nakalimutan kong sabihin, hindi ko na pinansin si jd kanina kasi galit pa rin ako nung nilagyan niya ng buhangin yung slime namin ni yomi. nagsorry siya sakin, sabi ko okay lang kahit hindi. habang buhay na akong galit! hindi ko makakalimutan yon. ngayon nga may dala akong slime pero nakatago lang sa bag ko.

aalis na ata kami sandali lang

☆●☆≠★≒\{≠«≠↔

nakauwi na kami!!!! nagbye ako kay dare kanina at nanghingi ng high five kasi nakikita ko palagi nilang ginagawa ni kuya declan yon. hindi dare pangalan niya, diary, ha. nickname lang niya yon baka hindi mo maalala. tapos pinalitan ko na yung types sa first page! dati kasi wala akong nilagay doon dahil wala naman akong crush.

tsaka naiinis din ako sa sarili ko konti. hindi na kasi ako nagsabi kila yomi na baka last sama ko na yon. i'll transfer at a different school now so i think it's better? sila ata magiging classmates pa rin. tapos ako sa iba na. it's okay, equina :))))) kung friends kami ngayon ganon pa rin naman mangyayari pag tumanda na. kung ayaw na ng universe na maging friends kami, edi wag. but i'll miss them.

love, equina

ps. que sera sera, right?

─────────────

grade 7

7-08

diary,

it's been weeks since our classes started. okay naman ako sa bago kong school but no one talks to me HAHAHAHA. okay lang naman! weird nga e sila agad agad may friends na ako wala pa rin.

also, some of my classmates scare me. there's this one, taiven ata ang name niya. nakakatakot siya! pero hindi nakakatakot na horror movie. she's just intimidating lalo na't mahaba buhok niya tapos black lang na straight, ang tangkad pa. kamukha niya si violet ng incredibles but evil version. ang ganda niya. sa totoo lang gusto ko siya maging friend pero di ko alam paano bahala na.

meron pa yung clover ang pangalan weird din! he's so intelligent, i swear. kung ako matalino kasi mahilig mag aral, siya ata kahit hindi mag aral makakaperfect pa rin sa lahat. yung dazel naman parang nakakainis yung vibe. he can just stand at the corner of the room and i'll be annoyed. parang loser!

the rest of them will never pay attention to me, i'm afraid HAHAHAHA. miss ko na si yomi.

- equina

─────────────

10-18

i was put in a group with dazel and the others for a project. sinabi nung clover na sa bahay na lang daw nila gawin dahil okay lang naman sa kaniya. i agreed because i have no choice.

kasama rin namin sa group sila rose at marian. rose is super nice! i think she's friends with everyone because it's easy to get along with her :)

i'm okay with this setup tbh

- equina

ps. hindi pa rin kami close ni taiven, natatakot pa rin ako.

─────────────

10-22

HELLO ANG LAKI NG BAHAY NILA CLOVER? ang yaman sobra?!!! i feel like i stared at every furniture longer than i contributed to the project. grabe parang artista ang may ari ng bahay. tapos ang lamig! binigyan pa nga kami ng cookies.

invisible stringsWhere stories live. Discover now