13

1.2K 48 25
                                    

13


''Paano ba manuyo? Nakakainis naman, e!''

Nagtatakang nagkatinginan ang magkatabing si Ligaya at Saddie sa isa't isa. Nasa Mcdo kami ngayon at kumakain. Wala naman talaga akong balak na i-share sa kanila 'tong nangyayari sa buhay ko pero hindi ko mapigilan dahil ilang araw na 'kong binabagabag nito!

''Ginagantihan niya ba 'ko kasi ilang araw ko siyang hindi pinansin?'' Halos maputol ko na ang plastic na tinidor dahil sa inis. ''Nag sorry naman ako, ah!''

Napahilamos ako ng mukha gamit ang dalawang kamay, iniisip kung paano ba ako hihingi ng paumanhin kay Mayor Hassen. Hindi ko naman plinano na hindi siya siputin, e! Hindi ko 'yon sinadya para makaganti sa hindi niya pagsipot last week!

"Akala ko ba, wala kang gusto sa kaniya? Bakit ngayon, affected na affect ka, aber?" Pinanliitan ako ng mata ni Ligaya habang sumusubo ng fries.

"Bawal na ba 'kong maapektuhan e alam ko naman kasing may rason kung bakit 'di niya ako pinapansin?" Hindi ko na napigilan. "Kahit man lang dumalo roon sa 1st reading ng code na pinaghirapan naming dalawa i-revise, hindi siya sumipot!"

Malungkot kong kinain ang chicken sandwich, at saka pinagmasdan ang makahulugang tingin ni Saddie.

"Oh, pinapabigay ni Konsehala." Inabot ko sa kaniya ang maliit na puting envelope. "Para 'yan sa 1st reading sa Thursday. Gusto raw ni Konsehala na dumalo ka, kasi malaki ang kontribusyon mo sa pag-aayos no'n."

Kahit ayoko mang pumunta rito sa opisina niya ay wala pa rin akong nagawa kung hindi sumunod na lang sa utos ni Konsehala. Sinubukan ko pang si Ma'am Sheryl na lang ulit ang paakyatin, pero gustuhin ko man, tinulak talaga ni Konsehala na ako ang mag abot ng invitation kay Mayor Hassen.

Kanina natapos ang flag ceremony, at halos mangisay ako sa kaba nang binulong niya sa akin na nami-miss niya ako. Hindi ko siya sinagot doon, at imbes na manatili ay in-excuse ko na lang ang sarili at sinabing kailangan kong mag-CR.

Hindi ko siya maintindihan. Noong una, gusto niya akong maging kaibigan. Unti-unti nang pumasok 'yon sa isipan ko kaya't hindi na ako masyadong apektado, pero ang marinig na... nami-miss niya ako?

Normal ba 'yon sa dalawang mag kaibigan?

"Will you go there, too?"

Tumango ako, nagmamadaling tapusin na ang pag-uusap. "Oo. Kailangan ng suporta ni Konsehala." Tumayo na ako at naghanda nang umalis. "I-text mo na lang kung pupunta ka."

"Who should I text?" He paused, looking straight at me. "Can I text you now, Joshien?"

I freezed.

"Tell me if I'm allowed so I could text you..."

"Hindi mo naman kailangan ng permission ko. Kung magte-text ka, edi mag-text ka. Para naman sa trabaho 'to." Nagkibit balikat ako.

"Paano kung hindi trabaho ang sadya ko?"

My brow automatically formed an arch when he stood up and walked towards me. Tumapat siya sa akin, pareho kaming nasa gilid ng mesa.

Ilang minuto kaming nagtitigan. Pareho kaming nagpapalitan ng tingin, at tanging ang paghinga lamang naming dalawa ang naririnig sa loob ng opisina niya.

The Red Light KissWhere stories live. Discover now