Day 29 - Later that Day

Magsimula sa umpisa
                                    

Kumurap ako. "Ako?"

"Yeah," she grinned. "Ako nang bahalang magdagdag sa calendar natin. Let's meet at 3:30 para pag-usapan 'yung mga 'yun."

Kinakabahan yata ako. Nag-attend na ako ng mga meetings na kasama niya. Nakipag-usap na rin ako sa mga kliyente on her behalf. Pero parang iba kasi na ako lang ang a-attend. Ang yabang ko naman n'un.

"Hindi ko naman kailangang gumawa ng life-changing decisions sa mga meeting na iyon di ba?"

"Well, being my assistant, you do have some powers to make life-changing decisions for me," sabi niya. "Pag-usapan natin mamaya kung aling mga decisions 'yun."

"All right. Anything else for today, Miss Balajadia?" mapagbiro kong tanong.

"Yes, lunch. Baka di na tayo pwedeng lumabas so could you order for us? Dito na lang tayo kumain. That's it." Pilya siyang ngumiti and crooked a finger at me. "Now, come here and kiss me."

Tumawa ako, lumapit sa kanya at hinalikan siya sa mga labi. "Have a great day at work, ma'am."

"You, too, Mr. Montesines."

MEDYO naging busy kami buong araw. Nagpa-deliver na lang ako at sa pantry kami nag-lunch. Habang kumakain, sinimulan na niya akong i-brief sa mga pag-uusapan sa mga meetings na pupuntahan ko para sa kanya. Pagkatapos ay sumali na rin ako sa call niya nang alas-dos. Pagkatapos niyon, muli kaming nag-usap tungkol sa mga meetings ko.

By 5 P.M., nalinis ko na ang mga inbox naming dalawa, nakapag-log na ng mga reports, nakapag-client callback at nakapuno na akong muli ng kalendaryo.

Tsk, nami-miss ko na ang Laguna.

Mayamaya, natapos naman na ni Meredith ang sariling trabaho. Naka-upo na ako sa sofa sa opisina niya, naglalaro na ng game sa phone ko nang mga oras na 'yun.

"Yay! Tapos na!" masayang sabi ng boss ko. "Uwian na!"

Natawa ako. Sa pagkakasabi kasi niya, para siyang estudyanteng kakatapos lang ng klase. Nag-shut down siya ng computer at kinuha ang bag mula sa pedestal sa ilalim ng mesa niya. Tumayo na ako.

"Uwi muna tayo kay Kuya Lex. Kukuha lang ako ng bihisan kung sa inyo ako ulit matutulog."

Mas lalong nagliwanag ang mukha niya. "Okay!"

TUMAWAG siya kay Tita Marianne habang papunta kami sa condo ni Kuya Lex para sabihing kukuha lang kami ng bihisan ko at nasa bahay nila kami ng mga 7 para mag-dinner.

Madilim ang condo nang dumating kami. Wala siguro si Kuya Lex—

Wala... si Kuya Lex? YES!

Muntik akong mapalundag nang magsalita si Mere. "Ash, pahingi ako ng water ha."

"Ah, sure."

Dumerecho siya sa kusina habang sa kuwarto ko naman ako nagpunta. 'Yung kama ko agad ang nakita ko. Maghihiwalay kami ng apat na araw. Aba, eh matagal-tagal na pagtitiis 'yun ah! 'Tapos dalawa lang kami ngayon dito.

Napalundag na talaga ako nang sundutin ako ni Meredith sa tagiliran.

"Ano'ng tinitingnan mo d'ya—aaaaah!" Napatili siya nang bigla ko siyang hinarap, hinablot sa baywang bago ako nag-dive sa kama sa ibabaw niya. "Ash!" tawa niya at dumagan lang ako sa kanya, nakatingin sa mga mata niya at nakangiti. Pero habang tumatagal na nakatingin ako sa kanya, unti-unting nawala ang ngiti ko.

She lifted her hand to cup my cheek. "What are you thinking?" she asked in a whisper.

"Pinag-iisipan ko kung saan kita unang hahalikan," I answered huskily.

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon