─────────────
12-07
i don't talk to people unless they talked to me first but guess what? it was our pe subject a while ago at di ako nakaponytail. pinagpawisan ako.
i think taiven noticed it because she offered to tie my hair with her black scrunchie. nagulat pa nga ako e! na naiiyak din kahit wala namang nakakaiyak. friends na ata kami :)
sobrang saya ko.
─────────────
12-09
naiinis ako kay dazel.
kinuha niya yung ballpen ko tapos sabi niya kanya daw yon E BAKIT PINK!?
kainis bwisit na loser yan!
─────────────
3-17
hindi na ako top 1 :(
si clover na ang top 1 kasi sobrang talino niya.
sinabi ko kay mommy tapos umiyak ako, sabi niya okay lang daw yun as long as i did my best. and the ranks doesn't matter to her.
pero sa akin oo. though hindi ako galit kay clover kasi deserve naman niya :)
congrats pa rin, equina! :)
─────────────
4-22
hindi na ako sumama kay mommy nung tinanong niya ako. naiwan ako dito sa bahay at nanood ng movies.
sorry.
─────────────
grade 8
9-05
since last year, i've been groupmates with taiven and clover (pati dazel, rose, and marian) and i'm not complaining. hindi na kami awkward at sobrang saya na.
also, taiven feels like a sister. but with a much deeper connection. ganito ba talaga feeling pag walang kapatid? si clover nga para ko na naging kuya. pati yung dazel kahit nakakairita siya minsan at nangunguha ng ballpen at eraser. minsan din pala parang nanay si taiven tapos si rose at marian ang ate, ako bunso.
i feel like i'll be friends with them for a long time even though i already feel like clover adopted us and made us his children. we're basically a family now. (si taiven ang mother)
please.
─────────────
1-08
kanina, naririnig ko iba kong classmates na nag uusap about sa crush. wala akong maambag kasi wala naman akong crush.
tsaka nung isang araw gumawa kami ni taiven ng slime tapos nilagyan namin ng dahon kasi ganon yung nasa video ginaya lang namin pero dapat pala fake na dahon lang? nasira tuloy.
─────────────
2-15
love should be calm and gentle! it should feel like you're being carried quietly into your room while hearing lullabies.
hindi ko alam meaning niyan kasi nakita ko lang kay rose HAHAHA at bata pa kami wala pa naman akong boyfriend pero pag tumanda na ako at meron na malalaman din natin yan!
plus whenever i hear the words calm, gentle, and quiet, ang naalala ko lang ay si daron. naaalala mo pa ba siya? si dare. yung di nagsasalita tapos ayaw ng pusa! hindi ko nga alam kung bakit siya e basta ganoon na lang naiisip ko.
pero sana totoo at hindi kagaya doon sa mga movie na pinapanood namin nila taiven na puro sigawan ayoko ng ganon.
anyway, bumili kami ng fishball sa may labas ng school kanina pagtapos ng last subject tapos si dazel nagtataka kung bakit daw walang lasa yung sauce yun pala sa may anuhan ng sandok nya sinawsaw ANG TANGA LANG! muntik na nga siyang batukan ni taiven. dapat tinuloy na lang niya!
─────────────
2-19
NATAPILOK AKO KANINA TAPOS SUOT KO YUNG PURPLE KO NA SHORTS TAPOS MICKEY MOUSE ANG DESIGN NAKAKAINIS KA MICKEY MOUSE ANG PANGIT MO
FEELING KO MALAS YON DAHIL PAG SUOT KO LAGI AKONG NADADAPA OR NATATAPILOK GALIT NA GALIT AKO ITATAPON KO NA SIYA
─────────────
3-06
taiven accidentally saw my diary, itong pink. malapit na nga siya maubos e! pag ubos na di ko na bubuksan ulit.
anyway, nung una nahihiya pa ako nung nakita niya dahil baka isipin niya corny ako at nagddiary pa pero after non pinabasa ko na lang kasi sister ko siya.
─────────────
grade 9
4-20
mom went out again so i just went to the mall with taiven and my other friends, free naman sila palagi.
tsaka sila yomi hindi naman ako hinahanap ata. may facebook na kaya ako! sila taiven lang ang laman tapos si rose nga tinuruan ako nung jeje typings! i can do it in texts but not when i'm writing here kasi mahirap parang nagddrawing.
yun lang. color blue na tong diary ko at marami nang laman. yung pink nakatago na sa box.
─────────────
grade 10
7-14
nagmall kami nila dazel at ang parents namin, taiven and clover, kanina tapos may lumapit sa akin around our age, parang familiar pero hindi ko maalala kaya nginitian ko na lang.
grabe sobrang tagal na.
green na to.
─────────────
02-02
this is probably my last entry here. i already have a twitter, sabi kasi ng mga classmate ko that could be an online diary too so lilipat na ako doon at di na magsusulat. tsaka may telegram na din ako, doon na din kami at hindi sa facebook.
thank you, diary. sobra.
this is still equina :)
