Chapter 2

623 24 0
                                    

Hayan! Naglakas-loob ulit ako na ilabas ang aking pinakatatagong chapter 2! Hahaha!

Chapter 2

Kinabukasan, pagkagising ni Emerald ay hinarap kaagad niya ang canvass. Gusto niyang magpinta para kahit man lang sandali ay makalimutan niya ang kaniyang mga problema. Nsa kalagitnaan na siya ng kaniyang ginagawa nang biglang may kumatok sa pinto ng kaniyang work room.

"Pasok." Sigaw niya na hindi inaalis ang tingin sa kaniyang ginagawa. 

"Iha, andiyan sa baba si Attorney Ruiz. Gusto ka niyang makausap tungkol dito sa hacienda." Pag-iimporma ni Manang Ester sa kaniya.

Si Manang Ester at isang drayber nalang ang natitirang mga tauhan niya sa mansion. Hindi na niya kayang tustusan pa ang maraming katiwala.

Itinigil niya ang ginagawa at nilingon ang matanda. "Bababa na ho ako Manang. Pakiantay nalang si Attorney sa loob ng study room."

"Sige iha." Iyon lang at lumabas na ulit si Manang Ester.

Tuluyan ng itinigil ni Emerald ang pagpipinta. Pagkatapos mailigpit ang mga gamit ay nagmamadali siyang pumasok sa kaniyang silid para maghugas ng kamay at makapagpalit ng damit pang-itaas. Pagkatapos magbihis ay nagmamadali siyang naglakad papunta sa study room na nasa ikalawang palapag ng mansiyon.

Pumasok si Emerald sa loob ng study room kung saan ay naghihintay sa kaniya ang abogado. Naabutan niyang umiinom ito ng kape habang nakaupo sa couch ng silid. May mga folders na nakalapag ng maayos sa maliit na mesa na kaharap ng couch. Pagkakakita sa kaniya ay bigla itong tumayo at binati sya.

"Iha." Masiglang bati sa kaniya ni Attorney Ruiz.

"Attorney" Ngiting bati niya sa abogado. Pagkatapos magkamay ay iminuwestra niyang maupo uli ito. Lumapit siya sa likod ng mahogany desk na nasa gitna ng silid. May upuan sa likod nito at doon siya naupo.

"Iha, may maganda akong balita sa iyo. May nakita na akong kliyente."

"Mabuti naman ho. Nagkasundo ho ba kayo sa presyo?" Tanong ni Emerald.

"Oo, at ang mas maganda ay sinabi ng may-ari na maaari kang tumira parin dito sa hacienda. Since, minsan lang siya dito sa Pilipinas ay kailangan niyang may mamahala sa hacienda. At sabi niya ay baka pwede ang dating may-ari nalang. His terms are very tempting iha." Masayang paglalahad ng abogado.

Kumunot ang kaniyang noo at may pagdududa siyang naramdaman. Bihira ang ganitong klaseng kasunduan. Hindi kaya may hidden agenda ang kliyente? Ngunit mabilis niyang pinalis ang nasa isip.

"Ano ho ang pangalan ng kliyente attorney?"

"Abogado lang din ang nakipag-usap sa akin iha. Actually, I was referred by a colleague to him kasi nga daw naghahanap ang kaniyang kliyente ng iba pang properties dito sa Pilipinas as an investment. Ang kaniyang kliyente ay ang nagmamay-ari ng Global Group of Companies."

Ang Global Group of Companies ay nagmamay-ari ng iba't ibang klaseng negosyo sa Asia. Malawak ang imperyo nito, at kailan lang silang nag-expand dito sa Pilipinas. 

"Ganoon ho ba." Tumatangong sabi niya. Napalis ang lahat ng kaniyang pagdududa.

"Attorney, maari ko ho bang makita iyong agreement bago ho ako gumawa ng desisyon? Baka ho ksi may hidden agenda iyong kliyente. At saka ayaw ko rin naman hong maiwang kawawa ang mga tauhan dito sa hacienda. Maayos naman ho kasi nila kaming pinaglingkuran noon pa man." Paglalahad niya sa abogado.

Napangiti ang abogado. Emerald really knows how to be cautious.

"Sure iha, mabuti at nadala ko ngayon ang mga dokumento." Kinuha ng aogado ang makapal na folder na nasa mesa at ibinigay sa kaniya.

"Salamat ho. Tatawagan ko ho kayo oras na matapos ko itong mapag-aralan."

"Walang problema iha. Oh siya, mauna na muna ako." Pagpapaalam ng abogado. Inihatid niya ito hanggang sa labas ng mansiyon. Nang makaalis ay pumasok siya at dumiretso sa study room.

Ilang oras ding naglagi si Emerald sa loob ng study room. Nagbabasa siya sa dokumento ng biglang may kumatok sa pinto.

"Pasok!" Sigaw niya. 

Iniluwa ng pinto ang bulto ni Manang Ester.

"Iha bumaba ka na muna at ng makakain ka na ng hapunan. Kanina ka pa dito. Iyong dinala ko ditong pananghalian ay konti lang ang kinain mo. Hindi ako papayag na hindi ka kumain." Parang pinagagalitan siyang sabi ni Manang Ester. 

Napangiti si Emerald sa turan ng matanda. Si Manang Ester na ang nagpalaki sa kaniya, dahil nga palaging busy ang kaniyang mga magulang. Iiling iling niyang binaba ang dokumento at nilapitan si Manang Ester. Niyakap niya ang matanda at saka nilambing. 

"Opo Manang. Huwag ka ng magalit, sige ka magkaka-wrinkles ka niyan." Biro niya sa matanda.

"Hay nakung bata ka, mahilig ka talagang magbiro sa aking ng ganiyan." Sumimangot si Manang ngunit dagli ring pinalis at saka ngumiti.

"Tara na ho." Nangingiti niyang yaya sa matanda.

Pagkatapos maghapunan ay bumalik ulit sa study room si Emerald. Pagkatapos mabasa ang huling dokumento ay nakabuo siya ng desisyon. Papayag siyang ibenta sa may-ari ng Global Group of Companies ang Hacienda Mariana.

Malawak ang lupang kinasasakupan ng hacienda. Ngunit ang problema ay wala siyang alam kung paano ito patakbuhin. Ang tanging alam lamang niya ay ang magpinta. She's a painter. Brush at canvass lamang ang alam niyang hawakan.

Kaya niya namang pag-aralan ang pagpapatakbo ng hacienda at malikom ang perang kinakailangan para mabayaran ang bangko ngunit nauubusan na sila ng panahon. Iniipit na sila ng bangko. Kailangan nilang malikom ang sapat na halaga kung hindi ay maiilit ng bangko ang lahat ng kinatatayuan ng hacienda which is over the price of what they have to pay. And she will not choose that option. May desisyon na siya at bukas na bukas din ay papupuntahin niya dito si Attorney Ruiz.

****Galit ka na naman ba dahil nasayang ko ang oras mo sa ikalawang pagkakataon? Maari mo bang gawing bisyo iyan? Bwahaha!

Loving You...The Second Time AroundWhere stories live. Discover now