Chapter 4

123 3 0
                                    

Miguel's pov;

Ang akala ko ay nagbago na ang lahat pero dumating ang unang beseps nang inanyayaan niya akong pumunta sa bahay nila.

Biglang napalitan ang mga lungkot ko nang tuwa sa nangyari.

[DISCLAIMER]

This story is between two men. If you are homophobic then don't read it.

All of the characters and events in the story are just a fiction made by the author.

GABI na sa oras na iyon nang makarating na kami ni Miguel sa labas ng bahay namin sa kalagitnaan ng paglalakad. agad akong napatingin kay Ren.

"Dito ka lang saglit magpapaalam lang ako kay Ina." Saad ko at tango lang ang isinagot nito bago ako pumasok ng bahay upang magpaalam muna habang si Ren naman ay nakatayo na naghihintay sa labas.

"Nakauwi nako Ina!" Yun ang lagi kong sinasabi bago pumasok sa loob.

"Miguel may pagkain dun sa mesa kumain kana." Saad ni Mama mula sa kusina.

"Hindi na po Ma. Magpapaalam lang po sana ako kasi pupunta ako sa bahay ng kaibigan ko." Sabi ko.

Agad na lumabas si Mama mula sa kusina at nakita ko itong papalapit sakin at tsaka tumayo sa harap ko.

"Ngayon na? Eh gabi na anak." Sabi nito.

Umupo nalang ako sa may bakanteng upuan at inilagay ang bag ko sa tabi.

"Eh Ina. Malapit lang naman po at tsaka babalik naman po ako agad." Pamimilit ko dito.

Napangiwi nalang si Ina sa sinabi ko at tumalikod sakin kasabay nang paghakbang papuntang kusina.

"Ohh sige basta mag iingat ka at umuwi ng maaga." Mga huling sinabi nito kaya napangiti nalang ako.

Sadyang maaalahanin lang si Ina pero alam naman niya na malaki na ako at hindi siya ganon ka istrekto sakin.

Pagkatapos akong payagan ay agad na akong lumabas ng bahay at hindi man lang nagbihis. Suot suot ko parin ang uniform.

Nang makalabas nako sa gate ay nakita ko si Ren at napatingin ito sakin.

Naghihintay parin siya gaya ng inaasahan ko kaya napangiti akong lumapit sa kanya.

Wala lang akong kibo at alam naman niya ang ibig sabihin nun kaya sabay na kaming naglakad sa kalagitnaan ng tahimik na kalsada at malamig na gabi.

"Ren. Kung alam mo lang kong gaano moko binigla. Ang saya ko sa gabing ito dahil para bang ang lahat ay unti unti nang bumalik sa dati."

"Pero sana hindi na magbabago ang lahat." Bulong ko sa isip ko.

.
.
.
.
.
.
.
.
-
Andito na pala kami sa kwarto ni Ren. At sa tagal naming magkaibigan ngayon lang ako nakapunta sa bahay nila.

Walang kasing laki at liit kung ikokompara sa bahay namin dahil kuhang kuha talaga ang sukat pero magkaiba ng disenyo.

Nang tuluyan na akong makapasok sa silid ni Ren marami akong nakikitang mga ikinatuwa ko halos lahat ng mga bagay ay puro puti. Pati narin ang kama, kumot, at unan niya puti din. Bagay sa isang katulad ni Ren sapagkat napakaputi ng balat niya.

Umupo ako sa may kama nito habang ang mga mata ay nakatingin sa buong sulok ng kanyang silid.

"Mag isa ka lang ba dito?" Wika ko dahil noong papasok na kami sa bahay nila ay walang ibang tao dito kundi kami lang. Sa tanong kong yun ay bumalikwas ng tingin sakin si Ren sa direksyon ko.

Ilang sandali ay unti unti na akong nakaramdam ng kiliti dahil sa kanyang tingin. hindi ito sumagot at ibinigsak ang kanyang katawan sa kama kung saan ako nakaupo sa gilid nito. Kaya medjo napaatras ako.

Tiningnan ko naman siya at ilang saglit lang bago nagsalita ito habang ang mga mata ay nakatingin sa kisame.

"Sa tingin mo." Maikling sagot nito. Hindi ko naman mawari ang kanyang maikling sabi kaya agad nalang akong napangiti pero nagbago ito nang tumingin siya sakin.

Tila ba parang isang mainit na Lava ang kanyang mga mata kapag tinitignan ako nito ay hindi ko maiwasan ang sarili ko.

Yung tipong para akong binibihag ng kanyang titig na kapag nakatingin siya ay parang tinitignan niya yung buong pagkatao ko. Hindi ko alam hys para akong malulusaw sa kanyang tingin pero hindi ko naman maiwasang umilag.

Sa sandaling yun ay hindi ko na talaga maiwasan na magkatitigan kaming dalawa. Walang imik at tahimik ang buong paligid mula sa silid ng kinaroroonan namin.

Isa akong Transfere student at Unang pasok ko palang sa School nakilala ko na agad si Ren.

isa sa mga katangian niya ay pagiging Introvert, may pagka cold at mahiyain pero mabait.

Siya ang unang naging kaibigan ko mula 1st Quarter at mapahanggang ngayon. Pero ang pakiramdam ng isang kaibigan ay unti unting nagbago sakin habang tumatagal ang panahon.

Hindi na isang kaibigan. Kundi mas higit pa doon ang naging bahagi niya sakin.

Habang nakatitig ako sa mala bitag na tingin sa kanyang mata unti unti kong naalala kong paano kami nagsimula. Kung paano ko siya nakilala.

Bukod pa don isa sa mga katangian niya ay ang pagiging Asexual. pero possible ba talaga ang mga ganong bagay?

May tao ba talaga na hindi nakakaramdam kong ano ang karamihan na nararamdaman sa ibang tao?

Bakit sa lahat lahat na pwede akong magkagusto ay sakanya pa. Bakit sakanya pa ako nahulog ng ganito. Bakit sa kaibigan ko pa at isang taong hindi nakakaramdam ng salitang pagkagusto o tinatawag na pag-ibig.

Kailangan ko ba talagang itago ang lahat? Nakakaasar.

Sa pagkakataong iyon ay hindi ko na pala namalayan na may nagbago ang mga emosyon na hindi ko napigilan habang nakatingin sakin si Ren. Nang mapansin niya iyon ang agad siyang bumangon sa pagkakahiga at kita sa kanyang mata na parang nakaramdam ng pag-alala.

"Miguel Ayos ka lang?" Wika nito.

Pareho na kami ngayo'y nakaupo sa iisang kama habang magkaharap.

Nabigla siya sa ikinilos ko dahil agad kong hinawakan ang pulo niya habang nakayuko ang ulo.

Hindi naman siya makakilos at makatingin sakin ng diretsu nang isinandal ko ang aking ulo sa kanyang dibdib habang hawak hawak ko ang damit niya.

"Fck! Nakakainis na talaga." Hindi ko mapigilan ang salitang yun na lumabas sa bibig ko. Wala kaming imik at parehong hindi makagalaw sa pangyayarin iyon.

Hindi ko alam kong paano ako makakapagsimula kung malalaman niya na gusto ko siya.

Ilang beses kong gustong pigilan ang nararamdaman ko pero mas lalo akong natatalo.

Pasensya kana Ren. Hindi ko naman gusto na mangyari to. Pero bahala na. Ang sabi ni Ina mas lalo akong matatalo kung pipigilan ko kailangan kong sabihin bago pa mahuli ang lahat.

Alam kong Impossible na gugustuhin ni Ako ni Ren pabalik kaya na mas mabuti na siguro na masaktan ako ng isahan kaysa naman itatago ko.

Ang kanyang kabog ng dibdib ang tanging naramdaman ko lang sa sandaling nakasandal lang ano sa Dibdib niya at pareho kaming walang imik.

Unti unting nagbago at nawalan ng lakas ang pagkakapit ko sa kanyang pulo at naibagsak ang parehong kamay habang nakayuko bago ko sabihin sa kanya ang salitang.

"Gusto kita."





Don't forget to Vote and Follow para ma update sa Huling Chapter.

Thanks for reading!

My Asexual Seatmate (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon