Chapter 6

9 2 0
                                    



HANGGANG ngayon hindi pa rin maalis sa isip ko ang naging tanong ni Leira na hindi ko nabigyan ng kasagutan. 

Maski kasi ako ay hindi ko rin alam kung attachment lang ba ang nararamdaman ko o love na. 

Basta ang alam ko lang masaya ako sa tuwing magkausap kami. Hindi nabubuo ang gabi ko kapag hindi ko siya nakakachat. Nagising na lang ako isang araw gustong-gusto ko na pala siyang kausap. Marinig ko lang ang mala-anghel na boses niya nawawala na ang bigat na nararamdaman ko sa tuwing may problema ako. 

Noon pa man na hindi pa kami nagkikita nararamdaman ko na ito. Mas lalo nga lang lumala matapos namin magkita. 

Love na nga ba itong nararamdaman ko? O baka nasanay lang ako na nandyan siya at magiliw akong chinachat gabi-gabi. 

Haay! Malapit na yata akong mabaliw sa kaiisip. 

Napatingin ako sa cellphone ko matapos nitong lumipat sa kanta ng Cueshe na Borrowed Time. 

Sakto ring pagtingin ko sa oras ay 12:00 midnight na. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko ng napagtanto na natapos na naman ang araw ng hindi kami nag uusap. 

Dati rati ay inaabot kami ng ganitong oras ng hindi namin namamalayan. Kung minsan nga inaabot kami ng alas tres ng madaling araw para lang magchikahan. Pagkatapos bago matulog palagi niya akong kinakantahan. Minsan kanta ng Rivermaya, minsan kanta ng Callalily, pero madalas kanta ng Cueshe. 

Magigising na lang ako kinaumagahan na nakatapat pa rin sa tainga ko ang cellphone ko at halos malowbat na dahil naiwang nakabukas ang data nito. 

Nakakamiss. 

I-ooff ko na sana ang data ko ng biglang lumabas ang notification chat sa Love Match na kanina ko pa hinihintay. 

Kahit kasi alam na namin ang buong pangalan ng isa't-isa dito pa rin namin pinipiling mag-usap. 

Hindi rin naman ako naglakas loob na hingin ang ibang social media accounts niya dahil kung gusto niya ay kusa naman niya iyong ibibigay. 

Huminga ako ng malalim at pikit matang binuksan ang message niya. 

"Good evening, Direk. I hope you're doing good. Pwede ba tayong magkita bukas? Susunduin kita sa school mo ng 5 pm." 

Halos mahulog ako sa kama sa tuwa dahil sa nabasa ko. Para bang ang lungkot na kaninang nararamdaman ko ay napalitan agad agad ng tuwa. 

Omg! Gusto niyang makipagkita sa akin at bukod pa roon ay susunduin niya ako? 

Kinuha ko ang unan ko at itinakip ito sa mukha ko. Doon ko inilabas ang kilig na nararamdaman ko! 

Pero wait-- 

Muli kong binasa ang message niya. 

"Good evening, Direk. I hope you're doing good. Pwede ba tayong magkita bukas? Susunduin kita sa school mo ng 5 pm." 

Susunduin niya ako school. Alam niya kung saan ako nag-aaral? Kasi never kong nabanggit sa kanya kung saan ako nag-aaral. Never naman niyang tinanong kaya't hindi ko rin sinasabi. Hindi ko nga alam kung saan siya nag-aaral e. 

Anyway, hindi na mahalaga 'yon. Agad akong nagtipa ng message reply para sa kanya. Nagreply lang ako ng "Sige, Engr., pero anong meron?" kahit pa na ang dami-dami kong gustong sabihin. 

Nakita kong typing na siya kaya hindi ko na inalis pa sa conversation namin ang tingin ko. 

Naghintay ako ng ilang minuto sa reply niya. Ang buong akala ko ay may reply siyang pagkahaba-haba. Lumipas na lang ang limang minuto biglang nawala 'yong "typing" tapos naging inactive siya. 

Love On Borrowed Time [COMPLETED] Where stories live. Discover now