"I'm about to kiss you on your cheek... may paglingon ka sa akin tapos ako yung sisihin mo...." natatawang reklamo ko.

"Kainis..." reklamo nya na kinatawa ko.

Gosh! I didn't know na mas nakakakilig pala kapag talaga yung taong mahal mo yung hahalikan mo.

Hindi ko makakalimutan yung araw na 'to.

Wolf 's POV

Pagkasabi nga ni Callen ay umuwi ako ng Pilipinas para alalayan si Riyon. Pagkarating ko nga ay dumeretso ako sa bahay ng Tita ko. Napakasama ng tingin nya sa akin.

Jusko ang hayop na Callen na yun kinalimutan na magpaliwanag sa Tita ko! Gago talaga hindi mapagkakatiwalaan! Magaling lang magsalita ang hayop!

Tita Hunter look at me with disbelief kaya napanguso ako. Putcha! Hindi ako makalunok ng laway ko. Nakadikwatro sya ng upo sa katapatan kong sofa dito sa salas ng bahay nila. Kaia utang na loob sana kahit man lang ikaw eh dumating!

Mapapatay kita Callen pagbalik ko ng Berlin makita mo!

"Anong utos sayo ni Tita Gale mo?" at nakataas na yung isang kilay nya sa akin. Malapit naman na matapos yung residency ko sa pagkaduktor eh. Tumikhim sya indikasyon na sumagot ako.

Ayan na jusmiyo!

"T-Tita hindi po tumawag sa inyo si Callen?" pagsisiguro ko.

Marahan syang umiling habang parang walang buhay ang mga mata nyang nakatingin sakin. Yare!
"Puro ka kalokohan....dalawang buwan na lang ay exam mo na. Bakit puro ka pa din kalokohan sa mga oras na 'to?" naiiling na saad nya.

"Tita well prepared naman po ako sa exam promise. Di ko po kayo bibiguin... I want to make you proud of me kase ikaw na lang at si Lola ang meron ako." sabi ko kase totoo naman yun.

My dad is Apollo. Namatay sya bago pa man ako ipanganak ni Mommy. Kasamaang palad... after ipanganak ako ni Mommy ay sya naman yung sumunod dito. Kaya buong buhay ko ay sina Lola, Tita Hunter at si Tita Gale na yung nakasama ko. Kaya parang kapatid ko na din sina Kaia at Arthy.

"I'm already proud of you Wolf. Anak na din ang turing ko sayo at alam mo yan. Ayoko na nasasaktan kayo nina Kaia." saad nya. Jusko may alam sya sa ginagawa namin ni Callen.

Hindi ako nakakibo.

"Okey fine. Alam ko na susuwayin mo pa din ako. Fine you can do this. But in one condition, do this ng walang casualties you know what I mean.... as a doctor... buhay ang priorities natin." pangaral nya at parang na excite ako kase pumayag sya. Pilay lang.

"Uunahin ko po yung duktor na kasabwat nila..." saad ko.

"One week. That's your deadline at kapag sumablay ka babalik ka sa Berlin." saad nya at napatango ako.

Mabilisan ito.

Riyon's POV

"Tama ito! Magpatayan na tayo habang nasa Berlin ang kaibigan ko!" ngisi ko habang gitgit ko ang leeg nya gamit ang braso ko. Duguan na din ang gilid na sentido nya.

Galit na galit ako!
Galit na galit ako dahil ayaw nilang manahimik!

"Pinaglaruan yung tao pero parang wala lang sa lahat ng involve noong gabing iyon..." saad nya at buo ang loob nyang nakatingin sa akin.

"DNA....perform a DNA testing to that corpse Ricafort..." nakakalokong saad nya sa akin at malakas nya akong naitulak dahil natigilan ako sa narinig ko. Hindi ko iniinda yung sugat sa gilid ng kilay ko pero ramdam ko yung mainit na likido na dumadaloy doon papunta sa pisngi ko. Nasa isang eskinita kami dito sa 4th street.

Tanging ilaw lang ng mga nagdaraan na sasakyan yung tanging tanglaw dito sa gulo namin.

Hindi ko gagawin iyon. Madudurog si Callen ng lahat.

Napabuga ako ng hangin at nilabas ko yung swiss knife na isa sa simbolo ng pamilya namin sa Garden.

Napangisi ako dahil rumehistro sa mga mata nya ang takot.

"Let's end  this matter here Axcel. Let's keep this secret forever..." at heto nabablangko na ang isip ko sa galit. "Malas mo dahil teritoryo namin ang 4th street...."

Daphne's POV

Lulan kami ni Roi ng isang mamahaling sasakyan na pagmamay ari nila.... Nagsama sya ng isang driver nila dahil mahahati daw kase yung atensyon nya na dapat daw ay para sa akin lang, Ngayon nga ay papunta daw kami sa isang lugar dito sa Germany kung saan sya nag elementary. Limang oras mahigit ang biyahe namin. Habang biyahe nga ay para kaming bata ni Roi na nakatingin sa labas ng bintana at pinapanuod yung nilalagpasan namin na magagandang tanawin.

Marami syang kwento regarding sa lugar na pupuntahan namin at kung gaano ka espesyal sa kanya yung lugar para sa kanya at kung gaano katrauma kay Riyon yung lugar.

"Dalawang beses na busted si Riyon ng kaklase ko dati kase napakabaduy ba naman." natatawang kwento pa nya.

Tinaasan ko sya ng kilay dahil napakasama nya sa kaibigan nya. Natahimik sya at muling napatingin sa labas ng bintana. Napakapatay malisya talaga.

Napasimangot ako at napatingin ako sa may labas ng bintana. Nagitla ako ng hawakan nya yung kamay ko at yung dulo ng hintuturo ko ay pinuwesto nya sa may fingerprint scanner ng phone nya.

"Sabi sa nabasa ko dapat daw may access yung girlfriend sa cellphone...." saad nya at ewan nagpipigil ako ng ngiti habang pinapanuod syang seryosong nireregister yung fingerprint ko sa cellphone nya. Doon ako napangiti ng tuluyan ng matapos sya ay parang ngiting tagumpay sya.

"Alam mo yun kapag tamang duda ka sa akin..." mayabang na saad nya na kinataas ng kilay ko habang natatawa.

Kaya ang ginawa ko ay kinuha ko yung phone ko.

"Tingin dito Roi..." saad ko dahil yung pagmumukha naman nya yung niregister ko sa phone ko.

"Super crush mo talaga ako kaso di ka man lang namili ng maayos ayos na picture ko..." reklamo nya.

"Yan lang yung picture mo sa phone ko..." sagot ko.

Mayamaya ay pinahinto nya sa gilid yung sasakyan at bumaba kami. Gosh! Ang ganda ng tanawin!

"Let's take our first photo being together..." ngiting saad nya at inakbayan nya ko.

After ay heto pareho na kami ng wallpaper.

Nagpahinga kami sa isang stop over para kumain. Nagtake out na lang kami at sa gilid ng daan kami kumain dahil gustong gusto ko yung buong scenery nitong pinaghintuan namin.

Sobrang nagiging unfair na ko kay Roi dahil sobrang transparent nya sa akin. Pero sya hindi ko mabahingan ng lahat sa akin. Si Doc Art lang yung nakakaalam at pinagkwentuhan ko lahat ng nangyare nung gabing iyon at maging yung isang gabi sa hospital sa Palawan.

"R-Roi....." kinakabahang tawag ko. Handa ako sa magiging reaksyon nya.... Handa nga ba ako?

Napatingin sya sakin at yung mga mata nya ay puno ng pagmamahal sa akin. Sana... sana tingnan pa din nya ko ng kagaya ng ganya kapag nasabi ko na sa kanya yung madilim na nakaraan ko.

"Can you..." pasimula ko at napaupo sya ng maayos at hinawakan nya yung kamay ko.

"Ready ka ng magshare sakin?" malambing na tanong nya na wari ba okay lang na ibahagi ko ito sa kanya.

Napatango ako at halos nilalamon ako ng takot ko. Huminga ako ng malalim. Gagawin ko ito para hindi ako maging unfair kay Roi.

"Kaya mo pa din ba ako mahalin kahit nawalan ako ng anak dahil sa kapabayaan ko?" buong lakas ko ay binuhos ko sa tanong na iyon at yung mga luha ko ay pigil ko sa mga oras na 'to dahil sa reaksyon nya.....

.............

Violent reaction guys? hahahahahhaha

Vote and comment

Thanks for reading

~dark19

Vanilla Sky (Lesbian Love Story)Where stories live. Discover now