Phase 37

643 30 0
                                    

Gab-gab🤍
7:11 PM

Gab:
sunduin kita?

Mavis:
sige pa out na rin ako

Thurs
9:03 AM

Gab:
sunduin daw kita sabi nila ate

Mavis:
bihis lang ako

---•---
Mia
10:01 AM

Mia:
ate nasabi mo na kay kuya?

pumayag ba?

---•---
Tita Shek
11:12 AM

Shek:
yung graduation ng pinsan mo Mave sa sabado gaganapin

attend kayo ni gab ha

---•---
Arni
9:01 AM

Arni:
thank you sa almusal na pashawarma mayora

pero teh

aminin mo, may iniisip ka no?

higit 1 week na yan

baka kumupit ka ng pera sa trabaho ha

Mavis:
sampal gusto mo?

Arni:
pero ano nga

Mavis:
wala lang, para akong nasa adulting stage ulit

eh tanda tanda ko na

Arni:
ano ba nangyayari? ngayon pa lang ba umaandar ang teenage hormones?

hala pag physical pass ako

Mavis:
gaga pinagsasabi mo diyan

ano kasi bakla

tapos na si mia saka lapit na graduation ni max

parang di ko alam ano next ganap ko

parang wala akong mahanap

Arni:
beh natatakot ako sa susunod kong itatanong

ready ka ba?

Mavis:
sige

Arni:
hindi sandali pala

eto muna, nap-pressure ka ba sa happenings? or sa mga tao malapit?

Mavis:
hindi

nakakainis nga di ko man alam

Arni:
mavis

tinatanong mo ano next ganap

ano ba di niyo napag-usapan ni gab yung mag-settle ganon

bumuong fam, like magready ganon? or wala pa muna, career muna?

Mavis:
nafocus ako sobra kila Mia

Arni:
pero imposibleng hindi niyo napag usapan?

ang tagal niyo, saka knowing you and gab

Mavis:
we did

like mga 2nd to 3rd year namin

tapos nitong mga nagdaan di na namin napag-usapan

dami rin ganap e

Arni:
so okay lang sayo na ganon?

Mavis:
oo naman

bakit?

Arni:
kasi isa lang sagot talaga

ano bang gusto mo mangyari?

Happy Birthday, MavisOn viuen les histories. Descobreix ara