"Pasensiya na kayo pare, litong - lito lang talaga ko. But, ngayong alam ko na ang lahat handa akong panagutan at harapin ito. Noon pa man mahal ko na si Ysabel." humawak ito sa kamay ni Ysabel.
Tinapik naman ni Johny ang balikat nito. "Ingatan mo mag - ina mo pare.Alam kong mabuti kang tao." tumango naman ito. "Paanu, mauuna na ko. Didiretso pa kong opisina." Nagpaalam na si Johny dito.
Nasa labas na ng ospital si Maxene. Hindi siya makagalaw sa kaniyang kinakatayuan, iyak siya ng iyak. Hindi na rin niya nakita ng lumabas si Johny. Umupo siya at doon umiyak ng umiyak na nakayuko. Hanggang may makita siyang nag - abot sa kaniya ng panyo sa kaniyang harapan. Dahan - dahan siyang nag -angat ng mukha.
"In case kailangan mo to!" sabi ng lalaking may hawak ng panyo.
"A-alex.." inabot niya ang panyo mula rito
"Handa akong makinig Maxene, kung okey lang sa'yo. Napakalayo ng bahay niyo para dito mo pa makuhang umiyak sa ospital, pwera na lang kong may kasama ka sa loob na malubha ang kalagyan." Nakatitig lamang si Maxene dito. "Nakita kita sa loob na umiiyak habang palabas, kaya sinundan kita dito." Matagal bago walang umimik sa kanila.
"I saw him Alex!Kausap niya ang babaeng nagpahirap sa relasyon namin." nakikinig lamang si Alex " And alam mo kong anong masakit? Buntis ang babaeng yun. Ilang araw ko ng pinagdududahan si Johny, hanggang one day nakita ko siya sa mall, kasama ang babaeng yun. Hindi ko siya kinompronta, hinintay kong magtapat siya sa'kin. Then kanina, tumawag sakin ang kaibigan ko. She asked mo kong buntis daw ako, nakita niya isang beses si Johny na namimili ng gamit pambata. Ang masakit doon, oo buntis ako. Pero walang binibigay sa'kin si Johny na gamit ng bata, ni hindi pa nga niya alam na buntis ako. Habang siya, ang babaeng yun ang kasa - kasama niya, ang binibigyan ng oras sa pagbubuntis nito." hinaplos ni Alex ang kaniyang likod dahil nag-simula na naman siyang umiyak. Hinayaan lamang niyang umiyak ito.
"Stop crying Max, ayow kong nakikita kang ganiyan. Ihahatid na kita sa inyo." suhestiyon nito
"No thanks, Alex. And ayow ko pang umuwi. Ayow kong makita ko ng mga bata na ganito ang itsura ko." pinunasan niya ang ilang luhang pumatak sa kaniyang pisngi. "Masyado na siguro kitang naaabal Alex, iwan mo na ko dito. hayun ang kotse ko, uuwi na lang ako pag okey na ko."
"No Maxene, hindi kita pwedeng iwanan sa ganiyang kalagayan mo lalo't buntis ka pa. Dapat nga hindi ka na nagmamaneho o naalis na ikaw lang mag - isa. Kung ayaw mo pang umuwi, sasamahan kita dito."
"Alex..."
"Maxene please, hayaan mong maibsan ko man lang ang lungkot na nararamdaman mo ngayon."
Wala ng nagawa pa si Maxene. Nagkwento pa siya dito ng ilang mga bagay. At nabawasan ng kaunti ang sakit na kaniyang pinagdadaanan.
"Thank you Alex.!" tumingin sa kaniya ito. "Thank you sa pakikinig and thank you dito." itinaas niya ang panyo. "Lalabhan ko na muna bago isauli sayo."
Ngumiti si Alex. "Wala yun Max, basta ikaw. And don't worry about that" nginuso nito ang panyong hawak niya. "Bigay ko na lang yan sayo, baka kailanganin mo uli at wala ako sa oras na yun para iabot uli sayo."
Ngumiti ng tipid si Maxene. "I have to go ALex, salamat uli." Tumayo si Maxene
"Are you sure okey ka na? Kaya mong magdrive?" tumango si Maxene. "Okey. hahatid na kita sa sasakyan mo."
"Bye Alex!" paalam niya dito ng nasa loob na siya ng sasakyan
"Here, number ko. Huwag kang mag - atubiling tawagan o itext ako pag may kailangan ka." inabot nito kay Maxene ang isang tarheta. Tumango ito at ngumiti ng tipid. Tinanaw niya ang pag - alis ng sasakyan ni Alex. Napailing siya. Sayang lang at huli na ko ng makilala kita Maxene, iba ka sa lahat ng klase ng babaeng nakilala ko! Nasabi na lamang ni Alex sa kaniyang sarili.
Drive lang ng drive si MAxene. Di niya alam kung saan siya pupunta. Ayaw pa niyang umuwi, ayaw niyang makita si Johny. Alam niyang hindi pababayaan ni Kathleen ang mga bata. Hanggang makita niya ang sign board.TO MANILA. Lumiko siya doon at binaybay ang kalsada. Kanina pa nag - riring ang kaniyang cellphone ngunit hindi niya iyon sinasagot.
Samantala, abala naman si Johny dahil naging panauhin nila ang isa sa investor. Hindi niya namalayan ang pagdaan ng mga oras.
Alas 8 na ng gabi ng makarating si Maxene sa dati nilang bahay. Pasalampak siyang naupo sa sofa. Pagod na pagod , hindi lamang ang katawan niya kundi pati na rin ang isip at puso niya. Kinuha niya ang cellphone, maraming missed call si Kathleen at text. Nagtatanong ito kung nasaan na siya. At ni isa wala man lang text o missed call si Johny. Napapikit siya at pinigilan ang namumuong luha sa kaniyang mga mata. Ngunit hindi na niya napigilan pa iyon at saktong tumunog ang kaniyang cellphone.
YOU ARE READING
Started with a Text
RomanceIsang teknolohiya ang magsisilbing kupido ng dalawang pusong mag-iibigan. Magkaiba man ang mundong kanilang ginagalawan hindi pa rin mapipigilang paglapitin sila ng tadhana at pagtag-puin sila sa larangan ng usaping pagmamahalan. Hayaan niyong maiba...
Part 76
Start from the beginning
