Part 1

80 5 2
                                    

Samantha's POV

"Saaam!! Bilisan mo" sigaw ni Kuya.

"Etooo naa pooo" sigaw ko habang bumababa ng hagdanan. Kahit kailan talaga to. "Bakit ba nagmamadali ka? Alam mo bang nag momoment pa ako dun tapos minadali mo ako. Oh ano? Tara na uyy! Minadali mo ako tapos tutunganga ka dyan?" bulyaw ko sa magaling kong kapatid. Sabay kaming naglakad palabas at sumakay sa kotse nya.

"Hoy! Kamusta kana?" Tanong nya nung nakasakay na kami pareho at pinaandar na nya yung kotse nya. Alam ko kung ano ang kinakamusta nya. Nakipagbreak lang naman sa akin yung lintek kong boyfriend, pero ngayon ex na. Isang linggo na ang nakakaraan pero masakit padin eh, pilit kong kinakalimutan kaya nga nag prepretend akong ok na ako kaso kilala talaga ako netong kuya ko eh. "Samantha are you okey?" Dagdag nya.

"Let us not talk about it kuya, mawawala din to." Sagot ko habang nakangiti. Hindi na sumagot si kuya at nagpatuloy na kami sa paglalakbay patungo sa magandang kinabukasan. Hehehehe.. -________- pero sa loob loob ko, masakit pa eh. Two years! Two years na tinapos nya lang sa tatlong salita BREAK.NA.TAYO.

"Andito na tayo" hindi ko namalayang nasa parking lot na pala kami. "Mag aral ng mabuti Samantha, last year mo na as a Highschool student and as much as possible, do your best, just call me kung may kailangan ka ok? Sige mauna kana, may dadaanan pa ako" tapos hinalikan nya ako sa noo. Bumaba na ako tapos pumasok na. Dumeretso ako sa room na nakalagay sa paper ko na nakuha ko noong nag enroll ako at Umupo sa likod.

"Saaamaannthhhaaa beeyybbee!!!" Tsk tsk tsk. Alam na alam ko ang sigaw na yan eh. Ang nag iisang ---

"Aallliiiiaaaahhhh!!!" Balik na sigaw ko habang kumakaway kaway pa. Hehehe

"Omg!! Gumanda ka lalo ah!" Sigaw nya pagka upo sa tabi ko.

"I know hahahahahahah"

"Sam nabalitaan mo na ba?" Malungkot na tanong nya.

"Yung alin?"

"Si Diego at Miana mag on na!" Wtf?! Biglang nanikip ang dibdib ko pero alam kong hindi na sya gaya ng dati. Salamat sa tulong ni Kuya at syempre ni Aliah. Yes, si Diego yung lintek kong ex boyfriend!! "Ohh my..sorry" dagdag nya kasi nga hindi ako sumagot.

"No Aliah. Its okey" nakangiting sabi ko. Now its time for me to move on. Awwttsss -______-

Dumating na si Miss Lovie Reyes na syang magiging English tearcher namin. Kaya hindi na kami nakapag usap pa ni Aliyah. May mga bago kaming classmates pero hindi ko na pinansin yun kakaisip kung paano ko sisimulan ako pag momove on.

~TING~ (bright idea kuno hehe)

Alam ko na. Sisimulan ko sa pag bibigay na isang mensahe. Tama tama. Kumuha ako ng sticky note sa bag ko at sinimulan kong magsulat.

Hoy! Ang kapal naman talaga nang mukha mo eh no. Sinisigurado ko na sa buong school year, hindi ka magiging masaya. Hahahaha
-Keithleen Samantha Miguel here!!

Ayan. Pinasok ko sa bag ko at nagsimulang makinig.

DISCUSS

DISCUSS

BREAK

DISCUSS

DISCUSS

~RRRRIIIINNNNGGGGGG~

Lunch break ^__________^

"Aliah mauna kana sa canteen, dadaan lang ako sa locker." Tapos tumakbo na ako at hindi ko na hinintay ang sagot nya.

Naglakad na ako papuntang locker at hinanap ko yung locker nung lintek kong ex. Sigurado ako na sa kanya tong locker na nasa harap ko. Halleerr. Two years yun uyy.

"Diego, eto ang huling beses akong magpupunta dito sa harap ng locker mo. Salamat sa dalawang taong pagsasama. Hindi ako naglagay ng mga magagandang salita dito sa note ko para wala ka nang masabi. Makakalimutin din kita sa tamang pana---"

~BBOOOGGGSS~

mag mga tumatakbong estudyante at nadanggil pa ako.. walanghiya naman tong mga to, mabilis akong bumalik sa harap ng locker nya at mabilis na inilagay sa locker nya yung sticky note at mabilis na tinahak ang canteen. Oo, nagmamadali talaga ako. Pagkakita ko kay Aliah at nakita kong nakaorder na sya. Umupo ako sa harap nya at sinimulan na naming kumain. Maya maya'y.

"SINO SI KEITLEEN MIGUEL DITO?!"

~HUK~

Mabilis akong kumuha ng tubig. Nabilaukan pa ako nang may biglang sumigaw nang pangalan ko. Unti unti kong nilingon kung saan nagmula ang pagsagaw na yun.

0___0

Who the hell is he?!

"Samantha, what the hell did you do?!" Bulong ni Aliyah na nakalingon na din pala sa sumigaw na yung.

"Aliah wala akong ginagawa, I dont even know who is he" bulong ko din na hindi inaalis yung tingin ko sa lalaking sumigaw na iginagala ang mata nya sa kabuuhan ng canteen. Parang tanga. Bakas din sa pagkagulat sa lahat ng andoon.

"SINO SA INYO SI KEITHLEEN SAMANTHA MIGUEL?!" pag uulit nya tanong nya habang naglalakad na.

"Oh my goshh girlss, ang gwapo nya"

"Yeah right. Bago ata sya ahh.. yiehh sooo hot"

"Wahhh iloveyou na!!"

Sigaw nang mga nasa canteen. Huhuhuhu kilala ako dito kaya malamang, may magtuturo kung sino si Samantha, Ako yun eh huhuhuhu.

"Sya! Sya si Samantha!" unti unti kong nilingon kung sino ang sumigaw na yun at nakita ko si Miana na nakaturo sa akin. What?! SA AKIN?! now this is Great. JUST GREAT!!. pag lingon ko sa harap, nasa harap ko na tong lalaki na kung makasigaw, parang wala ng bukas.

"Sumama ka sa akin!" Sigaw nya sa akin.

"Bakit ako sasama sayo? Hindi nga kita kilala eh. Ano bang kailangan mo----"

Hinila nya ako dahilan para hindi ko maituloy yung sasabihin ko.

"Girls, whats happening?!"

"Nag aaway silaa?"

"Ayy hindi ate, naglalambingan. Punyeta, malamang!"

"Sungit"

Hindi ko na pinansin yung mga bulungan nila. Nahagip ng mga mata ko si Miana na nakangisi.

Kasalanan mo tong hinayupak ka eh!

Nakarating kami sa tabi ng Gymnasuim.

"Ano bang problema mo?" Sigaw ko habang tinitingnan yung braso kong hinawakan nya habang kinakaladkad ako. "Oh ano ngang probema mo? Makasigaw ka naman kanina, maka eksena lang. Ganon?" Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang mga matang galit.

Ano namang ginawa ko dito?

"What is the meaning of this?!" Inis na sigaw nya at ipinakita ang isang papel.

0___0

YUNG STICKY NOTE!! HELL NOOOO!!!
STUPID SAM -____________-

Sticky Note [On Going~] ♡Where stories live. Discover now