love, equina
─────────────
4-18
dear diary,
we're here at naomi's resort. she's one of my close friends if hindi mo pa siya kilala. classmates ang parents namin nung college sila tapos kami naman ni yomi, classmates ngayong elementary :)
they have a lot of friends too, so dumadami din friends namin ni yomi kagaya nila pia, ni ate eza (ayaw niyang tawagin siyang ate), pati si kirsten, at iba pa. sinabi ko na ba to? tapos nga! yung anak ni tito albert na si jd? nilagyan niya ng buhangin yung slime na ginawa namin ni yomi!!! he literally put a handful of sand doon sa container namin tapos umapaw yun. SOBRANG SAYANG!!!!!!
nagalit ako kaya tinry kong alisin yung buhangin kahit hopeless na kaya nalagyan at nadumihan pa dress ko. i always wear a dress whenever i go with mommy because i need to look presentable. kabaliktaran na ako ngayon, tapos pinagalitan pa ako ni mommy dahil sa dumi ng dress ko pero hindi ko sinabi sa kaniya kung ano talagang nangyari. ayaw ko mag explain kahit hindi ko naman kasalanan. i just told her that i tripped and i threw the slime because we couldn't save it anymore.
e tapos mamaya pa pala kami uuwi kaya humiwalay muna ako at nagpunta ako sa medyo malayong part ng resort kung nasaan yung swing ://
merong nakaupo doon kaya sa lapag na lang ako umupo, madumi naman na dress ko kaya baka hindi na to mapansin ni mommy.
si dare ata to e? yung kapatid ni kuya declan. si kuya declan yung mahilig magdrawing ng kunwaring tattoo sa arms niya. ito naman si dare, medyo weird siya kasi hindi siya nagsasalita. pinapanood niya lang na dumaan yung mga pusa dito sa may swing. hindi man lang ako tinanong kung gusto ko din magswing!
AND NOW HE'S WATCHING ME
kunwari na lang busy ako magsulat dito ngayon at hindi ko siya napapansin pero kanina, he asked me what i was doing. englishero pala! matalino! sabi ko diary to kasi wala akong kausap dahil wala naman akong kapatid. also sinabi ko na lang na kung wala din siyang kausap, magsulat na lang din siya ganon para hindi siya malungkot. minsan kasi it's better if you pour your thoughts down para hindi mo kimkimin kasi baka sumabog ka pa. pinakita ko pa nga kung ano laman ng first page. buti na lang talaga kaya ko din mag english dahil favorite subject ko yun. hindi ako nahirapan kausapin siya.
pero aalis na ako! sobrang tagal kong nakaupo sa lupa tapos si dare nanonood lang sa paligid, sobrang tahimik pero okay lang. tsaka baka hinahanap na ako ni mommy tsaka ang dami ko na nasulat masakit na kamay ko sobra.
love, equina
ps. nagbye na ako kay dare kahit hindi ko alam kung kilala niya ako pero kilala ko siya
pps. si kuya niya lang kasi ata kausap niya tapos minsan si yomi din, baka mas friends sila ng mga classmate niya? mas matanda kasi siya sa akin
─────────────
grade 6
3-11
dear diary,
i graduated as valedictorian!!! sobrang bagay sa name ko. ang inaalala ko lang ay what if hindi na ako matalino kapag nag high school ako or college? kailangan kasi imaintain diba! kaya i think it's okay if hindi magsimula na sobrang top ganon at least you still have a room for improvement unlike pag nagsimula ka sa pinakataas. parang ganon ka na lang... makakadisappoint ka pa kapag bumaba ka.
142
Bắt đầu từ đầu
