"I'm sorry,it's just that..nag -aalala lang ako."
"Okey, apology accepted!"
"I'll go there , susunduin ko na sila, magbibihis lang ako!" saka naputol ang kanilang pag - uusap.
NAABUTAN ni Johny ang kambal na naglalaro sa sala.
"Daddy!" magkapanabay na sigaw ng mga ito at pilit na nagpakarga sa kaniya. Kaya naman binuhat niya itong pahero.
"Oh Johny, andiyan ka na pala. Kumain ka na ba?" tanong ni Mrs. Agutsin
"Hindi pa ho ma!"
"Aba'y sandali at magpapahanda ako ng makakain niyo. Isabay mo na si Maxene at ikaw na rin ang gumising sa kaniya. Hindi na namin siya ginising kaninang kumain kami. Dahil alam kong kailangan niyang mag - pahinga. Maiwan muna kita."
Tumango na lamang siya.
"Kuya!" narinig niyang sigaw ni Kathleen. "Aba'y mukhang laging nakakunot ang noo mo ah! Pasan mo ba ang mundo?" pagbibiro nito sa kaniya.
"Tigilan mo ko Kathleen Faye. Tingnan - tingnan mo nga muna tong kambal, gigisingin ko lang ang ate mo!" ibinaba niya ang kambal at ginawaran ito ng halik. "Diyan muna kayo ha, kids?" tumango ang mga ito.
"good - luck bro!" narinig niyang sigaw sa kaniya ng kapatid. good - luck para saan? Nagtatakang tanong niya sa kaniyang sarili.
INAANTOK pa ang diwa ni Maxene ng maramdaman niyang may pumasok sa kuwarto. Sa pag -aakalang baka ang kambal o ang kaibigan iyon ay di na siya nag - abalang mag - mulat ng kaniyang mga mata.
Dahan - dahan ang ginawang pagkilos ni Johny. Mahimbing na natutulog ito.Lumapit siya dito, yumuko, masuyong hinaplos ang mukha nito at saka ginawaran ng halik sa labi. Kumislot ito ng bahagya.
Naramdaman ni Maxene ang pag - halik sa kaniya, pamilyar sa kaniya ang haplos at halik na iyon kaya dahan - dahan niyang iminulat ang mga mata.
"Johny.." anang garalgal niyang boses. Patuloy ito sa pag - haplos.
"Okey ka lang ba sweetheart?" masuyo nitong tanong sa kaniya.
Suminghot si Maxene, naamoy na naman niya ang kinaiinisang amoy nito kaya naitulak niya ito.
"Lumayo ka sa akin, ang baho mo Johny!" naiinis na sabi niya lalo pa at naalala niya ang nakita niya.
"Maxene naman!" reklamo nito.
KUmunot ang noo ni Maxene at tinitigan niya si Johny saka hinablot ang kuwelyo ng damit nito. Inamoy - amoy niya iyon, pati ang leeg nito. "Amoy babae ka!Lumayas ka sa harapan ko Johny!"
Inamoy ni Johny ang kaniyang sarili, "Ano bang babae ang pinagsasasabi mo? Galing akong opisina sweety, I'm tired. Ayow kong makipagtalo sa'yo!Bumangon ka na, sabay na tayong kumain."
Inirapan niya lamang ito. "Kumain kang mag - isa mo."mabilis siyang bumangon at tumayo. Nakasunod naman sa kaniya si Johny.
Samantala, napailing na lamang si Johny sa ikinikilos ng kaniyang asawa. Anyong aalalayan niya ito sa pagbaba sa hagdan ngunit iwinaksi nito iyon kaya hinayaan na lamng niya ito.
Ang walanghiya at hindi talaga nagpumilit man lang na alalayan ako.
Ang arte - arte mo kasi. sabi naman ng kabilang isip niya.
Nadaanan nila si Kathleen sa sala. "Nasa kuwarto ni mama ang kambal. Kumain na lang daw kayo. " sabay kindat nito kay Maxene.
Napailing si Johny. Mga babae talaga, hirap ispelingin.
Sabay silang umupo at kumain.Napamulagat si Johny ng makita ang dami ng pagkain na nakalagay sa plato ni Maxene. Maganang - magana ito at parang isang linggong hindi ito kumain kung sumubo ngayon. Kumain na rin siya at ilang sandali pa ay narinig niyang nabilaukan ito.
"Hey, sweeetheart. Heto tubig inumin mo. Dahan - dahan lang kasi sa pagsubo." turan niya habang hinahaplos ang likod nito. "Parang gutom na gutom ka ah!" Tumingin sa kaniya ng masama ito. Ibinaba nito ang hawak na baso.
"So, patay - gutom ako. Ganun?"
"NO.no. Ofcourse not.Hindi sa ganun!" natutulirong sabi ni Johny. Inusod nito ang plato sa harap at saka tumayo.
"Ayow ko ng kumain. Nawalan ako ng gana!" sabi pa nito.
"Ha?Maxene naman. I'm sorry okey? Bakit ba?"
"Dahil sa mukha mo, nakakainis ang mukha mo."
"Mukha ko?What's wrong with my face?"
"Tinatawanan mo ko at ang......ang pangit mo!" sabay talikod sa kaniya ni Maxene. Naiiling na namang sinundan niya ito. Hinawakan niya ito sa siko.
"Kanina ang amoy ko ang ayaw mo, ngayon ang mukha ko!" saglit na tumigil siya sa pagsalita. "Hindi kaya buntis ang misis ko?"
Hindi agad nakapag - salita si Maxene. Sasabihin ko ba na buntis nga ako? Pero panu ang nakita ko? May ibang babae itong nabuntis. At una pang nabuntis kesa sa akin, meaning matagal na kong linoloko ng lalaking ito.
"Hindi!" matigas na sagot niya at iwinaksi ang sikong hawak nito.
Naiwang tulala at nag - iisip si Johny. What's wrong with her?
"Tsk. tsk. Pagpasensiyahan mo na siya Kuya, ganiyan talaga pag nakakaramdam ng insecurity sa katawan. Moody!" sabi sa kaniya ng kapatid sabay tapik sa kaniyang balikat.
"Insecurity para saan? My God. She's being ...." parang naiinis na ding sabi niya
"Being what Kuya?"
"ugh!nothing." saka iniwan ang kapatid para sundan ang asawa.
"Wow ha! Di ako nainform, uso pala ang walk - out ngayong araw!" sabi ni Kathleen sa kaniyang sarili at pakendeng - kendeng na naglakad patungo sa sala.
VOCÊ ESTÁ LENDO
Started with a Text
RomanceIsang teknolohiya ang magsisilbing kupido ng dalawang pusong mag-iibigan. Magkaiba man ang mundong kanilang ginagalawan hindi pa rin mapipigilang paglapitin sila ng tadhana at pagtag-puin sila sa larangan ng usaping pagmamahalan. Hayaan niyong maiba...
Part 73
Começar do início
