ng malalim na hininga.


"Based on experience?" tanong ni Jas.


"Komportable naman ako roon! Hanggang sa may mga times na hindi na," sabi ni Daph at tumingin ulit sa akin. "Kapag feeling mo hindi na okay, magsabi ka sa amin, okay?"


Tumango ako at ngumuso. "Mabait naman kasi talaga si Hunter, promise. Hindi ako blind tungkol dito."


Tumaas 'yong kilay ni Ella habang si Daph naman pinagdikit 'yong mga labi niya.


Napabuntong-hininga si Blair. "Just remember what lola always tells us, don't engage in inappropriate stuff with your boyfriend."


"Oo naman..." Nagbaba ako ng tingin. "Hindi naman kami ganoon at sobrang respectful ni Hunter kaya 'wag na kayong mag-alala masyado."


"Hindi mo maiaalis sa amin 'yon, kilala na namin siya dati pa..." sabi ni Ella at umirap. "Baka nga nagbago na pero baka bumalik ulit sa dati. Mahirap baguhin ang nakasanayan na lalo na at hindi lang naman 'yan simpleng pagbabago lang sa lifestyle."


Tumingin ulit ako kay Blair at naghintay ng opinyon niya... Nakikinig naman ako sa kanilang lahat pero pinaka-importante 'yong opinyon ni Blair.


"I don't like this hiding spot-slash-love nest idea." Umiiling si Blair habang nakatingin sa akin na may seryosong expression sa mukha niya. "I still feel it in my gut that Hunter has good intentions but I'm scared for you. I'm scared of what might happen between you two when you're alone inside that house."


"Baka kailangan na niya malaman ang mga birth control methods." Ngumisi si Daphne sa akin. "Sex education is a must."


"Hindi naman namin gagawin 'yon..." Ngumuso ako. "Ayaw ko ng ganoon. Hindi pwedeng ibigay ko lang basta 'yong virginity ko."


Umirap si Daph. "Oh, please, it's not that important, binigay ko nga 'yong virginity ko sa basura. It's just a hymen."


"Hindi lahat may hymen," sabi ni Ella at nagkibit-balikat. "Hindi kasi pwedeng abstinence lang, unless you two can control it well."

[Career Series #1]: The Unstable ElementsWhere stories live. Discover now