Chapter 3

142 3 0
                                    

[DISCLAIMER]

This story is between two men. If you are homophobic then don't read it.

All of the characters and events in the story are just a fiction made by the author.

Miguel's pov:

PANIBAGONG umaga, panibagong araw. Bumangon nako sa hinigaan ko pagkatapos kong gumising at tsaka ko binuksan ang bintana.

"Miguel gising na at papasok kapa may inihanda na akong pagkain sa mesa." Sigaw ni Mama sa kabila.

"Opo Ma! Anjan na!"

Wala parin ako sa ayos sa hitsura ko at hindi pa masyadong nakadilat ang mata. Tinignan ko ang orasan kaya napansin kong kailangan ko nang kumilos.

Lumabas nako ng silid ko at tsaka pumunta sa may kusina upang kumain. Nakita ko naman si mama na nagdidilig ng mga halaman mula sa labas. Sobrang ganda nang sikat ng araw at malamig na simoy ng hangin.

Pagkatapos kong kumain ay agad na akong nagpaalam kay mama bago lumabas ng bahay.

Sinarado ko ang gate pagkatapos ay tumayo ako sa magandang sinag ng araw. Ang sarap sa pakiramdam kapag sumasalubong sayo ang simoy ng hangin. Kaya napapikit nalang ako sa gaan ng naramdaman ko. Pero agad akong dumilat nang biglang may magsalita.

"Sabay na tayo." napatingin ako sa direksyon na iyon at nakita ko si Ren na nakatayo malapit sakin.

"Kanina kapa?" Tanong ko at dahan dahan itong lumapit sakin.

"Kakarating ko lang." Wika nito.

Sabay lang din kaming naglakad papuntang School katulad ng nakasanayan naming ginagawa araw araw. Hindi lang din ano nagsalita habang kasama ko siyang naglalakad pero nagulat nalang ako nang magsalita ito.

"Napapansin ko na talaga." Sabi nito kaya bigla akong napatingin sa kanya. Namumula na ako at kinakabahan kung anong ibig niyang sabihin sa sinabi niya. Hindi siya nakatingin sakin at diretsu lang ang lakad.

"Lagi ko nang napapansin parang ang tahimik mo na masyado. Ayos ka lang ba?" Sabi nito sabay pareho kaming huminto sa paglalakad at nagkatinginan ang aming mga mata.

Ilang saglit naman ay umiwas nako ng tingin bago mag salita.

"May ibang dahilan lang. Pero ayos lang ako." Nakatingin naman ito sakin sa sinabi ko at hindi na umimik patuloy lang din ang lakad namin.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"ANDYAN na pala si Miguel!" Pagpasok namin ni Ren sa loob ng classroom agad kaming sinalubong ng mga babae kaya nagulat kami sa mga reaksyon nila.

"Magkasama na naman sila. Yiee may something ba kayo ni Ren, Miguel?!!" Sabi nito.

"Ang Cute niyo kaseng magkasama sa photoshoot diba~"

"Ha?!" Agad akong nagulat kaya napatingin nalang ako kay Ren na ngayo'y nakatingin din sakin at nagulat din sa sinabi nila.

Natahimik naman ang lahat nang magsalita si Ren.

"Magkaibigan lang kami." Sabi nito at tsaka naunang umupo sa desk niya.

"Ahh ganon? Sayang..." Imik ng isang babae. At napatahimik nalang.

Agad nadin akong sumunod sa pag upo sa tabi ni Ren at nakita ko siyang seryoso itong wala sa sariling nakatulala sa ibang direksyon. Pilit nalang akong ngumiti bago umayos ng upo.

Ilang sandali lang ay dumating na ang guro namin kaya lahat ng kaklase namin ay agad na nasiayos at pumwesto sa kani kanilang upuan.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
-
"CLASS dismissed!"

Sa pagtatapos ng mahabang araw ng pagtuturo lahat ng mga studyante sa classroom ay nakapagpahinga din sa wakas. Ang iba naman ay nagyaya pa sa kanilang mga kaibigan na lumabas at gumala dahil tapos na ang klase.

Tumingin ako kay Ren at nakita kong nakahiga lang ito sa desk na lagi niyang ginagawa dati palang at nakatulala sa ibang direksyon.
Ilang sandali lang ay Kami nalang dalawa ni Ren ang naiwan dito sa loob ng Classroom dahil lahat ng kaklase namin ay umuwi na.

"Ren." Pagtawag ko dito at Agad naman itong tumingin sakin. Wala naman akong maisunod na sasabihin dahil nakatingin lang ito sakin. Ilang saglit lang ay tumayo ito pagkatapos ay binitbit ang bag.

"Tayo na." Wika nito kaya agad naman akong tumayo at sabay kaming dalawang umalis sa Classroom at naglakad papalabas ng building na tahimik at walang kibuan na parang hindi magkakilala.

Hindi ko parin mapigilan ang sarili ko dahil nagbago na ang lahat. Ang dating masaya na kapag kasama kaming umuwi at nagkwentohan ay napalitan na ngayong ng tahimik at kalungkotan.

"May gagawin kaba?" Biglang nagbago ang expression ko matapos sabihin ni Ren ang lumabas sa bibig niya. Hindi ako makapaniwala sa narinig kong yun mula kay Ren kaya mabilis akong napalingon sa kanya.

"Baka pwede. Samahan moko sa bahay. Ang boring kase." Sabi nito nang siyang ikinabigla ko. Ngayon lang siya nagyaya sakin dati kase ako ang nagsasabi nun pero ngayon hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

"Sige. Pupuntahan kita pagkatapos kong umuwi kay Mama at magpaalam." Masayang sabi ko.

Tumango naman siya at bumalik nang tingin sa nilalakaran.

Napangiti nalang ako dahil sa pagyaya nito sakin.

Hindi nako nakaramdam ng lungkot at may gaan na naramdaman papalabas kami ng building.





Don't forget to Vote and Follow para updated sa susunod na Chapter!

My Asexual Seatmate (completed)Where stories live. Discover now