Mabilis lumipas ang dalawang araw at hindi pa rin gumigising si Callie. Tinatawagan na rin ako noong mga engineer sa trabaho pero hindi ko pwedeng basta na lang iwanan si Callie.


"Yes, kuya," rinig kong sabi ni Hailey pagpasok niya sa kwarto ni Callie. Nakadikit 'yong cellphone niya sa tenga niya.


Kadarating lang niya kaninang umaga para daw siya na magbabantay kay Callie pero sinabi ko sa kanya na hindi na kailangan dahil ako naman nagbabantay at kaya ko naman gawin buong araw na maghintay.


Inabot niya sa akin 'yong cellphone niya. "Kuya wants to talk to you."


Kumunot 'yong noo ko at kinuha ko 'yong cellphone niya. Tinapat ko sa tenga ko. "Hunter."


"Hailey's there, she volunteered to look after Catria. You should return to work..." Pumalatak siya. "I don't want Callie to feel guilty that you're neglecting your work for her."


"Pero gusto ko na nandito ako para kay—"


"Matteo, I know you mean well but Catria will not go anywhere." May pagka-itsrikto sa tono ng boses niya. "She will still see you if you come back even if you're not there when she wakes up."


Bumuntong-hininga ako at napailing, ayaw ko 'yong suhestyon niya pero tama naman siya. "Sige..." Kailangan na rin naman ako sa kumpanya namin at nahuhuli na kami sa timetable para sa lightbulbs.


Noong sumunod na araw, iniwan ko kay Hailey 'yong mga gamit ni Callie pero ibinalik niya sa akin ang mga 'yon maliban sa cellphone para daw siguraduhin na babalik daw ako. Napailing na lang ako pero hinayaan ko na lang siya. Para namang hindi na ako babalik, eh, dalawang araw na nga akong naghihintay.


Medyo kampante na ako na iwanan si Callie dahil nandito naman si Hailey at mapagkakatiwalaan naman 'yong doktor na tumitingin sa kanya.


"Anak, kumusta na si Callie?" tanong sa akin ni mommy noong makarating ako sa opisina. "Gusto namin bumisita kaso hindi pa naman siya gising."


"Stable naman po 'yong lagay niya," sagot ko na lang. Ayaw ko muna pag-usapan si Callie dahil kinakain ako ng pag-aalala. Baka hindi ko pa magawa nang maayos 'yong trabaho ko.


Tumango lang si mommy at parang naintindihan niya 'yong nararamdaman ko kaya iniwan niya na ako para magawa ko na 'yong trabaho ko.


Sa gitna ng trabaho, nakatanggap ako ng tawag galing kay Hunter na gising na raw si Callie at maayos naman 'yong lagay, gustung-gusto ko na dumiretso sa ospital pero hindi ako makapag-half day dahil ilang araw na akong um-absent at hindi na 'yon patas sa ibang empleyado.


Inilagay ko lahat ng atensyon ko sa trabaho ko at tinapos ko lahat ng kaya kong tapusin bago ako nagdesisyon na maglinis na ng sarili at magbihis para makapunta na ako sa ospital. Nagmamadali akong pumunta sa kwarto ni Callie, pinagbuksan ako ng pinto ng isa sa mga bodyguards ni Hunter at natigilan ako noong bumungad sa akin si Callie na mabilis nagpunas ng mata bago tumingin sa akin.

[Career Series #5]: The Electric Spark (COMPLETED)Where stories live. Discover now