Chapter 2

152 5 0
                                    

[DISCLAIMER]

This story is between two men. If you are homophobic then don't read it.

All of the characters and events in the story are just a fiction made by the author.

Miguel's pov;

"R-ren?!"

"Kanina kapa dito?" Ang sandaling Ito napakalakas ng kabog na naramdaman ko sa gulat nang Makita si Ren. Andito siya ibig sabihin ba narinig Niya Ang sinasabi ko sa loob Ng Cr? Kanina paba siya dito sa labas? Sh!t!! Nakakahiya!

"Teka bakit ka nandito? Diba sinabi ko Mauna kana." Wika ko sakanya at nakatatingin Ito sakin.

"Hinihintay Kita." Malamig na sagot Niya Kaya agad akong namula. Hindi ko Alam Ang gagawin ko. Paano nalang Kung narinig Niya mga sinasabi ko sa loob. Baka narinig Niya talaga! Pero kailangan Kong kumalma.

"Ahhh...Tayo na? I mean. Tara na sabay na tayong umuwi." Utal utal Kong Sabi sa harapan Niya habang pinipigilan na umasta Ng normal.

"Ok. Sige." tanging sagot niya Lang sakin Bago kami umalis at sumabay pauwi. Katulad Ng dati sabay talaga kami umuuwi pero ngayon Ang naiba sa lahat dahil sa pinipigalan kong nararamdaman kapag kasama siya.

Sa mga nakalipas na nakaraan ay sa bawat pag uwi namin lagi kaming masayang nagk-kwentohan habang naglalakad sa gitna Ng pagtatakip silim Mula sa kalangitan.

Naalala ko pa dati na may nakasalubong kaming mga Bata sa daan ay lagi kaming inanyayaan na maglaro kasama sila hanggang sa mapagod kaming dalawa at hingal na hingal samantalang Ang mga Bata ay puno parin Ng inerhiya.

At doon nagsimulang magbago Ang Turing ko sakanya sa sandaling napasandal siya sa balikat ko at nakatulog habang pareho kaming nakaupo sa bakuran na madilim Ang kalangitan. Bigla nalang akong nakaramdam Ng kakaiba habang tintignan Ang nakasarado niyang mga Mata at nakasandal sa balikat ko.

Hindi na tulad ngayon na pareho na kaming tahimik na naglalakad papauwi. Dahil sa Kung anong bagay Ang pumipigil sakin. Sa loob ko. dahil gusto ko na si Ren at Hindi na ako makakilos Ng normal bilang kaibigan Niya Hindi tulad ng dati.

"I like him. I like Ren."









—Author;

Ilang minuto din Bago sila nagpaalam sa kanya kanya nilang tahanan. At pagkatapos nun Wala nang ibang sinabi so Miguel at dumiretsu nalang Ng lakad papasok Ng bahay.

"Nakauwi Nako." Matamlay na Sabi ni Miguel Bago buksan Ang pinto papasok sa loob.

"Oh Miguel. Andyan kana pala. Magbihis kana at may pagkain dun sa Mesa." Pag aasikaso ng kanyang ina habang naghuhugas ito ng pinggan. Ilang saglit din niyang tinignan Ang kanyang ina na nakatalikod Hindi talaga maiwasan ni Miguel Ang lungkot dahil sa Nag iisa lang Ang kanyang ina na gumagawa sa gawaing bahay ay nagawa niya parin Ng kanyang Ina na ipaghanda siya ng hapunan.

Gabi na din Ang uwian nila Miguel at walang araw na Hindi siya ipaghahanda Ng hapunan Ng kanyang Ina.

Pumasok na siya sa loob ng kwarto niya at nagbihis. Pagkatapos ay pumunta siya sa Mesa upang maghapunan. Umupo na siya at nakatulala sa harap Ng pagkain.

"Oh bakit mukhang Wala ka sa sarili ngayon Miguel. Hindi mo ba gusto Ang pagkain?" Wika ng kanyang Ina Matapos mapansin nito na nakatulala Lang si Miguel.

"Hindi Naman Po Ma." Tanging matamlay niyang sagot at umiling nalang Ang kanyang Ina tsaka bumalik para taposin Ang ginagawa.

"Posible po ba na magkagusto sayo Ang isang tao kahit na Alam mong alanganin? Kahit na Alam mong hindi talaga iyon mangyari." Wika ni Miguel sa harap ng hapag kainan at nakatulala parin.

Napatigil nalang Ang kanyang Ina sa seryosong sinabi ng binatang si Miguel at napailing nalang ang kanyang Ina Bago tinuloy Ang paghuhugas Ng pinggan.

Matapos Ang ilang saglit ay umupo na Ang kanyang Ina sa harapan ni Miguel kaya napatingin din Ito sa kanya.

"Miguel anak. Ang tunay Ng damdamin Ng isang tao ay nasa iyo." Wika Ng kanyang Ina sa harap nito pero naguguluhan parin si Miguel.

"Ano pong ibig mong sabihin Ina?" Nakakunot na tanong niyang tanong.

"Nako binata na talaga 'tong anak ko. Pero Miguel Mahirap pigilan ang damdamin Ng isang tao. Dahil Mahirap kontrolin yan at maraming bagay ang dahilan Kung bakit Tayo nakaramdam nito." Sabi Ng kanyang Ina.

"Pero Ina. Paano ko po sisimulan Ang lahat Kung Alam kong Imposibleng gustuhin Niya Ako pabalik." Sabi ni Miguel.

"Anak. Huwag mong pigilan yan mas mabuti Kong ipaalam mo Sa kanya. kaysa Naman tsaka pa kapag huli na Ang lahat. Bahagi yan Ng buhay kaya naintindihan Kita pero huwag mong pabayaan Ang pag aaral mo ha?." Saad Ng kanyang Ina.

"Opo Ina." Sagot ni Miguel at tsaka siya iniwan nito Bago sabihin na matulog pagkatapos kumain.

Naguguluhan parin si Miguel Kong ano Ang gagawin Niya. Dahil Ang tingin Niya talaga ay Imposible siyang gustuhin sa kanyang taong gusto. Bukod pa dun baka masira Lang din Ang pagkakaibigan nila ni Ren.


Biglang naalala ni Miguel Ang araw na tinanong Niya si Ren tungkol sa makabulohang bagay.

"Ren. Ni Minsan ba Naranasan mo nang magkagusto o nailove sa isang tao?"

"Mainlove? Hindi ko alam. Kabaliwan ang ganyang bagay." Malamig na Sagot ni Ren.

"Ehh talaga ba? Kaya pala Hindi ka nagkaka-girlfriend?"

" Para sakin Isa Yung kabaliwan." Diretsong sagot naman ni Ren.

Napatingin Lang si Miguel sa sinabi ni Ren at doon Niya naisip na Imposible talaga na gustohin siya nito. Lalo na't pareho Ang kanilang kasarian. Mas nakilala Niya pa si Ren na Hindi Ito interesado sa ganong bagay at walang pakealam sa Mundo eh Hindi ni Ren Alam Kung ano Ang pakiramdam kapag nagkakagusto o nakaramdam Ng Feelings dahil Hindi Niya pa Ito nararanasan kailanman. Bukod pa doon mas mahalaga para sa kanya Ang pagkakaibigan kaysa sa isang relasyon.





Don't forget to Vote and Follow para updated sa bagong Chapters.

My Asexual Seatmate (completed)Where stories live. Discover now