Hindi ko alam kung bakit ko ito biglang naisip. Maybe because it's finally happening? It reminded me that what Hassen and I have is real this time?

Kung pwede lang tanggihan ang mga regalo niya, baka kanina ko pa ginawa. I don't want to receive it. Bukod sa iisipin ng tao, hindi ko naman pinaghirapan iyong mga pinangbili niya sa mga regalong ito. I know it cost so much I don't even want to think about it. But...

''Wear it everyday. Hmm?''

Natapos ang araw sa paghatid niya sa akin sa kanto namin. The heaven knows how much I missed this... iyong paghatid niya sa akin. Matagal-tagal din siyang nawala kaya't ngayong nandito na siya ulit, hindi na ako sanay na may naghahatid sa akin.

While holding the steering wheel on his left hand and my hand on his right, he spoke.

''As much as I want to be with you tomorrow... hindi ko magagawa dahil tambak ako ng trabaho. Unless...''

Nagtaas ang kilay ko. I felt his thumb carress my hand.

''You'll visit me on my office tomorrow?'' he smirked.

At ganoon na nga ang nangyari kinabukasan. Sobrang weirdo para sa akin na bisitahin ang city hall ng Sabado. Dati kasi, noong hindi ko pa kilala si Hassen, sarado ito at alam ng lahat na walang bukas na opisina tuwing weekend. You have no other choice but to postpone your agenda because there is no any offices open.

Kaya ngayong nandito ako ng Sabado ay pakiramdam ko na may kakaibang pribilehiyo akong kapit.

Hassen is busy. I don't know why he asked me to come and visit when he obviously has so much paper works to work on. Kung dati, ang mga papeles na nasa la mesa niya ay trabaho sa loob ng isang araw lamang, ano na lang itong bulto ng mga folder na mayroong makakapal na dokumento sa loob?

I had no idea that public service could be this tiring. It is demanding, for sure. But seeing how tired Hassen is, it somehow gave me an impression that it shouldn't not be taken lightly by aspirants. Understandable naman dahil ilang linggo ngang wala si Hassen kaya't natambak... kaya't hinahabol niyang matapos ang mga trabahong ito.

From 8AM earlier this morning until now, almost lunch, he hasn't stood up yet. Abalang-abala siya habang nakaupo at nakatutok sa binabasa. Naaawa tuloy ako sa kanya dahil kababalik niya pa lang mula sa ibang bansa ay trabaho agad ang inatupag niya.

"May ipapabili ka ba sa labas na gusto mong kainin? Lunch? Lalabas ako," wika ko nang natapos sa pagbabasa. Malalim akong napabuntonghininga nang isinara ko muna ang laptop saka siya binalingan.

Habang nasa loob ng kaniyang opisina ay sinigurado kong may ginagawa naman ako. He's busy, I'm busy, too. Nagbabasa na ako ng mga pwedeng gamitin sa thesis ko at iniipon ang sources. Ayokong masayang ang oras ko 'no.

Wearing his glasses, he lifted his head with his brows furrowed. Ngunit nang nakita ako ay agad ding pumorma ang ngiti sa labi niya.

"Pwedeng yakap na lang?"

"Yakap? Kanino?"

He smirked with my joke. Imbes na tumunganga ay lumapit na siya sa akin at yumakap. He's seating against my chair, habang ako naman ay nakatayo. Yakap-yakap at nakasiksik ang kaniyang mukha sa tiyan ko; para bang binubuhos doon ang lahat ng pagod niya. Hassen's expression is telling me how exhausted and tired he is. Sa higpit ng kaniyang yakap, alam kong sa paraan na ito lamang ang pahinga niya.

"Dito na lang ako,'' aniya, yakap-yakap ako.

''Ano 'yan? Ako ang tinatrabaho mo?''

He chuckled.

''It's you and public service, I guess?''

Mabilis tumakbo ang oras kung masaya ka. Hassen and I are going steady. Ilang buwan na rin simula nang naging kami. Noong una, inasahan ko nang baka dumating agad sa amin ang problema. I expected that early given his background and age, but he always adjust. Tuwing may hindi kami napagkakasunduan ay nagpapaubaya na lamang siya para hindi namin pag-awayan. What I like about it is... we don't let it pass by unattended. Pinag-uusapan pa rin namin kalaunan.

Katulad ngayon. I just finished my thesis class and about to go out. It's almost December and end of my semester. Napag-usapan naming bibisita ako sa city hall dahil nami-miss na raw ako ni Konsi Corie pero itong si Hassen, ay sinundo pa ako!

Sabi naman kasing magco-commute na lang ako, eh!

'''Di ba sabi ko naman sa 'yong magco-commute na lang ako?'' iritado kong wika nang makasakay na sa sasakyan.

Siya ang magd-drive ngayon. Wearing a red polo shirt and black pants, he looked at me confused.

''But I can fetch you? Besides, I had a meeting with the Mayor of Manila. Madadaanan naman kita.''

''Oh? Parang narinig ko na 'yan dati?''

I don't know what's with today but I'm easily irritated.

''Sungit?'' Nag-taas ang kilay niya.

He claimed my hand and intertwined mine to his. Hinalikan niya iyon at unti-unti, nawala ang inis ko.

Why am I even mad? Convenience na nga 'to sa akin, ako pa ang galit?

Hassen has made my life easy. Ayoko mang aminin iyon dahil pakiramdam ko ay spoiled na ako masyado pero iyon ang totoo. Since we got together, he made sure that the life I had will not be the same. Palagi niya akong sinusundo, hinahatid. Noong sinabi ko sa kaniya na nahihirapan ako sa thesis ko, tinulungan niya ako. Even now that I haven't finished it yet, he still made sure to help me.

''Sa susunod, hayaan mo na lang akong mag commute. Bina-budget ko ang pera ko, okay?''

''But I can still fetch you when I'm around?''

I nodded. ''Only when you are around. Pero alam kong matigas ang ulo mo at palagi kang gumagawa ng paraan para masundo at maihatid ako. Just... let me do my thing, okay?''

He kissed my hand once more.

Je hebt het einde van de gepubliceerde delen bereikt.

⏰ Laatst bijgewerkt: Jan 31, 2023 ⏰

Voeg dit verhaal toe aan je bibliotheek om op de hoogte gebracht te worden van nieuwe delen!

The Red Light KissWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu