6 - Notes

43 1 0
                                    


Nakakainis!

Tuliro ako pauwi. Of all people bakit si Ashton pa yung nakabangga ko. Kinakabahan ako. Alam na kaya nya na ako yung naglagay sa bag nya?

Gustong gusto kong pagsisihan kung bat ko pa kasi ginawa ung dare na yon. Pero kung iisipin, di ko alam kung ano mas nakakatakot. Yun bang nag-truth ako at nalaman nila lahat na crush ko si Brad, my bestfriend.. or ang maglagay ng panty sa bag ni Ashton.

"Oh nakauwe ka na pala, bilisan mo at tulungan mo nako maghanda ng hapunan" tawag sakin ni mama.

Napabaling ako sa kapatid ko na busy ngayon sa paghihiwa ng sitaw.

"Hoy Jenna, masyadong maliliit naman yan.. ayusin mo nga ang paghiwa!" Asik ko sakanya, inismiran naman ako ng nakababata kong kapatid at nagpatuloy sa ginagawa.

Natapos ang dinner ng di padin maalis sa isip ko si Ashton. Takot na takot akong malaman nya ang totoo. Did he buy my excuse na ako nga si Amanda? Sana naman! I don't want my school life ruined because of the stupid dare!

Biglang tumunog ang cellphone ko na nagpawala ng pagiisip ko.

Brad: Hey, I saw you running earlier after dismissal? Di na kita nahabol at may klase pako.

Napahawak ako ng mahigpit sa cellphone ko at kinilig. Hindi ko talaga pagsisisihan na ginawa ko ung dare at ayoko magkasira kami ni Brad.

Nagstart nako magreply : Kelangan ko lang kasi umuwi agad, sorry if hindi kita napansin.

Mabilis itong nagreply.

Brad: Okay lang, see you tomorrow then, goodnight.

Nilagay ko na ang cellphone ko sa tokador laman na ng isip ko ngayon ang poging mukha ni Brad at nakalimutan ko na ang problema ko kay Ashton ng tuluyan hanggang sa dalawin ako ng antok.

********

Papasok na ako ngayon sa klase ng matigilan ako. Ashton is infront of our room waiting for someone. He was pacing back and fort when his eyes met mine.

Pakiramdam ko ay napako ako sa kinatatayuan ko at di makagalaw. Nanuyo ang lalamunan ko at di maalis ang titig ko sa mukha nya. Halos lumabas ang buso ko sa bilis ng tibok at kaba na nararamdaman.

"Amanda!" He called.

Hindi ko alam kung bakit nasa labas sya ng room and how he knew where to find me. Curious stares of my classmates and some students na nakatambay sa corridor ang nakakita kung pano sya ngayon papalapit na lumalakad sakin at tinawag ako na Amanda. Siguro nagtataka sila ngayon eh hindi naman yun ung pangalan ko.

When he was finally infront of me, dun ko lang nagawang magsalita pero nararamdaman ko ang tagus tagusan nyang tingin sakin na nagpapatakas lalo ng dugo ko.

"Uhm, what are you doing here po?" Shit! I sound so stupid.

He smirked and he looked at me intently na halos malusaw ako.

"You left this nung magkabungguan tayo kahapon" and then he handed over my Math notebook which explaines why he knew my section.

I froze a bit and took it.

"Salamat" i said almost a whisper.

"I'll go ahead then. See you later, Diane C." And then he walked away with a smirked leaving me eyes wide open and shocked.

Shit! Kilala na nya ako!

I DARE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon