Chapter 9

6 2 0
                                    

HE NEVER said the word "goodbye" that night, but I guess the song that he left meant more than a goodbye to him. 

After that night, hindi na muling nagparamdam pa sa akin si Mike. Ilang linggo na siyang hindi nag-oonline sa Love Match. 

No chats. No calls. No good night songs from him. 

Kahit anong message ko, never niyang na seen.  

I tried searching for his name in other social media accounts but I never found one.

Every time na lalabas ako ng gate ng apartment umaasa akong makikita siya't inaabangan ako, but I always end up disappointed. 

Walang Mike na naka-abang sa akin. 

My colorful world suddenly turned blue. Wala na akong gana sa buhay. Para bang lahat nawala simula ng hindi na rin siya nagparamdam pa. 

Gabi-gabi ko pinakikinggan ang kantang 214. Gabi-gabi ko rin itong sinasabayan ng pag-iyak. Masakit. Sa tuwing naririnig ko ang kantang 'to nasasaktan ako, pero hindi ko mapigilan ang sariling hindi ito pakinggan. 

This song is about the person confessing his love. Read the lyrics and you'll see what it really means. 

If he's really confessing his love for me, through this song that he left that night, when everything seems perfect, where is he now? 

Bakit hindi na siya nagpaparamdam?

Bakit niya sinabi lahat ng sinabi niya?

Bakit niya ako pinasaya ng husto ng gabing iyon?

Bakit sa hindi niya sinagot ang tanong ko? 

Pinaglaruan niya lang ba ako? Did he just fool me? Make fun of me?  

Gusto ko masagot ang mga tanong ko, pero hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam saan siya maaaring makita o saan siya pwedeng puntahan. 

Gusto ko lang naman malinawan. 

Natigil ako sa pag iisip ng biglang bumukas ang pinto ng apartment ko. 

"Azellania Joy!" 

Dire-diretsong naglakad palapit sa akin si Leira. 

"Lumabas labas ka naman ng apartment mo. Ano ka ba? Balak mo bang magpakabulok dito?" 

"Wala ako sa mood, Lei." 

"Zel naman, ilang linggo ka ng ganyan…" Lumapit siyasiya at hinagod ang likod ko. 

Naging daan yata 'yon para tuloy-tuloy na umagos na naman ang luha ko. 

"Mahal ko na si Mike, Lei." Pag-amin ko sa pagitan ng pag-iyak ko. "Pero ngayon naman na naamin ko na sa sarili kong hindi na lang attachment ang nararamdaman ko para sa kanya saka pa siya hindi nagparamdam." 

"Ang sakit-sakit, Lei. Nasasaktan ako." 

Niyakap niya ako ng mahigpit. 

"Sigurado akong hindi gusto ni Mike na saktan ka, Zel." 

Kumalas ako sa yakap niya't tiningnan siya. Pilit siyang ngumiti sa akin tapos ay pinunasan ang mga luha sa mata ko. 

"Magbihis ka, Zel. Pupun...pupuntahan natin si Mike." 

"Alam mo na kung saan ko siya makikita?" 

Para akong bata na biglang nabuhayan dahil sinabi ng mama ko na ipapasyal niya ako sa magandang park. 

Tumango siya. "Magbihis ka na. Ihahatid kita sa kanya." 

"Thank you, Lei!" niyakap ko siya ng mahigpit bago ako nagmamadaling pumasok ng CR at na ligo. 

Wala akong sinayang na sandali. Mabilis ang naging pagkilos ko. Gustong-gusto ko ng makita si Mike. 


***

"Dito na lang tayo?" tanong ko kay Lei ng bumaba kami ng taxi na sinakyan namin. 

"Lalakarin na lang natin papasok sa kanila." 

Huminto kami sa tapat ng gate ng Viet Bella Estrella Village. 

Nagsimula ng maglakad si Lei kaya sinabayan ko siya. 

"Paano mo nalaman na dito siya nakatira?" 

"May na kilala ako sa dating site na dito nakatira, nagmeet up kami last week nabanggit ko sa kanya ang tungkol sa inyo ni Mike. Nagkataon naman na may kaklase siyang Mike sa isang subject sa Engineer. Hindi ba't Mikael Rein ang tunay niyang pangalan?" 

"Oo 'yon nga." 

"Sa kanya ko nalaman na dito nakatira si Mike. Sinamahan niya akong pumunta sa kanila noong isang araw." 

"Noong isang araw mo pa alam kung nasaan siya? Bakit hindi mo agad sinabi." 

Tumigil siya sa paglalakad kaya huminto rin ako. 

"Hindi ko kasi alam paano sasabihin, Zel." 

Kinabahan ako sa sinabi ni Lei. 

Hindi niya alam paano sasabihin sa akin may girlfriend na si Mike? Asawa? O di kaya pinagtripan lang ako? 

"Ang alin?" bakas ang takot na tanong ko. 

"Halika na, hinihintay ka na ni Mike." 

Sa halip na sagutin ako ay marahan niyang hinawakan ako. Hinila niya ako papasok sa gate ng isang may kalakihan na bahay. 

"Lei, tama ba 'tong pinasukan natin?" 

Pagpasok kasi namin ng gate napalingon agad sa amin yong mga taong nandon. 

Ang iba tahimik lang. Ang iba naman ay nag-uusap. Habang ang iba ay nakadukdok sa mesa. Ang ilan pa nga ay namumugto ang mga mata. 

Mas inilibot ko ang mga mata ko sa paligid. Nadaanan ng mga mata ko ang mga funeral flowers sa labas ng pintuan. 

Pinilit kong sikaping dungawin ang nasa loob. Isang puting kabaong ang natanaw ko. May burol nga. 

Ibinalik ko ang tingin kay Lei. "Lei…mali tayo ng pinasukan." 

"Hinihintay ka na ni Mike, Zel." Malungkot na sabi niya bago sumulyap sa loob ng bahay kung nasaan ang puting kabaong.


Hindi… Hindi maaari...

Love On Borrowed Time [COMPLETED] Where stories live. Discover now