"Baka kasi ma-stress ka kapag nakita mo ako."sabi niya saka siya umupo sa monobloc chair na katabi ng higaan ko.

"Tingin mo ba ganon ako?"

Tumango siya.

"Buti alam mo. Pero salamat sa pagdala sa akin dito. Pakitingnan mo nga kung may paa pa ako."

"Ha? Bakit pinutulan ka na ba ng paa?" Sinilip niya ang ilalim ng kumot at naramdaman kong pinisil-pisil niya ang paa ko. "......may nararamdaman ka ba?"

Napangiti ako.

"Hay, salamat. Akala ko wala na akong mga paa."

"Pinakaba mo naman ako, Reign."

Lumapit siya sa akin saka niya hinaplos ang pisngi ko. Hindi ko maintindihan, pero masarap sa pakiramdam ang ginagawa niya. Ang bango-bango niya.

"Matanong kita, Seya. Bakit may dala kang rifle sa condominium? Kaya ba malaki ang bag na dala mo nong kumuha tayo ng gamit mo rito dahil nagdala ka ng rifle?"

"Oo, sorry Reign."

"Kelan ka ba makikinig sa akin?"

Napakagat siya ng labi. Ang totoo hindi ako galit sa kanya. Siya ang nagligtas sa buhay ko.

"Hindi ko alam basta gusto kitang bantayan, kahit nasa malayo ako."sagot niya.

Kakaiba talaga ang babaeng 'to.

"Uy, Commander Reign kumusta ang pakiramdam mo?"si Thorn.

Napakunot noo ako. Nagtataka ako kung bakit siya naririto. Aalis dapat si Seya pero pinigilan ko siya.

"Diyan ka lang, Seya. Huwag kang aalis."

Umupo ulit siya sa monobloc chair.

".....ayos lang ako Thorn. Nagalusan lang ako."

"Mabuti at okay ka lang. Kaya ako nagpunta rito para kumustahin ka at isa pang dahilan ay inutusan ako ni Boss na kunin ang profile ni Marco Redendo sayo. Mula ngayon ako na ang hahawak sa kaso niya."

"Ano? Hindi ko pa nakakausap si Boss tungkol diyan."

Iniabot sa akin ni Thorn ang papel. Nakasaad dito ang pagtransfer mula sa team ko papunta sa team ni Thorn ang kaso ni Redendo, signed by Boss. Hindi ko mapigilan magtiim bagang.

"Walang personalan ito, Reign. Ang gusto lang ni Boss ay maresolba agad ang kaso na ito, at madala sa kanya nang buhay si Redendo. Kaya kukunin ko ang profile niya sayo kung maari lang, para makapagsimula na ang team ko sa paghuli sa kanya."

Wala naman akong magagawa sa bagay na ito. Nakadesisyon na si Boss. Tumingin ako kay Seya.

"Kunin mo ang profile ni Redendo at ibagay mo kay Thorn."

"Okay Reign------Ahm Thorn dadalhin ko sa opisina mo yong profile ni Redendo."

"Sige Seya. Aalis na rin ako Reign, magpagaling ka."sa mga ngiti ni Thorn ay hindi mo siya makikitaan nang pag-aalala kundi pang iinsulto ang gusto niyang iparating sa akin. Matagal na siyang nakikipag-kompetensya sa akin pero hindi niya ako matalo. Pero dahil pumalpak ako, sa kanya napunta ang kaso ni Redendo.

Hindi ko kasi akalain na papalpak ako sa pagkakataon na ito. Napapatanong tuloy ako sa sarili ko kung anong nangyari?

Mali ba ang profiling namin? Mali ba mga ang intel ko? Imposible 'to! Eto ang unang pagkakataon na mabigo ako sa misyon ko.

__________________________________


Laurice Lazares a.k.a. Agent Seya

SA1: She Captured My Heart (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon