"Noooooo! Ayoko nga eh! Sasama nga ako!" Nagpapadyak pang sagot ng bata sa kanya.

"Ate, sige na, ipasok mo na si Louie sa silid niya. Ikaw na muna bahala sa kanya ha? Salamat talaga ate," umiiyak na ding saad ni Louise habang pilit kumakawala sa mahigpit na kapit ng anak.

"Ingatan mo ang sarili mo. Huwag kang mag-alala Tuturing ko siyang parang sariling anak. Siguraduhin mo lang na aayusin mo ang buhay mo dun," sagot naman ni Ayessa bago nilingon ang bata.

"Say goodbye to Mama na Louie and we'll go to your room na. We still need to fix your things. Magmamall tayo, gusto mo yun di ba?" pagpapakalma ni Ayessa sa bata.

"Ayoko po Tita. Gusto ko po sumama kay Mama!” saad nito kay Ayessa bago nilingon ang ina. “Mama! Parang awa mo na isama mo na lang ako!" Mas lalo pang pumalahaw ang pag-iyak niya nang hindi na siya kinikibo ng ina.

"Ate aalis na ako pigilan mong mabuti,” saad ni Louise bago nilingon ang hardinero cum family driver. “Mang Tonyo pakisara ang gate dali!" at tumakbo na papunta sa naghihintay na kotse  para ihatid siya sa airport.

Kailangan niya ng bagong mundo kaya kailangan niya muna talikuran ang lahat ng bangungot na 'to.

Pansamantala.

"Mama! Mamaaaaa! Mamaaaaaaaaaaaaaa!"

Ipinikit lang ni Louise ang mga mata at hinayaang tumulo ang mga luha sa mga iyon.

Hanggang sa hindi na niya marinig ang sigaw ng anak.

Chapter 1 

Five Years Later

"Aray ano ba?! Ba't ka ba nambabatok?" inis na asik ko sa pinsang si K.

Ganyan lang talaga pangalan niya. Letter K. Ewan ko kung tinamad yung parents niya pero siguro binawi lang kasi ang haba naman ng apelyido nila. San Buenaventura. Ang nakakatandang kapatid naman nito ay si Kuya J. O diba? Ayaw talaga silang pagurin ng parents nila sa pagsusulat sa ng pangalan nila sa papel.

Matanda ito sa akin ng apat na taon. Second year high school ito at ako naman ay nasa grade four. Ito ang pinakasadista sa lahat kong pinsan. Bawat mali batok agad kung hindi naman pitik sa noo at tenga. Ako talaga ang laging kawawa dahil bukod sa nag-iisa akong babae sa aming magpipinsan, ako pa yung bunso.

"Ang tanga mo kasi. Bakit hindi mo alam ang spelling ng embarrass? Double R tsaka double S nga. Paulit-ulit na lang natin ‘tong nirereview hanggang ngayon nagkakamali ka pa rin?! Bakit ba kasi ikaw ang representative ng quiz bee niyo eh ambobo mo naman sa English?!" naiinis na ding sabi nito.

"Sa English lang naman ah! Tsaka malay ko kay Ma'am, ayoko din naman sumali diyan eh!" angil ko na din sabay kamot sa ulong binatukan nito. Kung hindi lang talaga ‘to mas malaki at mas matanda sakin, babatukan ko din ‘to eh. Ang lakas kaya ng batok niya!

Miss AstigKde žijí příběhy. Začni objevovat