Part 5

29 2 0
                                    

Sam's POV

Handa na ba ako? Siguro nga panahon na para malaman ko ang lahat. Para sa ikabubuti ko at para malinawagan na rin ang isip ko.

"Tungkol saan ang pag uusapan natin?" Tanong ko habang inayos ang mga gamit ko at tumayo.

"Tungkol sa atin"

0___0

Bahayga pa akong nagulat kahit inaasahan ko nang yon ang pag uusapan namin pero mali yata yung term eh.

"Diego walang tayo" sagot ko at  bahagya naman syang nagulat. "Saan tayo mag uusap?" Tanong ko.

"Sa Coffee Shop sana sa harap ng School kung okay lang?" Tanong nya.

"Tara" at nauna na akong naglakad pero sumunod naman sya sa akin.

Madadaanan namin yung library palabas ng campus, pero nung makalagpas na kami-

"Hon!"

"Honey, what are you doing here?" Si Diego.

"What are you doing here Honey?" Balik na tanong sa kanya ni Miana.

Magkakabatch kaming tatlo pero silang dalawa ang mag classmate, magkaibang section kasi kami. Hindi siguro ako napansin ni Miana kasi mas nauna ako kay Diego. Lumingon ako sa kanila at nagtama ang paningin namin ni Miana.

"And you!" Sabay turo sa akin. "Nilalapitan mo ba ang boyfriend ko huh? For what ? Para agawin sya?" At naglakad na sya papalapit sa akin.

"Sayong sayo na SYA Miana, hindi ako yung babae na parang mawawalan ng lalaki, hindi ako katulad mo Miana--"

~PAAAKKK~

Sinampal nya ako kaya napahawak ako sa pisngi ko. Sobrang sakit ng sampal nya at pakiramdam ko namula ang kaliwang pisngi ko. Gusto kong umiyak sa sakin pero pinigalan ko.

"Miana ano ba?!" Sigaw ni Diego kay Miana at lumapit sa akim at hinawakan ako sa kaliwang balikat. "Keithleen okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong nya.

Tumango ako at tumingin sa kanya.

"Sa susunod nalang tayo mag usap" sabi ko at tinalikuran ko na sa. Nang makalayo ako sakanila ay dumeretso ako sa Cr at pumasok sa isang cubicle at doon umiyak.

Lagi nyo nalang ba akong sasaktan? Ano bang nagawa kong mali? Wala akong natatandaang kasalan ko para ganituhin ako.

Nag stay ako ng ilang minuto at lumabas. Naghilamos ako at naglagay ng powder. Halata parin ang namumugtong mga mata ko pero hindi na sya gaya ng kanina. Tiningnan ko ang orasan ko at five minutes before mag iistart ang first clasa ko sa hapon kaya  naman naglakad na ako papuntang room.

Mark's POV

Lunch break na at nakaupo ako dito sa bench na nasa ilalim na puno. Ayokong pumunta sa canteen kasi maiingay ang mga nandun. Sigawan dito, sigawan dun, maingay, magulo, bagay na nakasanayan ko pero pilit ko nang iniiwasan. Si Sam, hindi ko nagawang pansinin kahit na gustong gusto ko. Dalawang araw akong absent kasi noong umaga ng Wednesday, nalaman nila Daddy na umabsent ako noong Tuesday, sobrang galit na galit sakin si Daddy at ipinabugbog nya ako. Kaya medyo may sugat sugat pa ako sa mukha pero hindi na singlala noong Wed.

Gusto na ata talaga akong magtino ni Daddy kaya halos ipapatay nya na ako. Magbabago naman na ako, umiiwas na ako sa gulo pero tinamad lang naman akong pumasok eh. Ang akala siguro nila nakipagbasag ulo na naman ako kaya hindi ako pumasok.

Ganon sila eh, hindi na nila inaalam yung side ko at 'yon 'yong mas nakakaragdag ng sakit.

"Ah hi" may biglang nagsalitang lalaki sa tabi ko. Unti unti kong iniangat ang paningin ko at nagtama ang paningin namin ng isang pamilyar na lalaki. Teka, saan ko na nga ba nakita tong isang to--

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 04, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sticky Note [On Going~] ♡Where stories live. Discover now