035

9 1 1
                                    


10:36 am

Kaddisse's POV

"Here," binigay sa 'kin ni Cart ang isang kapares ne earphone niya. Pagpasak sa tainga'y narinig ko ang bungad ng isang kanta. Saka naman niya hinawakan ang kamay ko.

"Thank you," kanina ko pa 'to sinasabi sa kanya. Hindi ko lang matigilan.

"Kad," hmm? Nilingon ko siya. "Mahal kita,"

"Lagi mo na lang sinasabi yan kahit ilang beses na kitang tinataboy..."

"Naiintindihan kita," aniya. Dito ko naalala ang pinagdaanan ko. Saka ko lang na-realize na sa tagal namin ni Carter, hindi niya sinumbat sa 'kin yung lahat ng naging effort niya. Na, pinaparamdam niya sa 'kin na naiintindihan niya nga ako.

"Carter.."

Ngumiti siya, "Alam kong naguguluhan ka, Kad. Alam kong naguguluhan ang isip mo.. ang damdamin mo.. ramdam ko 'yon. Kaya araw-araw, lalo kong tinitibayan ang sarili ko kasi gusto kong intindihin ka."

"Ganyan mo talaga ako kamahal?" Tanong ko.

"Sobra pa do'n, Kad.." marahan niyang sabi. "I'm ready to be with you, at all times. The moment I found out about your unsolved trust issue, I realized na kulang pa yung effort ko. I have to make sure that I am strong to handle those. I wanna make sure I'm gonna be with you, on your fights.. even in your toughest times. I wanna make sure you're not gonna be broken anymore.. that you'd feel you're safe with me.."

His words.. sobrang nakakaiyak.

"Gano'n ka talaga ka-eager.."

"Yes, Kad. It might sound so corny, pero.. handa kitang panindigan," pagkasabi niya no'n, tumulo na ang luha ko. This man.. is really existing. For me. Unbelievable..

"Ano bang nagawa ko para ma-deserve ka?" Tanong ko sa kanya.

"You did..?" he smiled, "You did was to be my everything." Pinaharap niya ako sa kanya at dahan-dahang pinunasan ang luha ko. Hinalikan niya ako sa noo, "I genuinely love you, Kaddisse."

Epilogue.

Paninindigan KitaWhere stories live. Discover now