"Mukhang si Kuya ang magiging kamukha ng bagong pamangkin ko ah!" bulong ni Kathleen sa kaniya.


"Ewan!Wala ka bang gagawin sa inyo?" pag - iibang tanong niya.


"Wala, bakit?" balik-tanong naman nito.


"Sasama kami sayo ng mga bata."


"Ha?Bakit?" nagtataka namang tanong nito


Ngunit hindi siya sumagot at tumayo na lamang. " Hahanda ko lang dadalhin ng mga bata."


Hindi na nakatanggi pa si Kathleen, kung tutuusin pabor nga sa kaniya iyon dahil magiging masaya ang araw niya kasama ang mga ito. Ang ipinagtaka niya ay ang paiba - ibang mood nito. Ipinagkibit - balikat niya lamang iyon, Baka dala lang ng pagbubuntis niya. Tanging nasabi niya sa kaniyang sarili.


"Manang, doon muna ho kami kanila Kathleen. Kayo na bahala dito!" bilin niya sa kanilang katulong. Mula ng magkaayos sila ni Johny, pansamantala silang nanirahan sa isa sa mga bahay ng mga ito habang di pa sila nakakapag - patayo ng sarili nilang bahay. Sa una ayaw silang payagan ng mama nito ngunit pinakiusao.pan ito ni Johny na gusto silang masolo nito.


Akala niya magtutuloy - tuloy na ang kasiyahan nilang mag-pamilya ngunit heto na naman at may panibago siyang kakaharapin.


"Alam ba ni Kuya na sumama kayo sa'kin?" tanong ni Kathleen habang nagmamaneho ito.


"Hindi!" sagot niya


"Ha?Magagalit na naman yun sa'kin pag nalamang kinidnap ko na naman kayo ng walang paalam."


"Huwag kang mag -alala Kath, 'di kidnapping yun. Kusa kaming sumama sayo, remember?" biro pa niya dito.


"Sabagay!Tsaka, andon naman si mama na resbak ko!" sabay kindat nito kay Maxene. "Pero seryoso, bakit bigla mong naisipang sumama sa'kin?"


Tumingin muna siya dito bago nagsalita. "Ayow kong makita ang mukha ng Kuya mo!"


Ngumiti si Kathleen ng pagkatamis - tamis. "Nakuw, tingnan lang natin baka mamaya lang eh hanapin mo na si Kuya!"


Inirapan niya lamang ito na ikinatawa nito. Naalala na naman ni Maxene ang nakita niya sa mall at ang pag - sisinungaling ni Johny kung nasaan nga ito. Bigla siyang nalungkot sa isiping iyon at gusto na naman maiyak ngunit pinigilan niya.Hindi niya gustong makita iyon ng kaibigan.


"SURPRISE..." sigaw ni Kathleen pagbukas ng pinto sa mama nito. Tuwang - tuwa ito ng makita ang kambal at si Maxene.


"Oww. Hello kids, Max" Sinalubong sila ng mama nila Johny.


"Hi lola!" bati ng kambal at humalik dito.


Saka bumaling ito sa kaniya. "Hello iha, you look great!Lalo ka atang gumaganda." turan nito at sinipat siya ng maige. Ngumiti siya.


"Naku ma, may dahilan ang pagiging blooming niyan!Bukod kay Kuya at sa dalawang tsikiting may isa pa." sabi naman ni Kathleen


"Really? Ano naman yun, pwede niyo bang sabihin sa'kin?" palipat - lipat ang tingin nito sa kanila. Tumingin sa kaniya si Kathleen, parang sinasabi kong sasabihin ba niya. Bahagya siyang tumango dito.


"Well, madadagdagan lang naman ang apo niyo ma!" si Kathleen


Nakangiting tumingin ito sa kaniya. "Talaga Maxene?"


"Opo ma, 4 weeks na po!"


"That's good. Kailangang i - celebrate natin yan!Tawagan mo nga si Johny at sabihin mong umuwi agad, aba'y lola na naman pala ko hindi niya sinasabi." kunwaring galit na turan nito


Pinigilan ito ni Kathleen. "Ma, chill!Hindi pa alam ni Kuya, may drama si Ate Max na sosorpresahin daw si Kuya, kay huwag mo na siya unahan ha?"


"Ay, Ganoon ba?Oh siya sige!Anong oras ba uwi ni Johny?" tanong pa nito.


"And ma..one more thing, may drama pa si Ate MAx na ayaw masilayan ang mukha ng mahal niyong anak." pagkukwento pa ni Kathleen.


"Hahaha" natawa ang mama nila doon. "naku, ganiyan na ganiyan din ako nung ipinagbubuntis ko kayo, laging mainit ang dugo ko sa Daddy niyo, ayow kong nakikita siya pero pag wala naman eh, hinahanap - hanap ko!" litanya pa nito


"Told you so..Mamaya hahanapin mo si Kuya." pabulong na sabi sa kaniya ni Kathleen.


Nagpahanda ang mama nila ng kanilang memeryendahin at saka nakipaglaro ito sa kambal. Parang pagod ang pakiramdam ni Maxene kaya nagpasya siyang mahiga na muna. Ibinilin niya muna ang kambal sa mag - ina at naintindihan naman siya nito.

Started with a TextWhere stories live. Discover now