Part 2

51 4 0
                                    

Mark's POV

Its Monday Morning!!!

Ayoko sanang pumasok ngayon, kaso first day eh. At ang matindi pang nakakatamad eh yung katotohanang papasok ako sa bago kong school. Kung kelan 4th year highschool na ako, saka pa nila ako pinalipat. Anak nang.

On the way na ako papasok at naiinis parin ako.

AYOKOOO DITOOO. sigaw ng isip ko habang nakapark ako dito sa parking lot ng Eastwood University. Anak nang. Wala ng atrasan to eh andito nako eh oh, ano pa nga bang maga------.

~BOOOGGSSS~

0___0

kasabay ng tunog na yun ang pag uga ng sasakyan ko. Anak nang. Dali dali akong lumabas ng kotse ko at nakita ko yung likod ng kotse ko na nabunggo ng isang motor!

"Nako sorry pare, nagmamadali kasi ako eh. Pasensya na talaga. Mauna na ako pare, pasensya na ulit."

Hindi na nya hinintay yung sagot ko at umalis na.

Badtrip na nga ako, dumagdag pa yun. Pag makita ko ang pag mumukha nung lokong yun, lagot sa akin yun.

Bumalik ako ng kotse ko at napag desisyonang wag na munang pumasok. Matutulog nalang ako. Baka sakaling mabawasan ang init ng ulo ko.

Maya maya'y.

Nagising ako sa sinag ng araw. Tiningnan ko ang oras at lunch break na. Pumasok na ako sa loob at dumeretso sa locker ko. Medyo naligaw pa ako, anak ng. Pagbukas na pagbukas ko. May nahulog na maliit na papel na galing sa locker ko at binasa ko.

Hoy! Ang kapal naman talaga nang mukha mo eh no. Sinisigurado ko na sa buong school year, hindi ka magiging masaya. Hahahaha
-Keithleen Samantha Miguel here!!

Anak nang. At sino naman tong Keithleen na to.?! At sinabi pang hindi ako magiging masaya sa buong school yea?! Biglang uminit ang ulo ko at hindi ko namamalayang nakarating ako sa canteen.

"SINO SI KEITHLEEN MIGUEL DITO?!" inis na sigaw ko. Wala akong pakialam sa mga nakakakita. Sana lang may magandang dahilan sya kung hindi. Nakoo! Iginala ko ang tingin ko sa kabuuhan ng canteen at nagbabakasakaling andito nga sya.

"SINO SA INYO SI KEITHLEEN SAMANTHA MIGUEL?!" sigaw ko ulit habang naglalalad na.

Kita ko na nagulat ang ilan ngunit maya maya'y nagsisigawan na sila na animoy kinikilig ngunit hindi ko pinansin.

"Sya! Sya si Samantha" turo ng isang babae. Sinundan ko ng tingin at pumunta sa harap nung babaeng itinuro nya.

"Sumama ka sa akin" sabi ko sa kanya.

"Bakit naman ako sasama sayo? Hindi di nga kita kilala. Ano bang kailangan mo--"

Hindi ko na pinatapos yung sasabihin nya. Hinila ko sya sa kamay at hinila sa gilid ng gym. Binitawan ko sya sa kamay at tiningnan habang inaaral nya yung hinawakan kong kamay nya na animo'y nasaktan.

"Ano bang problema mo?" Tanong nya pero hindi ko pinansin yun at nanatiling nakatingin sa kanya. "Oh ano ngang problema mo? Makasigaw ka naman kanina, maka eksena lang? Ganon?" Anong eksena naman ang sinasabi neto.

Hindi ko din alam kung bakit ko ginagawa to, basta ang alam ko, nabwibwisit ako at malas nya kasi sya yung napagbuntunan ko. Eh kasalanan nya rin naman ah!

Inilabas ko yung papel na may mensahe nya na mas lalong nakapagpabwisit sa akin.

"What is the meaning of this?!" Sabay pakita dun sa note nya.

Sticky Note [On Going~] ♡Where stories live. Discover now