"Aba'y di ka man laang nagsabi, ineng. Edi sana ay hindi na ako nag overtime ngayong araw at napagluto kita." aniya pa ni tiya.

"Okay lang ho, tiya. Plano ko po talagang surpresahin ang mga kapatid ko."

"Ay di sana ako ay nakapag pabili ng manok kanina sa bayan. Sa sunod ay magsasabi ka na Dianne, ha." Si tiyo.

Kumain na kami ng hapunan at nagkwentuhan pa. Pagkatapos ay sabi ni tiya na siya na raw ang maghuhugas ng pinggan. Nagtext sa akin si Nadia at agad ko rin namang nireplyan. Mayamaya ay nakatanggap akong tawag mula kay Vyn.

"Where are you?" tanong nito sa malamig na boses. Namimiss ko rin pala to kapag di ko nakikita? Luh, ano daw Dianne?

"Umuwi ako sa amin. Bakit?"

"I'm here outside your condo. Why didn't you tell me na uuwi ka?"

"Well it's a sudden decision. Naisip ko na hindi naman magiging busy sa acads next week kaya umuwi muna ako. Mag birthday din yung kapatid ko sa Sunday e."

"You still didn't told me you're whereabouts." Napangiti ako. I can imagine him having protruded lips. "I was worried kung bakit walang nagbubukas ng pinto."

"Fine, I'm sorry. Umuwi ka na. Walang tao dyan." Tumawa ako.

"Yeah.. You take care, Dianne."

"You take care too, Vyn."

Ibinaba niya rin ang tawag pagkatapos.

"You take care too, Vyn. Mag birthday din yung kapatid ko sa Sunday e." Napalingon ako sa nagsalita sa likod ko.

I squinted my eyes to Alden who keeps mimicking the words I told Vyn. Kanina pa ba yan nakikinig?

"Sinasabi ko na nga ba! Iba ang glow mo ate, e! Sabi nila stress daw dapat kapag medtech, eh. Ikaw para kang naka spa linggo linggo ah!" Tinaasan ko ng kilay ang pang aasar ni Alden. "So.. you still have contact with kuya Vyn, huh? Hulaan ko, yung condo mo sa Caringal ay yung pinag awayan niyo no?"

"Dami mong alam, Alden." Sabi ko na lang.

"Sus, ate. Wag ako." Sumandal siya sa teresa at pinagkrus ang mga braso. "Kayo na ba, ate?"

"H-hoy hindi ah!"

"Weh? Eh bat pumupunta sa condo mo?"

"He also stays in that building, Alden."

"Talaga? So malapit lang pala kayo. More chances of seeing each other everyday."

"Hindi naman araw araw pumupunta yon." depensa ko pa. "And stop asking. Dami mong tinatanong ha!"

"Fine, fine.." tila pagsuko niya. Pero iyon ang akala ko. "..pero kayo na?"

"Hindi— ano ba! Sabing tumigil ka na."

Tumawa siya nang pagkalakas lakas habang papasok sa loob ng bahay. Napailing na lang ako sa kalokohan ng kapatid ko.

Kinabukasan ay nagpasiya kaming magligo sa dagat. Advance celebration ng birthday ni Desiree. I also called Ella to join us at may pag iyak pa si gaga nung makita ulit ako. Maaga kaming gumising para magluto ng mga dadalhin bago kami nagrenta ng multicab para doon na sumakay.

Nagmyday ako nung pangalan nung resort bago kami nagpicture picture para isend kay mama. Si Therese naman na anak ni tiya ay panay ang pose at akala mo ay nagpo photoshoot. Hindi ko na lang pinansin at tumulong na lang kay tiya mag intindi nung baon.

"Ay naku, Dianne. Ikaw ay mag enjoy na doon sa dagat ako na ang bahala dito." Pagtataboy sa akin ni tiya.

Hindi na ako nakipagtalo at pumunta na sa dagat para makipaglaro ng volleyball sa mga kapatid ko. Alden is sporty and he loves volleyball so much kaya laging sa side namin ni Ella nahuhulog ang bola. Aldrich also knew some sports but he's more into music and acads.

Love at First TouchWhere stories live. Discover now