Ang Huling Sayaw (One Shot Completed)

7 0 0
                                    


Nagmadali kong inayos ang mga gamit ko ng maranig ang sinabi ng prof. namin na sinabing 'dismiss' ganun rin ang ibang mga kaklase ko sa subject na ito. I'm an irregular student kaya kailangan kong pumunta sa susunod kong subject. Hindi tulad ng mga kaklase ko rito ay magkakablockmates sila. Hindi na rin bago saakin ang pagiging irregular kung tutuusin mas gusto ko nga ito dahil marami akong nakikilala yun lang wala akong masasabing kaibigan ko. Pero hindi ko na problema yun dahil ang problema ko ay kung paano makarating sa gym ng mabilis dahil iyon ang next subject ko. P.E

Nang makarating ako sa gym agad kong ibinaba ang gamit ko. Nakita ko silang nakaassemble na kaya hindi ko naman ang kong anong gagawin namin sa araw na ito. Sa totoo lang ayoko ang ang subject na ito, kahit pa sabihing minor subject lang ito feeling major dahil sa prof. namin na strikto. Hindi rin makakaila na lantad rin siya. In short bading. Wala namang problema saakin iyon pero sa iba kong kaklase ay medyo nakikitaan daw nila ang pagiging bias nito lalo na sa mga boys.

"Late ka na naman, Miss Ferrer." Hindi natutuwang untag ng prof. namin ng makita ako. Humingi na lang ako ng paumanhin sakanya keysa mag-explain pa dahil ayoko ng lumalala pa ang sitwasyon . And for the record magiging center of attention lang ako. Yung mga iba kilala nila ako at alam nila kung saan ako nanggaling. Ikaw ba namang galing ka sa fourth floor at pupunta ka rito sa gym. Kaya mahigit 15 mins. Late narin ako pero kung naglakad lang ako baka doubleng abutin ko makarating lang dito.

"Ipaliwanag mo kasi, bakit parating kang late sakanya. Maiintidihan ka naman niya. Angel." Napalingon naman ako kay Leah. Siya ang masasabi kong close ko rito sa klaseng ito.

"Hayaan mo na baka mahabang argument nanaman ang abutin ko nito." Naalala ko kasi noong dati na sinubukan kong magpaliwanag sakanya pero humantong lang sa debate naming dalawa keyso daw porque minor subject ito hindi ko na raw pinapahalagahan. Etc. Ayoko ng maalala pa.

"E di mas maganda, walang klase."

"Sira ka talaga." Nailing na lang ako sakanya . Kahit kailan talaga.

"Late ka na nga may gana ka pang makipagdaldalan. Gusto mo ikaw na lang ang magturo rito sa harap, Miss Ferrer!?" Biglang napunta naman saakin lahat ng atensyon ng mga kaklase ko. Sa totoo lang hindi ko pa nasubukang mapahiya sa harap ng maraming tao pero ngayon parang ito na nga yung sinasabi nila. Nakakahiya. "Halika rito sa harap at ituro mo kung anong sinasabi ko." Napayuko naman ako dahil hindi ko alam sasabihin ko. Saka hindi ko naman alam kong may itinuturo na ito. "See, hanggang daldal ka lang. If you repeat this behavior, I will drop you from my class. Understand? Now go to your designated partner! "

"Grabe, drop agad? Iba talaga kong insecure sayo. Hayaan mo na siya. Sige pupunta na ako sa partner ko." Ako naman hindi umalis sa kinatatayuan ko dahil hindi naman ako nainform kung anong gagawin.

"Ano pang tinutunganga mo? Maghanap ka ng partner mo."

"Ahm, sorry po sir pero mukhang wala na pong.."

"I'm right here, Sir, and I apologize for being late." Natuod naman ako sa kinatatayuan ko ng marinig ang baritong boses na iyon. Ilang beses akong napalunok para hindi mapansing kinakabahan ako.

"It's okay, Mister Santillan. Simula ngayon, kung sinong partner niyo siya ang magiging partner niyo hanggang sa Foundation day. Hindi ko na kayo bibigyan ng exam dahil dito ko na kukunin sa performance niyo. This is group performance kaya kapag nanalo ang klaseng ito lahat kayo sa performance niyo ay bibigyan ko ng uno. pero kong wala naman kayong place na nakuha 1.75 lang ang ibibigay ko. Kaya ayusin niyo dahil kapag pumalpak ang isa damay kayong lahat." Hindi naman nakaligtas ang tingin ng prof. namin saakin ng sabihin niya kanina ang huling sinabi nito. Mukhang ako pang pinapatamaan niya. Napasimangot naman ako bigla dahil naalala kong kinonsedira niya kanina ang isang kaklase naman na mas late pa saakin. Pero kung sabagay athlete nga pala ito. For sure, mas iintindihin niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 23, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Huling Sayaw (One Shot Completed)Where stories live. Discover now