Kung yung mga mahahaba at makakapal nitong pilik mata. At yung eye lids niyang may bahid ng natural make up.

Yung ilong niyang matangos.

O yung labi niyang alam kong may nakalagay na liptint.

Napaiwas nalang ako ng tingin and tried my best to remove his hands on me na hindi siya nagigising. Nakahinga ako maluwang noong maalis ko iyon. Agad akong lumayo sa kanya at bumangon umupo sa gilid ng kama.

Nailibot ko ang aking paningin dahil hindi pamilyar sa akin ang kwartong ito.

Nasaan kami?

Kunot noo akong lumapit sa may pinto at saka binuksan ang curtain blinds ng kaunti upang makita ang labas.

Mas lalong napakunot ang noo ko noong makita ang building na katapat kung saan ako nagtatrabaho.

Nandito pa rin kami sa kumpanya?

Pero... Inilibot ko ulit ang mata ko. Saka ko lang na gets. This is Fenix secret room in his office. At hindi ko alam na may ganito pala dito.

Lumingon ako dahil nararamdaman ko na parang may nakatitig sa aking likuran. Baka multo tumayo ang balahibo ko dahil doon. Pero mas nagulat ako noong makita si Fenix na nakatitig sa akin.

Gising na siya. Nakaupo na siya sa side ng kama habang titig na titig sa akin.

Kinunutan ko siya ng kilay.

"Ba't ang sama mo na naman makatingin bakla?" I ask him.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Hindi maganda ang gising ko peachay." He said.

"Oh eh anong kasalanan ko dun?" Takang tanong ko. He rolled his eyes.

"Mukha mo kasing chaka ang una kong nakita." Sabi niya na siyang ikinasimangot ko.

"Kagigising mo palang nang ookray ka na diyan." Asar na sabi ko dito at saka ko nilapitan ang sapatos ko na nasa paanan ng kama.

"Hindi pang ookray yun gurl. Chaka ka naman talaga." He said at saka na siya tumayo. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Paano ko ba naging kaibigan ang laitero na to.

Mabuti nalang kaibigan ko ang baklang yan kung hindi. Naku!

"Mana lang kasi ako sayo." Nakaismid na sabi ko habang isinusuot ang puting sapatos ko. I heard him gasped in shock.

"Oh my gosh! How can you say that. Every part of my face screams prettynes. So Im hundred percent sure na wala kang namana sa akin ni kusing." Maarteng sabi niya.

"Self proclaimed ka na naman diyan. Tsk! Asan ang pretty diyan." Nakangiwing sabi ko at saka itinuro ang mukha niya. "Heto ang tunay na pretty." Sabi ko at saka ko hinawakan ang magkabilang pisngi ko and I puppy eyes on him.

But he just make a vomit sound. Ang OA talaga ang baklang yan.

Napairap nalang ako at saka napangisi.
Napatingin ako sa cellphone ko na nasa side table noong umilaw iyon. At nanlaki ang mata ko noong mabasa ang text ng marketing manager. Beast mode na ang lola niyo!

"Bakla as long as I want to argue with you right now or ang sabayan ka sa trip mo. But I need to go. Lagot na ako nito bakla bakit kasi hindi mo ako ginising agad!" I said at saka nagmadaling lumabas sa kwartong iyon pero pagkalabas ko ay natigilan ako noong saktong papasok si Tita Demmy sa opisina ni Fenix. Nanlaki ang mata nito. Maya maya ay ngumiti ito ng nakakaloko.

Lalo na nung...

"Ano ba kasing sinabi sayo ng marketing manager?" Nakasimangot na tanong niya at saka niya ako tinabihan. Hindi ko siya pinansin nakatutok lang ang mata ko kay Tita Demmy na palipat lipat ng tingin sa aming dalawa ni Fenix.

Falling Into His ArmsWhere stories live. Discover now