anyway napansin ko na meron nang ibang kaclose sila pia pero okay lang sa akin, lilipat kasi ko niyan ng school kapag highschool na, ganon kasi trip ni mommy. ayoko na din naman yung mga kaklase ko kasi kapag nagp-pe kami, minsan parang sinasadya na nilang patamaan ako ng bola or kung ano pang laruan tapos magsosorry pa kunwari, ang ending? i'll just feel bad for them. hinahayaan ko na lang.

mas masaya pa kasama yung mga slime ko.

love, equina

ps. excited na ako sa mga makikilala ko pang tao someday :)

─────────────

4-23

dear diary,

andito ulit kami sa resort nila yomi. kakatapos lang namin kumain ng meryenda kaya humiwalay na ulit ako para mawala na lahat ng kinain ko. after all, i love spending time with myself and just being alone. nakapag laro naman na kami nila yomi kanina kaya pwede na siguro yun.

and finally! naunahan ko na rin si dare dito sa may swing. nandoon pa ata siya kasama nila ken, kumakain ng marshmallow.

feeling ko nga last na sama ko na to kay mommy, sa next reunion nila hindi na ako sasama kasi i noticed na mas close close na silang lahat. sinasali pa rin naman nila ako pero mas close na talaga sila but that's okay! maybe i just got too busy with studying that i didn't notice i was drifting away from them.

grabe nakakainis ka, equina! bata bata mo pa lang ganyan ka na mag isip kainis.

kapag talaga umaalis marami akong nasasabi. whenever i'm at home, all i could write about is my slime and my cats.

ay andyan na si dare kainis!!!!!!

kunwari hindi ko siya nakikita para di niya agawin pwesto ko dito sa swing, tinutuloy ko na lang tong sinusulat ko. he's still weird. he doesn't talk that much, hindi ko nga sure kung marunong na ba siyang magtagalog. basta! umupo pa siya malapit sa akin, doon sa may bakal katabi ng swing. sana hindi siya madumihan kasi naka blue siya. it's probably his favorite color.

he asked me again what i was doing. ang dami niyang tanong kainis! siguro akala niya baliw ako? itong pink na diary pa rin kasi ang gamit ko kasi makapal siya! minsan konti lang nasusulat ko kaya hindi nauubos isang page. feel ko aabot pa to ng ilang taon bago maubos.

binigyan ko si dare ng papel para magsulat na lang din siya at di na magtanong. siguro naman marunong siyang magdiary no? sinabi ko na kung pano to last year. pero bahala na siya diyan basta sabi ko magsulat din siya.

ang crazy nga e tinanong niya ako kung ano daw type ko sa lalaki? tell me that isn't weird! kaya sinabi ko na lang yung qualities na nakita ko sa kanya dahil wala akong maisip. like matangkad, mabait dahil ganon siya kila yomi, matalino siya (englishero nga kasi) PERO AYAW NIYA NG CATS! kasi daw nakakatakot sila kaya parang inaway ko siya konti kanina tapos dinagdag ko din na ang type ko ay yung mahilig sa pusa. why did he even ask me that? i'm just a child! siguro siya may crush na! hindi ko nga iniisip yun.

he's still writing now and it's so quiet. but it's not uncomfortable. actually, okay lang ako sa ganito. parang tahimik na bonding lang kahit tahimik naman talaga siya. i tried peeking on his paper pero tinakpan niya, ang damot! titignan lang e pero may dear yon sa unahan. buti naman at natuto siya.

invisible stringsNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ