KAIBIGAN, HUWAG KANG MANGAMBA

13 7 0
                                    

Kung ikaw ngayon ay wala pang mambabasaHayaan mo—magpatuloy sa paglikha ng akdaAng pagsusulat ay 'di naman isang kareraKaibigan, huwag kang mangamba

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kung ikaw ngayon ay wala pang mambabasa
Hayaan mo—magpatuloy sa paglikha ng akda
Ang pagsusulat ay 'di naman isang karera
Kaibigan, huwag kang mangamba.

Kapag may pumupuna sa piyesa mo
Ipaubaya mong itatama ang mali mo
Ang pagtanggap nito'y isang kalakasan
Huwag kang mangamba, kaibigan.

Kung walang nagpapahalaga sa talento mo
Tandaan mo—ang Maykapal ang gumawad nito
Ituon ang mga mata sa paghasa ng kakayahan
Huwag kang mangamba, kaibigan.

Huwag kang mabahala sa nakamit ng iba
Darating ang wastong oras—ika'y itataas Niya
Magalak nang lubos sa tagumpay ng 'yong kapwa
Kaibigan, huwag kang mangamba.

Marapatin mong magpasalamat sa kasalukuyan
Ika'y hindi inaalipusta't may kapayapaan
Nakapagsusulat ka batay sa 'yong kagustuhan
Huwag kang mangamba, kaibigan.

Ang 'yong katanyaga'y marahil ipinagpaliban ng Ama
Pagkat kapalit nito'y pagkalayo ng puso mo sa Kaniya
Ito'y maihahalintulad ng halamang nahiwalay sa lupa
Kung kaya't kaibigan, huwag mo itong ipangamba.

***

"Iniangkop niya ang lahat ng bagay sa tamang kapanahunan."
-Mangangaral 3:11

Pinagkunan ng larawan:
Depositphotos

Itinatampok na awit:
In His Time by Maranatha Music

Sa panulat ni:
J. Z. ROMEO

VOICE OF TRUTHWhere stories live. Discover now