"There is a motorcycle rollercoaster, but it is only open at night." sagot nya.

Ah siguro dahil kapag may araw hindi makikita yung mga ilaw? Para ka talaga kasing totoong nagmomotor pag sakay ka no'n tapos umiilaw yung motor mong sasakyan lalo na ang gulong.

"Sige, okay lang po at habang hinihintay ang gabi ay sulitin natin lahat ng rides. Pero, libre mo?" wala akong pera eh.

Hindi naman ako humihingi ng pera o anumang bagay sa kanya pero pagdating sa libre na tulad ng pagkain at ganito ay hindi ako tatanggi.

"Yes, it's my way of repaying you for all of your kindness, as well as a peace offering for what happened at school." mukhang hindi pa rin sya mapanatag pagkatapos ng nangyari sa school. Sinabi ko naman sa kanya na kalimutan na at okay na ako pero ginagawa pa rin bumawi ni ma'am. Ganito lang talaga silang apat kapag walang ibang tao sa paligid, pero pag kami lang ay ang baet nila.

"Sinabi ko naman sayo na kalimutan mo na po, kasalanan ko rin naman kasi bigla nalang ako nag desisyon ng walang pahintulot mo." gusto ko itanong kung sino ang lalaki pero baka magalit ito at masira ko ang kanyang mood, mukhang good vibe pa naman sya ngayon.

"P-Pero may tanong po ako."

"Yes?"

"Ano… yung lalaki po, sino sya?" nakatutok lang ang paningin ko sa daan, okay lang naman mag usap kahit hindi nakakatinginan.

"My ex-boyfriend." I immediately turned my head to see her.

"E-Ex mo?" kaya pala may lungkot sa kanyang mga mata noon tapos galit sya ng sabihin kong asawa ko sya. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ganun na lang ang reaksyon nya, siguro may nararamdaman pa ito sa dati nyang nobyo.

"H-Hindi ko alam, kaya pala nagalit ka sa akin dahil baka isipin nya na totoong kasal tayong dalawa." muli ko ibinalik ang atensyon sa labas ng bintana.

May mga dating nobyo rin kaya ang tatlo pa? Paano nalang kung isang araw magbalik sila at guluhin ulit ang buhay ng apat? Paano kapag nakikipag balikan? Pero pinapangako ko sa oras na mangyari yun, hindi ako papayag kasi kung mahal nila ang kanilang mga nobyo ay hindi nila ito sasaktan o iiwanan.

"I left the Philippines 'coz of him. He was my first love, the person I loved, but he cheated on me." I didn't expect na ibabahagi nya sa akin ang tungkol sa kanyang nakaraan. Yung lalaki na yun? Nagawang lokohin ang nag iisang Kate Monroe?

"K-Kung hindi mo mamasamain, ilang taon po naging kayo? Natuklasan mo ba na may iba sya?" pautal-utal na tanong ko.

"We lasted three years. I found out he was secretly dating a model, so even though I loved him, I ended our relationship. I know what I'm worth, and I can't be with that kind of man." namangha ako sa kanyang sinabi, mabuti naman at alam niya ang kanyang halaga. Hindi dapat talaga sinasayang ang sarili sa maling tao.

"So nong nalaman nito na bumalik ka na ng bansa ay nagsimula ulit siya na ligawan ka?" agad siyang tumango.

"Pero kung hindi mo na mahal at tuluyan ng naka move on, bakit nakita ko ang lungkot ng 'yong mata na parang mahal mo pa sya?" yung bibig ko hindi na alam kung ano ang salitang limit, bigla nalang nagsasalita mag-isa.

"It's not because of him. I was just afraid when you told him you were my wife, especially since it was supposed to be top secret. I'm sorry if I said something that hurt you. Ayaw ko lang kumalat ang tungkol sa atin dahil baka mapahamak ka." yun pala ang totoong dahilan? na misunderstood ko tuloy sya dahil sa sinabi nya.

"Akala ko po galit ka kasi baka hindi kayo magkabalikan ng ex mo dahil sa akin. Pero bakit sya yung kasama mo non sa kasal?" Hindi sya sumagot, mukhang alam ko na kung sino ang taong kikitain ni ma'am. Kung hindi ako nagkakamali ay ang ex-boyfriend nya.

ᴘᴏʟʏᴀᴍᴏʀʏ : ꜰᴏᴜʀ ᴡɪᴠᴇꜱ | ᴋʀɪꜱ ᴀꜱᴛᴏʀ ᴄᴀᴅᴇʟʟ Where stories live. Discover now