CHAPTER 3

40 5 0
                                    

"Today I don't feel like doing anything. I just wanna lay in my bed, don't feel like picking up my phone so leave a message at the tone. 'Cause today I swear I'm not doing anything," pakanta-kanta pa ako habang kinukuskos ko ang buhok ng shampoo, I feel happy as of now, sinong hindi magiging masaya eh Saturday? Lahat naman ng estudyante paborito ang araw na sabado.


"Today I don't feel like doing anything, I just wanna lay in my bed. Don't feel like picking up my phone, so leave a message at the tone. 'Cause today I swear I'm not doing anything," patuloy ko habang kinukuskos ang malaporselana kong balat, hinayaan ko na padaluyin ang tubig mula sa katawan ko, refreshing talaga.


Tinatamad ako ngayong araw, lagi naman pala akong tamad. Sino ba naman ang aayaw ng pahiga-higa sa kama? Diba wala? Therefore, hindi lang ako ang nag-iisang tamad sa mundo.


Marahan kong sinuklay ang mahaba kong buhok, matagal kasi itong matuyo kapag hindi sinusuklay. Hindi na ako nag-abala pang iblower ang buhok ko, mas mabuting hayaan kong matuyo ang buhok ko gamit ang hangin sa kalikasan.


Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa araw na ito, sometimes talaga nakakatamad ding maging tamad. Hindi ko na talaga kilala ang sarili ko, masyadong magulo. Kasing-gulo ng mga kababata ko!


"Lana, may surprise kami sayo ni Cy mamaya," salitang tinataas ni Roan ang kilay niya sa akin, mukhang excited ito sa kung ano mang surpresa nila sa akin.


"Okay," walang gana kong sagot bago bumalik sa pagnguya ng burger na pasalubong nila sa akin ni Cy. Mabilis itong inagaw ni Roan kaya mabilis ko itong sinipa sa tuhod, kasalukuyan kasi akong  naka-upo sa sofa habang nakatayo naman si Roan sa harapan ko ng kinakausap ako, si Cy naman ay nasa tabi ko na panay ang kalikot sa cellphone nito na may sariling mundo kaya hindi na lang namin ito pinapansin ni Roan.


"Lana, napakasadista mo! akin naman 'yan ah," saad nito habang sapo-sapo ang tuhod nito na akala mo ay nagasgasan, pasalamat nga ito dahil hindi ko tinodo ng sobra. Kahit papano may awa pa din akong natitira sa kanya.


"Anong sa'yo ka diyan? Sa inyo ni Cy! Binigay mo na tas babawiin mo, ano ka mongoloid?" saad ko dito bago inirapan, tumabi ito sa kanang bahagi ko, bali pinapagitnaan na ako ng dalawang tukmol.


"Hoy Cy!" siniko ko ito dahil kanina pa ito nakatitig sa cellphone na halos hindi na kumukurap, nag-aalala lang ako baka kasi maduling.


Kailan ba mawawala ang dalawang ito? mga sakit sa ulo. Nakakapagod nga minsan na gustong-gusto ko na silang isako at itapon sa Ilog Pasig.


"Anong titig 'yan Lana? Para kang demonyeta na nang-aaway ng anghel na tulad ko," halos masuka ako sa sinabi ni Roan, siya anghel? Baka fallen angel? Dahil sa kapangitan ng ugali nito tinakwil ng langit. Ang mga mukhang tulad ni Roan ay mukhang demonyo na naligaw sa langit. Napakapilingero.


"Naisip ko lang na ang pangit mo talaga," sinubo ko na ang huling kagat ng burger bago nilagok ang juice na nakapatong sa mesa.


"Bulag ka ba Lana? Hindi ka ba marunong kumilatis ng pogi? Sinong pogi sa mata mo? Si Arvid ba?" gusto kong basagin ang baso sa ulo ni Roan kaso naaawa ako sa baso baka magasgasan o ang malala pa ay mabasag, the audacity na isali si Arvid sa usapan? Dahil sa kagaguhan na ginawa ni Arvid sa akin, kapag nakikita ko ito mukha itong kuko na naglalakad.


Napansin ko din na araw-araw ibang babae ang kasama ni Arvid, trying hard to make me jealous. Nakakasuka!



Kung sa tingin nito hahabulin ko siya, it's a big no. Sa aming dalawa siya ang mukhang aso. Over my dead coca-cola in a bottle body and on my elegant blooming beauty kahit kailan hindi ko ito hahabulin. Para siyang bacteria, nakakadiri!



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 28 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Doomed in Between Where stories live. Discover now