Mananatili Hanggang Dulo

3 0 0
                                    

Sabi nila, masarap sumubok ng iba’t ibang bagay. Hindi dahil marami kang matutuhan, kundi mas makikilala mo ang sarili mo at ang mga kaya mo pang gawin. Subalit, samo’t sari ang mga ito at may mga maganda at hindi magandang dulot kapag nandyan ka na sa mismong suliranin.Maaaring magpatuloy o umatras ka sa isang pangyayari o sitwasyon na pinili mong abutin.  Lahat ay nawawala, nagbabago o madalas hindi nangyayari.

Aminin man natin na kahit sino ay nais manatiling buo hanggang dulo. Ngunit hanggang saan ang katagang mananatili hanggang dulo, kung marami ng pagbabago ang s’yang nagkukubli sa ating pagkatao. Pero. . . hindi natin kailangan pahirapan ang ating sarili para sa isang bagay na masyado tayong minamadali. Lahat ng mga bagay ay dadaan sa proseso ngunit asahan ang dalawang klase ng proseso; mabagal at mabilis. 

Sa aking paglalakbay, sinabi ko sa aking sarili na magpapatuloy ako anuman ang mga posibilidad na pangyayari na dumaan sa buhay ko. Susubukan kong manatiling nakatindig at hindi hahayaan na  mabago ang aking pagkasino; dahil lamang sa mga sasabihin ng iba. Sapagkat, nagsimula ako sa simple at marangal na pamumuhay, hanggang sa napadpad sa unti-unti kong balikan at pasukon ang kakaibang mundo— ang literatura. Maraming nagbago sa aking nakagawian na para bang lagi kong hinahanap ang papel at ballpen para maglahad ng aking saloobin.Kung madalas pa nga, hawak ko lagi ang akong cellphone upang doon tumipa nang tumipa at dalhin ang sarili sa aking disyerto. Sa aking piniling mundo na tahimik, malaya at tiyak na ako ang nakakaalam ng lahat ng bagay. Tila dinadala ako nito sa iba’t ibang klase ng panahon. Makikita at mararamdaman ko ang mga emosyon na aking pinili. Kung saan, iba-iba man ang mahalaga sila’y buo at walang halong biro.  Maraming bagay akong natuklasan bilang isang manunulat, kung saan ito ang talentong hindi ko agad nalaman. Marami itong binahagi sa akin na halos naging magulang para sa akin. Natutong mahubog at kumilatis ng iba’t ibang bagay. Ika nga ng iba, hindi madali ang pakikipagsapalaran dito dahil araw-araw at gabi-gabi gigisingin ang diwa mo upang kumatha. Nasaksihan ko ang lahat dahil sa pamamagitan ng pagiging obserbasyon kong tao, nabatid kong sobrang lawak nito; ang daming sumagi sa isip ko na tila kailangan kong matatagpuan ang tunay na kasagutan. Sa totoo lang, sa patuloy kong paglalakbay ay may mga nakilala akong manunulat o awtor at karamihan sa kanila ay kakaiba na. Hindi lang ang kanilang pamumuhay kundi ang kanilang personalidad, sapagkat sino ba naman ang hindi mag-iiba kung maranasan mong makilala at umangat? Datapwat, ito nga ba ang kanilang inaasam o ito ba ang kanilang nais? Nakalilito. Nakapanlulumo. Makabagbagabag damdamin.

Walang gustong manapak o matapakan, pero aminin natin na mayroon tayong gustong makuha at patunayan. Hindi man para sa iba kundi para sa ating sarili. Marami tayong paniniwala at karanasan na pilit natin dinugtog sa hinaharap o minsan hinahanapan natin ng kaugnayan sa nakaraan. Sa muli kong pagtingal at patuloy na pagsisiyasat, dalawang klase ng katotohanan ang nabuo; makikilala at makakamit na ang pagkakaiba sa noon at ngayon.

Tulad nga ng mga nailahad ko, kung saan may iilang parte ng pagbabahagi ko sa aking buhay. Sa totoo lang, maraming dagok din akong natamasa upang mas mapatunayan kong ito ay para sa akin. Kung para sa akin ba ang pagsulat? Ito ba talaga ang gusto ko? Hanggang kailan? Totoo bang manunulat ako? Mananatili ba akong ganito hanggang dulo? Maraming tanong sa aking palaisipan ang nabuo pero ni isang pangungusap walang akong nakuhang sagot. Tanging tatlong sagot lang ang nakuha ko. Oo, Siguro at Hindi. 

Hindi naman maiiwasan ang magbago, dahil araw-araw nasusubok pero anuman ang ating maging sitwasyon, dapat handa tayo sa magiging resulta. Lahat naman nais manatili sa kagandahan ng buhay at makuntento, pero madalas dahil sa mga suliranin lahat ng plano at mga desisyon ay tila nakalimutannakalimutan. Sa kasalukuyan, hindi madali ang makipagsapalaran dahil maraming pwedengpwedeng makuha ngunit karibal nito ang pagbabago. Ako bilang isang breadwinner at patuloy na inaabot ang pangarap. Hindi madali ang naging desisyon ko sa lahat ng bagay, sapagkat mahirap kailangan gawin at tandaan na unahin ang priority. Minsan, nakalimutannakalimutan ko na rin pahalagahan mga natatanggap ko, yung kahit simple pero alam kong malaking bahagi sa akin. Hindi dahil tumaas ang pangangailangan ko, kundi marami akong nakitang mali na kailangan kong makitaan ng magandang proseso. ang sarili ko. Puro ako sila, sila, sila muna. Sa kabilang banda, nakuha ko ang pait, sakit at matitinding sugat na matagal maghilom. Walang gamot sa mga natanggap ko,dahil mula umpisa pa lang hinayaan kong matamo ko ang ganoong klase pagtrato— baliwalain at pabayaan. Pero, kinaya ko at kakayanin ko hanggang masabi kong tama na. Tama na, self. Gising na!

Ilang kilometro pa ang kakailanganin ko, ilang hakbang pa para masabi kong ito na. Ngunit alam kong panandalian lang ang lahat, mahirap sumugal ngunit mas mahirap na sumuko na lang bigla. Sapagkat, ang buhay ay punó ng misteryo at samo’t saring kwento na nagbibigay aral sa bawat isa. Hindi ko man alam kung hanggang saan, ngunit patuloy kong haharapin hanggang sa dulo. Naniniwala akong hindi tayo nag-iisa, dahil ang totoo hinahayaan natin madala tayo ng takot at paniniwala. Kaya’t habang tumatagal mas nahahamon at kahit may pagpipilian, dapat isaalang-alang ang kailangan at dapat.

“Mananatiling tunay, mabubuhay ang katotohanan isisilang ang kabanata ng pagpapatuloy— titindig hanggang dulo.”

Mananatili Hanggang DuloWhere stories live. Discover now