"Hindi ko sinasadya na iwanan ka nung mga oras na..." hindi pa ako natatapos nang bigla syang magsalita.

"Paano kung magbunga ang ating mga ginawa?" nakatitig parin sya sa akin. Seryoso ang kanyang mukha.

Hindi ako nakasagot sa tanong nya.

"Pananagutan mo ba ako?"

Yumuko ako, pilit kong tinago ang aking mukha dahil gusto ko nang kumawala sa usapang yun. Hindi ko kayang pag-usapan ang mga ganong bagay, sa ngayon.

"Ano Mark naduduwag ka na naman?" hinawakan nya ako sa mukha at itinaas yun, tinitigan nya ako ng diretso sa mata, seryoso parin. "Sumagot ka." dagdag nya.

Nakita ko mula sa kinauupuan namin ang sasakyan ni Kevin. Nakaharap kasi ako sa direksyon nya habang si Maggie naman ay nakatalikod, nakaharap sa akin. Nakaparada sa harap ng isang building, naharap din sa amin mula sa kabilang side. May kalayuan yun pero sigurado akong sa kanya yung sasakyan. Tinted yung salamin nun pero alam kong nasa loob si Kevin. Wala naman kasi yun kanina. Maaari din na nakikita nya kami mula sa kinalalagyan nya, baka, siguro.

Binitawan ni Maggie ang pagkakahawak sa aking mukha kaya naputol ang tingin ko sa kotse ni Kevin. Tinitigan ko si Maggie mata sa mata. Kahit kabado ay buong tapang akong nagsalita.

"Bakit mo naman nasasabi ang mga bagay na yan?"

"May mga bagay kasi ako na nararamdan lately. Hindi ko maipaliwanag."

"Naging maingat naman ako."

"Alam ko ang sarili ko Mark."

Hindi na ako ulit nakapagsalita pa. Kung kanina ay kaba ang aking nararamdaman, ngayon takot na, sobrang takot na hindi ko maipaliwanag. Nagsimulang manginig ang aking binti, natatakot ako.

Tumayo sya at tumalikod. Naglakad ng papalayo sa akin habang ako ay nanatiling nakaupo. Malilit lang kanyang paghakbang kaya matagal ko syang pinagmamasdan habang papalayo hanggang sa mawala sa aking paningin.

Tumingin muli ako sa direksyon kung saan ko nakita ang kotse ni Kevin pero wala na yun, ibang sasakyan na ang nakaparada sa lugar kung saan ko sya nakita.

Tumayo na ako at nagsimulang maglakad-lakad. Pilit kong binubura sa aking isipan ang mga sinabi ni Maggie kanina.

Dumating ako sa bahay, para parin akong lutang. Sinalubong ako ni yaya pero hindi ko man lang pinansin. Ilang ulit din nya ako pinuntuhan sa kwarto para ayaing kumain pero mas pinili ko munang makapag-isa.

Init na init ako kahit na hindi naman maalinsangan. Marahil ay dahil sa hindi ako mapakali, kakaisip. Naghubad ako at humiga. Para akong nasa isang maliit na kahon na nakakulong, hindi magawang makawala. Tumayo muli ako at dumiretso sa banyo. Ibinukas ko ng todo ang shower at tumapat sa ilalim. Binasa ko ang buo kong katawan. Umupo ako sa sahig, nasa ilalim parin ng shower, patuloy na pumapatak ang tubig, malamig, sobrang lamig. Umiyak ako, umiyak ako ng umiyak.

************************************************

Beep. Beep.

"Mark."

"Nasa klase ako."

"Musta?"

"Ang kulit mo nasa klase nga ako."

After ng last subject ko, I texted him.

"Saan ka?"

"Dito sa tapat ng building namin."

"Punta ako jan."

"Sige."

Nakita ko sya nakaupo sa gilid, tabi ng isang malaking puno kasama ang ilang mga kaibigan nya, mukha naman masaya dahil nagtatawanan ang mga ito kaya hindi ko na sila nilapitan pa. Umuwi na akong mag-isa kahit na maaga pa. Hindi na ako sumabay kay Kevin.

"Saan kana?"

"Umuwi na."

"Ha? Hinihintay kita kanina pa."

"Masama kasi pakiramdam ko."

"Edi sana sinabi mo para hinatid na kita."

"Salamat nalang."

Nagkulong ako sa kwarto buong gabi. Sinamahan naman ako ng ipod ko kaya hindi ko namalayan ang oras. Lumipas ang magdamag ng mabilis.

Kinabukasan ay dinaanan ulit ako ni Kevin. Kahit na alas diyes pa ang pasok nya ay maaga syang pumunta ng bahay para ako ay ihatid. Alas otso kasi ang pasok ko. Tahimik lang kami mula sa bahay hanggang sa pagsakay sa kotse.

"Okey ka lang?" tanong nya habang nagda-drive. Pansin ko na kanina pa sya nagnanakaw ng tingin, nag-aalala sa akin, baka, siguro.

"Yes."

"Parang hindi naman."

"Sorry ha."

"Para saan?"

"Basta."

"Yung sa Manila bay ba ang dahilan?"

"Ha?"

"Napansin ko kasi, after ng Manila Bay bigla kang lumayo."

"Hindi."

"Nahihirapan ka ba?"

"Saan?"

"Sa atin."

"Oo. Lumayo muna tayo sa isa't-isa. Siguro."

"Ganon ba." lumingon sya sa akin at ngumiti. Kakaiba ang yun kumpara sa ngiting Kevin Huget.

"Humanap ka ng iba, ng babae na magpapasaya sayo, ng higit sa akin."

Hindi na sya sumagot o tumingin man lang.

Maaga pa para sa unang subject ko at lalong mas maaga pa sa kanya. Ang aga kasi nyang pumunta ng bahay. Sya na ang gumising sa akin para gumayak.

"Jollibee tayo? Libre ko." aya ko sanya.

"Hindi na. Baka ma-late ka pa."

"Maaga pa."

"Gumawa ka ng mga assignment mo ha."

Tumango ako.

"Wag puro absent at cutting classes."

Tumango nalang ulit ako.

"Salamat sayo Mark." tinignan nya ako ulit. Nag-iba ang kanyang mga mata. Alam kong malalim ang kahulugan ng kanyang kakaibang tingin sa akin.

"Tara Jollibee tayo." aya ko ulit sa kanya.

Ngumiti sya, kakaibangg ngiti na hindi gaya ng dati.

Breakfast meal ang inorder namin. Kung dati tig-dalawang order kami, nagyon tig-isa nalang, hindi pa namin maubos-ubos.

"Mamimiss ko to." mahina nyang sambit habang kumakain.

Hindi na ako kumibo. Matagal bago naubos ang pagkain. Male-late lang siguro ako ng ten minutes sa klase pero okey lang naman yun. Hindi rin naman siguro mag-uumpisa si Ma'am ng on time.

"Salamat." sabi ko sa kanya habang sinusuot ko ang aking bag. Nakaparada na kami sa parking lot ng school.

"Ingat ka Mark."

"Saan ka pupunta nyan? Maaga pa para sa pasok mo."

"Basta. Bahala na. Sige na bumaba kana baka mahuli ka pa.." ngumiti ulit sya.

Habang pababa ako ng sasakyan nya, napansin ko ang kanyang kanang braso. Nakasuot ang bracelet na bigay ko. Napansin nya yun kaya nginitian nya ako.

Hindi ko napigilan ang aking sarili, hinalikan ko sya sa pisngi, sa labi, matagal.

Pumatak ang aking luha at yun ang naging hudyat upang itigil na ang kung ano man ang meron sa amin. Lumayo ako. Nakita ko sya na nakapikit parin.

Bumaba na ako at sinarado ang pintuan ng sasakyan. Hindi ko ng nagawang magpaalam. Bumusina sya ng mahina habang ako ay naglalakad na papalayo sa kanya. Itinaas ko nalang ang kanang kamay ko at hindi na muling lumingon pa.

Ngayon mag-isa na ulit akong maglalakad sa buhay na aking tinatahak. Sana makayanan ko ang lahat. Hindi ko alam ang buhay na naghihintay sa akin pero haharapin ko yun ng buong tapang kahit na maging anu pa ang kahahantungan.

Most Valuable Player (A True Story) (boyxboy) (bromance)Onde histórias criam vida. Descubra agora