[32] And I can't let you go even though it's over.

Start from the beginning
                                    

“Smile lang dapat, pre. Tss.” I imitated him sarcastically. “Anong meron? Parang ang saya niyong dalawa? Abot hanggang tenga ang ngiti ah?”

Hindi na nila ako sinagot kaya naman isinubsob ko na lang ang muka ko sa desk ko. Wala namang kwenta mga plano ko para magka-ayos kami e. Ano bang gagawin ko?

“Paanong hindi sisimangot si Sandoval, eh kalat na kalat sa hallway ang ginawang pagsipa ni Thea sa kanya kanina.” Natatawang sabi ni Patrick.

“Saan siya sinipa?!” (o.o) Gulat na tanong nila Sage at Lewis.

“Huwag kayong mag-alala. Sa binti lang. Safe! Hahaha.” At nagtawanan pa silang lahat. Mga gago yon. Talking behind my back!

Nakakainggit talaga sila Sage at Lewis. Ang saya nila sa mga love of their lives. Samantalang yung love of my—shit. Did I say love? Shet. I mean, hate of my life ko, ang hirap amuhin.

*Ting*


Napatunghay agad ako nang makaisip ako ng isang brighter than sunshine na idea. Clueless akong tinignan ng barkada ko. Napangiti ako ng sobrang laki sa naisip ko. Siguradong magkakabati na kami ni Thea nito. Hihihi.

“Bakit Bench? Nagtatakang tanong sa akin ni Sage.

“I need Eiffel Band, bro.” I said.

“Ha? Bakit?” Tanong na naman niya sa akin.

“You’ll see later.” Sabay kindat kay Sage.

Nandiri naman yung barkada ko sa pagkindat ko kay Sage. Mga sira talaga! (-__-’)

xxx

THEA

Kasama ko si Zion ngayon. Nagtext kasi siya sa akin kanina na pumunta daw kami ng library para gawin ang research activity sa english subject namin kaya sumama ako. Groupmates kasi kami sa activity na to at kailangan ng matapos agad dahil malapit na ang pasahan.

Nakita ko ang mga estudyante na nagkukumpulan malapit sa stage. Muka silang excited na kinikilig. May artista ba?

“Huy, Zi.” Humarap sa akin si Zion. “May artista ba?”

“Anong artista?” Nagtataka niyang tanong.

“Bakit maraming tao sa tapat ng stage? Darating ba si James Reid? Si Enrique Gil? Si Daniel Padilla? Oh my god! Don’t tell me si Lee Min Ho!”

“What are you talking abo—”

“OH MY GOD! DARATING BA ANG F4 DITO?” Excited kong tanong sa kanya. Hahaha!

“Baliw!” Pinitik nito ang noo ko. “Solid F4 fan ka talaga. Hahaha.”

“Ehhh. Ano ba kasing meron?” Haha. Oo nga naman, asa pang pumunta ang F4 ng Meteor Garden at Boys Over Flowers dito. Hahaha.

“Hindi sila F4 kasi sila ang Eiffel Band minus one kaya apat lang sila. Haha.” Lumapit kami sa stage at muka ngang naghahanda ang Eiffel sa stage.

“May practice sila? Eh, bakit hindi sa music room?”

“Tara, tanong natin.” Zion grinned at me. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong higitin paakyat ng stage. Nag-aayos nga sila ng instruments.

“Anong meron?” Tanong ko sa kanila.

“Malay ko ba.” Sagot ni Stan. Nagkibit-balikat na lang sila.

Nakaharap pa rin ako sa kanila. Maya maya, nagstart na silang mag-strum ng gitara. Si Liam naman, nagbi-beatbox lang. Kulang sila e. Wala si Sage, kaya apat lang sila ngayon.
 

Bizarre Love SquareWhere stories live. Discover now