Habang pinapanood ko yun parang may kumurot sa pusa ko na nag paiyak sakin kaya naman sinara ko na ang music box at nilapag na yun sa mesa at tinignan si Scarlett kung saan ang himbing na ng tulog. OA man pero kahit may kanya kanya na kaming buhay mag kakapatid ayaw ko na umalis sila dito sa bahay, ayaw ko mag hiwalay hiwalay kami, lumaki ako na sila ang kaibigan at wala ng iba nasanay ako na sila ang kalaro at hindi ang mga Classmate ko, sa tingin ko hindi ko kakayanin na makita silang umalis sa bahay at mag sarili, kaya ako ng tatrabaho ng mabuti para sa kanila para di na sila ma moblema sa future nila kasi na secure ko na. Pero nung araw na ng propose si Owen kay Charlotte doon ko na isip na hindi ko sila pwede itago at mag desisyon sa mga buhay nila dahil sa ayaw at gusto ko dadating ang araw na need nilang tumayo sa sarili nilang mga paa, bumuo ng mga sari sarili nilang pamilya at gumawa ng desisyon para sa kanilang mga buhay kung saan mas magiging masaya at payapa sila. Mga bata pa lang kami hindi kapatid ang turing ko sa kanilang dalawa kung di parang mga Anak ko sila kung saan need lagi na nasa tabi nila ako sa oras ng kasiyahan at kalungkutan.

"Good night our forever baby bunso" Sabi ko kay Scarlett tsaka na ako lumabas ng kwarto at pumunta na sa kwarto ko.

Kinabukasan...

Nasa dinning area na ko at nag kakape habang nag babasa ng new paper ng dumating sila Mom and Dad Kasunod sila Owen at Charlotte.

"Nasaan si Sofia Ian?" Tanong ni Mom

"Nasa taas pa" Sabi ko tsaka binaba ang news paper at kinuha ang phone para tawagan si sofia "Kanina pa yun nasa Cr eh" Sabi ko habang kinocontact siya pero no respond.

"No need nandito na ko" sabi ni Sofia kaya naman tumingin ako sa kanya tsaka niya pinatay ang tawag ko "Sorry po" Sabi nito tsaka umupo.

"Ok ka lang ba Ate Sofia?" biglang tanong ni Charlotte kaya tinitignan ko si Sofia "Pinag papawisan ka" sabi nito tsaka hinawakan ang kamay ni Sofia "At nangiginig" sabi pa nito at tumingin sa mga mata ni Sofia

"Oo nga iha ayos ka lang ba?" Tanong ni Dad.

Hinawakan ko ang kamay nito at doon ko naramdaman na namamawis to ng malamig at nangiginig pa.

"Ayos ka lang ba? wag ka muna pumasok" Sabi ko tsaka tumingin kay Mom "Mom pwede mo ba tawagan si Doctor Jan mukhang need ng check up ni Sofia" sabi ko pero hinawakan ako ni Sofia sa Kamay

"Ok lang ako" sabi nito tsaka ngumiti at tumingin kila Mom at Dad "Ayos lang po ako wag po kayo mag alala" Sabi nito tsaka tumayo at pumikit at huminga ng malalim at tumingin samin lahat "Nag aalinlangan ako nung una kung totoo ba o hindi kaya punta ako sa hospital para masigurado" sabi nito at ng simula na umiyak kaya naman tumayo ako para alalayan siya.

"Bakit may sakit ka ba?" Nag aalalang tanong ko.

Humarap siya sakin at hinawakan ako sa mag kabilang pisngi at tumingin ulit kila Mom.

"Nag try ako ulit kanina kung totoo ba kasi di ako makapaniwala" Sabi niya tsaka ngumiti ng umiiyak.

"Oh My God" sabi ni Mom tsaka tumayo habang takip ang bibig

"Anong meron?" Naguguluhang tanong ni Dad at tulad ko di na rin siya mapakali.

"OO nga ano ba meron?" Naguguluhang tanong ni Owen habang nakatingin kay Charlotte na umiiyak na "Kayong mga babae lang nag kakaintindihan" nag tatampong sabi nito tsaka sumandal tumawa naman si Chralotte at hinampas siya sa braso.

Tumingin ako ulit kay Sofia a ngayon ay may inaabot na saking envelop, kinuha ko yun at minadaling buksan tsaka kinuha ang laman, nung una naguguluhang ako kung ano yun pero yung tinuro ni Sofia yung nakasaulat sa baba doon ko na naintindihan ang lahat.

"You're pregnant" gulat kong sabi tsaka tinignan ulit yung picture ng ultra sound "I'm going to be a father" Sabi ko tsaka tumingin kila Mom na umiiyak na na palapit sakin.

"Congrats Son" Sabi ni Dad tsaka ng thumbs up.

"Ang anak ko mag kaka anak na" Naiiyak na sabi ni Mommy tsaka ako niyakap at si Sofia "Can I see it" Sabi ni Mom tsaka kinuha ang ultra sound picture "Penge ako isa ha" naiiyak na sabi ni Mom

Ng nod lang kami ni Sofia.

"Congrats to both of you" Sabi ni Charlotte tsaka kami niyakap.

"Congrats tol nauna ka pa samin na ikakasal na" Sabi ni Owen kaya napalatawa ako "Ang bilis ng sperm mo nauna pa kaysa yung sa akin" Sabi pa nito kaya naman hinampas siya ni Charlotte

"Syempre isang Cha yan eh" proud na sabi ni Dad kaya naman siya naman nakatanggap di nga lang hampas kung di bato ng tinapay mula kay Mom.

Magiging tunay na tatay na talaga ako.

My Sweet TeacherNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ