"Hahaha. Ang manner mo Kath, lumunok ka muna kaya. Mabilaukan ka!" natatawang sabi niya sa kaibigan.
"Bakit, di ba pwedeng masaya at excited lang!" Sabay irap nito na ikinangiti niya. "Hindi na'ko papayag na hindi maging ninang niyan, sana kambal ulit.!" napapalakpak pang sabi nito.
Napamulagat siya. "Kambal ka diyan, hirap kaya nun!"
"Hayaan mo na, andiyan na naman si Kuya. Di gaya nung ipinagbuntis mo sina MJ at JM."
"Sabagay. Pero huwag mo munang sabihin sa kuya mo ha?Balak kong sorpresahin siya." at nag - appear pa silang dalawa. Nagkwentuhan pa sila ng nagkwentuhan bago nagpasyang maghiwalay.
"Nakuww..lumalove life everrrrr....Diretso kaya tayo sa mall." suhestiyon ni Kathleen
"Ha?Bakit?Hindi ka ba mapapagalitan sa opisina niyo?" napamaang siya dito.
Itinirik nito ang mga mata. "Para que pa at naging boss ako kung mapapagalitan lang din ako." sabay nguso nito.
"Ay oo nga pala!Eh anong gagawin natin doon?Baka hinahanap na ko ng kambal."
"Tawagan mo na lang si manang, sabihin mong malilate ka ng uwi. And..excited ako sa bago kong inaanak kaya naisip kong ako ang unang bibili ng ilang gamit niya." sabay kindat nito sa kaniya.
Napailing na lamang si Maxene. Hindi na niya ito mapipigilan.
"Sa kotse ko na lang ikaw sumakay. Papakuha ko na lang yang auto mo sa driver.Masama sa buntis ang mapagod" sabi pa nito at pumayag naman siya.
Dahil sa traffic, naging 2 oras ang biyahe nila. Masaya silang nagkukwentuhan habang papasok sa mall ng mapansin niya ang lalaking nakaalalay sa nakatalikod na babae. Naka-sun glass ang lalake at ang nakaagaw pa ng kaniyang pansin ay ang mukha nito. Malayo man ito sa kanila, hindi siya pwedeng magka-mali, si Johny ang lalaking iyon. Parang may bumundol sa kaniyang dibdib. Saglit siyang napatigil sa paglakad, paalis na ang mga ito, dahil bahagyang natatakpan ang mukha ng babae hindi niya nakita ang mukha nito. Ngunit napamaang siya ng makita ang umbok na tiyan ng babae. Napabuntung - hininga siyang bigla at parang kakapusin ng hininga. Inalalayan pa ito ni Johny habang naglalakad at humawak pa sa bewang nito. Importante pala ang lalakarin nito ngayong araw, ha. At ginamit pa nito si Brent para pagtakpan ang babaeng kasama nito. Turan niya sa kaniyang sarili.Malayo na ang mga ito at nakita niyang sumakay sa kotse ni Johny. Hindi niya namalayang nauna sa paglakad ang kaniyang kaibigan at ng mapansin nitong hindi siya nakasunod, bumalik ito.
"Hoy, juntis. Ba't parang natuka ka ng ahas diyan?" narinig niyang sabi sa kaniya ni Kathleen at matagal bago siya nakapagsalita. "Sino bang tinitingnan mo diyan?" tanong pa nito na sinundan ang kaniyang tingin.
Liningon niya ito. "Ha? Eh, wala!"
"So...Tara na?" aya pa nito.
"Kath, parang sumama ata pakiramdam ko!"
"Ha?Bakit?Nasusuka ka ba?Nahihilo?" nababahalang tanong nito. "Namumutla ka!Dalhin ba kita sa ospital." hinawakan siya nito sa siko. At sa paghawak nito sa kaniyang siko ay tumulo ang kaniyang luha na agad nitong napansin. "Ay!Ano ba yan, ba't umiiyak ka Ate MAx?Ganiyan ba talaga kapag buntis na masama ang pakiramdam?"
Tumango na lamang siya. Naiyak siya sa isiping, hindi si Johny ang nakaalalay sa kaniya sa mga oras na iyon. Bagkus, ibang babaeng buntis ang inaalalayan nito. Hindi na niya napigilan ang sunod - sunod na pagpatak ng kaniyang luha.
"Ate MAx.." narinig niyang sabi ni Kathleen.
"Gusto ko ng umuwi Kath, pasensiya ka na!" hinging paumanhin niya dito.
Hinaplos nito ang kaniyang likod. "Ano kaba, okey lang yun!" naglakad sila patungo sa sasakyan nito. Nakaalalay ito sa kaniya.
Nakasakay na sila sa sasakyan nito at binabagtas na nila ang daan pauwi sa kanila. Tahimik lamang siya at paalingon - lingon lamang naman sa kaniya si KAthleen.
"Sabihin mo lang kong hindi mo na kaya, ha Ate MAx. Didiretso na kita sa ospital." narinig niyang sabi nito.
Ngumiti siya ng tipid dito. "I'm okey Kath! Ahm.. KAth?" mahinang tawag niya dito. Liningon siya nito ng bahagya. "Lusyang na ba ko Kath?" wala sa sariling tanong niya dito.
"Diyos ko naman Ate MAx, kong lusyang ka eh, ano na lang pala ko?Lusyang na lusyang?" o.a . na sagot nito.
"Kath naman!"
"Eh di hamak na mas seksi ka pa nga sa'king tingnan kahit buntis ka na at lalong nag - glow ang mukha mo ngayong buntis ka. Nakakainsulto na ha Ate Max.!" pagbibiro pa nito ngunit isang tipid na ngiti ulit ang isinagot niya dito.
"Do you think, may... i - ibang babae ang Kuya mo?Maghanap kaya siya ng iba?" nakatingin siya sa bintana habang sinasabi iyon.
"Ate MAx, malabong mangyari yun. Alam mo kung gaano ka kamahal ni Kuya at kung ano ang kaya niyang gawin mapatawad mo lang siya. Saksi ko sa lahat ng iyon. Ikaw, kayo ng kambal ang buhay at kaligayahan ni Kuya. " gusto na naman maiyak ni MAxene sa narinig mula sa kaibigan. Kung totoo ang sinasabi nito bakit makakabuntis pa ng ibang babae si Johny. Napagtag ni - tagni niya ang mistersyosong natawag dito, ang nagtext na magkita sila ang tumawag dito kagabi. "Ganiyan talaga pag buntis Ate MAx, minsan maraming insecurity sa katawan. Iniisip nila na baka maghanap ng iba asawa nila kasi nga, buntis ka. Mawawala ang figure niyo, tataba kayo at kung ano pang pagbabago sa katawan." Hindi na siya kumibo pa. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Johny. Busy ang linya nito, tinext na niya lamang ito at tinanong kung nasaan ito ngayon ngunit hindi agad ito nag - reply.
YOU ARE READING
Started with a Text
RomanceIsang teknolohiya ang magsisilbing kupido ng dalawang pusong mag-iibigan. Magkaiba man ang mundong kanilang ginagalawan hindi pa rin mapipigilang paglapitin sila ng tadhana at pagtag-puin sila sa larangan ng usaping pagmamahalan. Hayaan niyong maiba...
Part 71
Start from the beginning
