Part 4

47 4 6
                                    

Sam's POV

Maski ako ay nagulat sa isinigaw ko. Hindi sya sumagot ngunit nanatiling blangko ang paraan ng pagtitig nya. Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip ng isang to.Hindi ko nakayanan ang mga titig nyang yon kaya ako na mismo umiwas. Nawala ang kaninang galit na nararamdaman ko sa hindi ko alam na dahilan.

"Sumama ka sakin" at nauna na syang maglakad.

Sumunod ako sa kanya at pinagbuksan nya ako at sumakay na ako. nung makasakay na din sya ay sinimulan nya nang magmaneho.

"San tayo pupunta?" tanong ko habang naka tingin sa kanya. sinulyap nya naman ako at ibinalik sa pagmamaneho ang atensyon.

"Pupuntahan natin ang Papa mo"

0___0

Bakit naman namin pupuntahan si Papa, teka.. Patay na si Papa ah. Loko to ah.

"Enriquez, patay na si Pa—"

"Alam ko Miguel" Pagpuputol nya sa sasabihin ko habang nakangisi.

0___0

Alam nya? Alam nya din yung pangalan ng Mama ko ahh. Paano nangyari yun?

"Pano mo nalaman ang mga yon. Yung pangalan ng Mama ko, yung tungkol sa Papa ko. Paano huh?" Tanong ko ngunit di sya sumagot. "Siguro, myembro ka nang sindikato no?" Tanong ko.

"Oo, kaya tumigil ka na kakasatsat dyan kung ayaw mong magpaikot ikot sa ere tong sinasakyan natin"

0___0

Ang dami nya namang kayang gawin. Paano kung magsumbong ako sa pulis? Oo tama, sa pulis.

"Hoy!"

"Ay pulis!" Naisigaw ko, inis akong humarap sa kanya. "Ano ba?"

"Bakit, ipapapulis mo ako? Itatanong ko lang sana kung saan nakalibing yung Papa mo." Sabay kamot ng ulo nya.

Tinuro ko kung saan nakalibing si Papa at ilang sandali pa'y nakarating na kami.

Naglalakad na kami ngayon papunta sa puntod nya. Nang marating namin yon ay umupo ako sa harap ng puntod ni Papa at tumabi naman sa akin si Enriquez.

"Hi Papa, ngayon lang ulit ako nakadalaw sa inyo, pasensya na kayo Papa huh, hindi ko kasama si Sebastian ngayon. Kamusta na po kayo dyan Papa? Ang tagal nyo na pong wala pero namimiss parin namin kayo." Mangiyak-ngiyak na sambit ko. "Alam mo po ba Papa, hindi po kami pinabayaan ni Mama. Si Sebastian po, mahal na mahal ako at lagi akong inaalagaan" at tuluyan na ngang bumagsak ang mga luha ko at pinunasan din agad.

"Sebastian? Boyfriend mo ba yun?" Tanong nya pero hindi ko sya nilingon.

alam nya yung tungkol sa Mama at Papa ko, bakit di nya pa dinamay si Kuya. Engot din ang isang to.

"He's my brother" sagot ko. "Huling dalaw ko dito, hindi ko kasama si Sebastian. Mag isa lang ako nun kasi nagsumbong ako kay Papa nun, kasi sinaktan ako nang kaisa isang lalaki na minahal ko ng todo." Sabi ko sabay buntong hininga

"Parte na nang buhay natin yan eh. May mawawala pero may dadating din. Malay mo, nawala sya kasi dadating ako." Nakangiting sabi nya na bahagya kong ikinagulat.

0___0

"At ano naman ang magiging papel mo sa buhay ko? Ang bwisitin ako palagi? Alam mo bang first time kong gawin yong ginawa ko kanina?" Natatawang sabi ko.

"At nagawa mo yun dahil lang sa akin?"

"Hoy hindi ah. Natatakot lang ako sa gagawin mo sa Mama ko."

Sticky Note [On Going~] ♡Where stories live. Discover now