24

1.1K 35 19
                                    

24


''Buwaya pala ang mag-ama na 'yan eh. Ano, gusto ba nilang lahat ay sa kanila?''

Hindi ko na napigilan ang iritasyon ko. Matagal naman na iyon pero bakit parang bitbit pa rin noong Terrence? Do he want the recognition so bad that he even slandered and tainted his cousin's image?

Sana nagpagawa na lang siya sa Recto. Tutal marami namang gumagawa no'n.

''Hush, Shien. I'm fine. Hindi naman ako naapektuhan doon dahil napatunayang mali ang pinaparatang niya. I didn't cheat my way into college. I know that. No need to worry...''

He smiled at me despite my annoyance. Ang kanina pang hawak na kamay ko ay dinala niya sa kaniyang labi at dinampian ng mababaw na halik. My heart fluttered that I even had to avoid his gaze.

''Pero mali pa rin 'yung ginagawa niya. Pinsan ka niya, Hassen. Hindi iyon gawain ng isang pamilya.''

Napangiti siya.

''I really like my name whenever you say it. I-record ko kaya at gawin kong alarm? I'm sure I'd wake up and stand so fast,'' he smirked.

Hinampas ko ang braso niya at inirapan. Parang wala siyang narinig kung hindi ang pagtawag ko sa kaniya ah?! Hindi manlang ba niya papansinin ang mga sinabi ko tungkol sa pinsan niya?!

My lips curled into a wicked smile when an idea popped up.

''Anong... sabi mo, Mayor?'' mabagal kong wika, nang-aasar.

"Joshien."

"Ano?" taas ko ng kilay.

''Not that. Don't call me that.'' His brows furrowed, suddenly confused.

''Not what?'' Hinawi ko ang buhok ko sa kanang side at pinagtaasan siya ng kilay. I noticed how he looked at my neck. Kahit na madilim, kitang-kita ko ang tingin niya roon. His eyes darkened like a storm is saving all its strength to damage. ''Come again, Mayor?''

Binasa niya ang kaniyang labi nang mapagtantong hindi ko siya titigilan.

''Hassen, please?'' halos bulong niya.

''Ayoko, Mayor. Minamandohan mo 'ko?''

Kinagat niya ang kaniyang labi, nagpipigil ng ngiti.

''No, baby." He pouted. "But maybe I can request something?''

Natatawa ko siyang tinaasan ng kilay, nagtatanong. Seeing him so submissive now is beyond me. Para bang isang salita lang mula sa akin, tiklop siya agad. I have him wrapped in my fingers. Cute.

''Ano po iyon, Mayor?'' I grinned.

"One more time that you Mayor me and I'll kiss you," he said in a menacing tone. Napalunok ako nang makita siyang nakangisi at tila paubos na ang pasensya.

Para bang mas lalong umusbong ang kapilyahan ko nang mas lalong nakita ang iritasyon niya na ngayong paulit-ulit ko siyang tinatawag na Mayor. Although masaya akong wala nang barrier sa aming dalawa, natutuwa pa rin ako tuwing inaasar siya.

"Kiss lang? Hina mo naman pala, May-"

And before I can even finish my sentence, he suddenly pressed me against my seat, jailing me into his arms, before his lips landed on mine! Ramdam na ramdam ko ang pagbilis ng puso nang mapagtantong nakalapat ang kaniyang labi sa akin. It's soft, but he's attacking my lips like he wants to make a statement!

''Mayor, huh? Say it more,'' he whispered eagerly while attacking my lips.

My heart pounded so hard when I felt his lips move. Ang huling halik na pinagsaluhan namin ay noong sa elevator pa, at ako ang unang nanghalik no'n! Hindi ako makapaniwalang may lakas na siya ng loob ngayon!

The Red Light KissWhere stories live. Discover now