PROLOGUE

304 4 1
                                    

Miguel's pov;

Nagsimula ang lahat sa isang pakikipagkilala ko sa kanya. Unang araw ng pasukan nang makarating ako sa sinasabing room. Halos lahat ng students ay tumitingin sakin well isa kase akong transfere kaya hindi maikakaila na sobrang komplekado ko sa araw na to.

"Ok, ito na yun. Bldg 04 room 04? Wow ah. Magkatugma pa talaga posible sigurong may meaning nito."

Pagkatapos kong magsalita ay pumasok na ako agad sa loob kaya ito na naman tayong pinagtitinginan nakaka ano. Pero mabuti nalang dahil kaunti palang ang nandito.

Nag isip pa ako kung saan ako uupo not until sumagi ko ng tingin isang lalaking nakaupo sa gilid na mag isa at tahimik. Nakuha ko ang attention niya kaya humakbang na ako agad papunta sa direksyon ng sinasabi kong lalaki.

Umupo ako sa harapan nito at inilagay ang bag ko sa likod. Kaya nakita ko ang posisyon niyang nakahiga sa desk habang ang mga mata nito ay inosenteng nakatulala sa blackboard. Napatigil ako sa ginagawa ko at tinitignan lang siya hanggang sa mapansin ako nito at tumingin sakin. Ang ganda ng mga mata niya na tila  para na akong malulusaw sa kanyang tingin. May makapal na kilay at sa totoo lang ang cute niya pero ang cold ng expression. I think he is a Introvert base sa nakikita ko.

"Hey! What's your name?" Wika ko sa kanya at agad itong umayos ng upo habang nakatingin sakin ang tila walang kabuhay buhay na reaction.

"Ako si Ren." Maikling sagot nito.

"Ren huh? Ang Cool naman ng pangalan mo. Ako si Miguel. Nice to meet you!" Nakangiti kong pagpapakilala.

"Same." Ang tanging sagot niya lang sakin.

Isang transfere students at unang araw ng pasukan sa bagong school nakilala ko na agad ang isang stranger na magiging Close ko sa School na to.

"Miguel. Ang cool din ng pangalan mo."

"Weh talaga?!"

Simula ng pag uusap namin ay napagkasunduan namin na magtabi ng pwesto at doon na nga nagsimula ang lahat.

Araw araw na kaming nag uusap at magkasabay sa mga oras. Sabay din kaming pumasok at umuwi pati na rin kapag lumalabas kami or mag street foods lagi kaming magkasama.

Pero tumagal ang araw na iba na ang nararamdaman ko sa kanya. Sa sobrang komportable ko kay Ren ay Hindi na isang kaibigan ang tingin ko. kundi mas higit pa doon. Paano ko ba sasabihin sa kanya na gusto ko sya? Paano ko ipapakita sa kanya iyon.

Until i found out that he is an Asexual.



[DISCLAIMER]

This story is between two men. If you are homophobic then don't read it.

All of the characters and events in the story are just a fiction made by the author.

My Asexual Seatmate (completed)Where stories live. Discover now