Ang kaniyang ama.

Nilingon niya muli si Ien.

"My father, Alejandro Quintero. Do you know where he is? Matutulungan mo ba akong mapakawalan siya?" tila nabuhay ang katawan ni Maria nang marealize na maaaring matulungan siya ni Ien dahil may koneksyon din ito sa Galdreon gaya ng kakambal.

"I'm afraid I can't help you with that. Si dad at Ion lang ang nakakaalam kung saan dinala ang papà mo. Mabigat ang nakapataw sa ulo ng tatay mo kaya kailangan siyang maitago ng mabuti dahil talamak ang mga naghahabol sa ulo ng tatay mo. Kahit iyong mga kalaban niya dito sa Pilipinas ay inaabangan ang pag uwi ni Ion. Inaasahan ng mga buwaya na makukuha nila ang nakapataw sa ulo ng ama mo." Paliwanag ni Ien.

Para bang nawalan ng pag asa si Maria. Mas lalo lamang siyang nag aalala sa kalagayan ng kaniyang ama.

Walang ligtas na lugar para sa kaniyang papà.

"Anong plano ng ama mo at ni Ion sa papà ko? Anong gagawin nila?" Galit na tanong niya.

"Well, kilala ko kung paano trumato ng mga nahuhuli niya si Ion. Kung hindi niya binabalian ng buto ng isa-isa, punupugutan niya ng ulo." Tila simpleng sanaysay ni Ien.

Nangilid ang luha ni Maria.

"W-what.." hindi siya makahinga ng maayos. Nagsimulang manginig ang kaniyang kamay.

Ang kaniyang papà..

Hindi niya kaya kung mangyari nga ang ganoong bagay. Ikamamatay niya sakali mang mabalitaan niya ang bagay na iyon.

Habang buhay na poot ang aabutin ng sinumang gagawa ng ganoong klaseng bagay sa kaniyang ama.

Napansin ata ni Ien ang kaniyang takot.

"Oh, uhm, but don't worry.. he's your father so, I-uhm, baka maawa naman kahit papano si Ion.." hindi sigurado ang sagot na iyon ni Ien.

Kabang-kaba ang kaniyang puso. Ang kaligtasan ng kaniyang ama ang kaniya lamang tanging hangad.

Nakarating sila sa isang village kung saan halos ilang metro ang layo ng mga bahay sa isa't-isa.

Pumasok ang sasakyan ni Ien sa loob ng garahe ng isang two-storey house. Simple lamang ang disenyo nito at halatang itinayo pamang upang gawing bahay bakasyunan.

"Dito ka muna pansamantala habang naghahanap ako ng impormasyon tungkol sa nanay mo." Anito nang makapasok sila sa loob ng bahay.

"Bakasyunan ito ng mga kasambahay namin kapag umaalis kami ng bansa. Hindi iisipin ni Ion na nandito ka." Dagdag pa nito.

Maaliwalas ang bahay. Malinis at simple lamang ang disenyo. Sa tingin niya ay kakayanin niyang manatili dito kahit pa walang kasambahay na tutulong sa kaniya.

Nilingon ni Maria si Ien.

"Hindi ko alam kung anong plano mo pero, ikaw lang ang maasahan ko ngayon. Salamat sa tulong mo." Aniya.

"It's not for free, Maria. Kung hindi kami magkagalit ni Ion dahil sa ginagawa niyang panghaharang sa paghahanap ko sa grilfriend ko, hindi kita tutulungang magtago sa tarantado iyon." Nakangising sabi nito.

"At bakit naman niya itinatago ang girlfriend mo? Ganoon na ba siya kababaero para patusin kahit ang kasintahan ng kakambal?" May halong inis na tanong niya.

"Edi tuluyan na kaming nagpatayan kung ganoon nga ang nangyayari." Umiling ito. "Trip niyang tulungan ang girlfriend ng mga kakambal niya sa pagtatago. Ayaw na ayaw niyang sumasaya kami sa piling ng mga kasintahan namin habang siya ay nag iisa at tinatambakan ni daddy ng gawain."

UnintentionalWhere stories live. Discover now