Prologue

54 3 0
                                    

Diana POV

"Hoy bes natapos mo na bang basahin yung volume 6?"tanong sa akin ng kaibigan ko.

Yung volume 6 na tinutukoy nya ay yung sikat na Novel (love is my life)maraming naghihintay sa novel na ito pati ako naghihintay ng Volume 7 hahah oo natapos ko na yung volume 6.

"Oo,natapos ko na kahapon pa."bored na sabi ko dito.

"Grabe ka naman bes kahapon lang inilabas yun tapos kahapon mo rin natapos."sabi nito sa akin.

Di ako umimik dito at nakatingin lang ako sa bintana.

"Oh bakit ganyan ang mood mo?meron kaba?"takang tanong nito.

"Wala,wala lang ako sa mood at saka kakatapos ko lang nung isang araw kaya pano ako magkakaroon "sagot ko dito.

"Kasi naman bes di ako sanay na ganyan ka,nagkakaganyan ka lang kung red days mo o di kaya may nangyari hindi maganda sa love is my lif-"di niya tinuloy ang sasabihin nya dahil alam kung alam na niya ang dahilan bat ako wala sa mood.

"Okay mukang alam ko na,sige anong nangyari?namatay ba yung bida?namatay ba si Prince Leo sa laban?"sunod na sunod na tanong nito pero nagbugtong hininga lang ako.

"Hindi,hindi naman namamatay ang bida eh."sabi ko dito.

"Eh ano nga?"

Tinignan ko ito at napaayos naman ito ng upo at nakita kung napalunok din ito.

"Namatay kasi si Diana sa kwento dahil sinakripisyo niya ang buhay niya para sa mahal niya."naiiyak na sabi ko.

"Yung tinutukoy mo bang Diana ay yung kaibigan ng villainess na si Diana Lien Knight?"tumango lang ako."okay di ko alam kung bakit mo nagustuhan ang character na yun eh isa lamang siyang side character."

Bigla naman akong nainis dito dahil sa sinabi niya.

"Anong side character,di mo ba alam kung wala si Diana sa kwento hindi makukumpleto ang (Love is my life)!at isa pa dahil sa kanya natalo nila yung Dark night anong pinagsasabi mo na side character lang siya!"galit na sabi ko dito.

"Oh easy bes pinagtitinginan na tayo ng kaklase natin."sab nito sa akin pero bigla akong tumayo at naglakad palabas ng classroom."oh oh san ka pupunta?"tanong nito sakin.

Tinititigan ko lang ito ng masama.

"Kung saan wala ka baka kasi mapatay kita kaya lalayo muna ako sayo."seryosong sabi ko dito at natahimik naman ito.

Naglakad na ako palabas tutal wala naman kaming klase ngayong araw dahil may meeting ang lahat ng professor kaya pupunta muna ako sa mall.

Pagpunta ko sa parking lot at ng makita ko yung kotse ko ay naglakad na ako papunta dun pero ng nasa gitna ako ng parking lot ay biglang may narinig akong busina at ng lumingon naman ako sa likuran ko may malaking trunk ang papunta sa akin.

Nagulat ako kaya di agad ako nakagalaw sa kinatatayuan ko hanggang sa pinikit ko na lang ang mga mata ko.

Beeeeeppppppp!

Naramdaman ko nalang yung katawan ko na lumipad sa ere at tumalsik ako ng malayo.

Ramdam na ramdam ko ang sakit ng katawan ko minulat ko yung isang mata ko at nakita ko yung kalsada na may dugo,alam kung dugo ko yung nagulat ako na napakaraming dugo.

Hindi ko magalaw yung katawan ko,kahit masakit ay pinilit kung sumigaw pero di ako makasigaw dahil parang di ko magalaw yung bibig ko.

Nagmumura na ako sa utak ko dahil ang sakit talaga nakakaramdam na rin ako ng hilo at dumidilim na rin ang paningin ko.

I was Reincarnated in the novel being friend of villainess (Editing)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant