20

945 25 7
                                    

20

''Para kang patay.''

I pointed out the coldness of his hand. Kanina pa magkahawak ang kamay naming dalawa sa Palo Alto hanggang sa makarating kami rito sa kanto malapit sa amin at kanina ko pa napapansin na malamig iyon.

''Patay na patay sa 'yo?'' sagot niya, nangingiti.

Nalaglag ang panga ko sa biglaang pagbanat niya.

What the fuck.

''Ang corny mo, gago!'' Binitawan ko ang kamay niya. ''Ang lamig kasi ng kamay mo! Jusmiyo!''

His laugh resonated inside his car. Nakaparada lamang kami sa gilid ng kanto at kitang kita namin ang magulong compound.

Mayroon nang mga nagsusugal, nag-iinuman, at mga batang hindi pa naliligo kakalaro. I don't know if he's used to this kind of setting but I'm sure he had seen worse. Madalas kasi siyang bumibisita sa mga barangay para i-check ang Oplan Kaayusan na project ng LGU. Hindi naman siguro bago ito sa kaniya.

''Sorry. Rous thought me that.''

''Rous?''

Tumango siya. ''Yes. He's my friend. Naiku-kwento kita sa kaniya.''

''Pakisabi sa kaniya na ang corny niya.'' Napangiwi ako pero sa loob-loob ko ay natatawa naman talaga ako. ''Nakakatakot siyang bumanat! Dati ba siyang baliw?''

''Marami pa siyang tinuturo sa 'kin pero parang hindi effective. 'Di ka naman kinilig.'' He chuckled.

''Kasi ang corny!''

I rolled my eyes, smiling.

We went silent for a few more minutes. Madilim na sa labas at ang streetlights lamang ang nagbibigay ng liwanag doon. Kahit na gabi na ay abala pa rin ang mga tao rito sa amin. Mga magkakaibigan na rin kasi ang mga magkapitbahay kaya't nagsisimula pa lang din ang araw nila tuwing gabi.

I sat more comfortably inside his car. Malamig sa loob ng kaniyang sasakyan ngunit hindi naman nanunuot iyon. Pakiramdam ko nga'y in-adjust niya dahil hindi na kasing lamig kanina.

Payapa ang paghinga ko habang nakasandal. Hindi ko alam kung bababa na ba ako o mananatili pa rito kasama siya. Wala naman akong gagawin ngayong gabi at nakapagpaalam naman ako kina Tatay, pero ngayong wala naman akong gagawin pa kasama siya ay baka mas mabuting umuwi na ako't magpahinga.

''Earlier..." he blurted out. "You asked about my family..."

Napatingin ako sa direksyon niya. Nakasandal ang kaniyang katawan sa upuan ng sasakyan katulad ko. Diretso ang tingin. He's resting there as if we have all the time in the world.

"Hmm?"

"Were you worried?"

Napakunot ako ng noo.

"Worried? Saan?"

Huminga siya nang malalim bago binigay ang buong atensyon sa akin. Nakatitig lamang ako sa kaniya habang hinihintay siyang magsalita.

"I don't know?" He bit his lips. "Worried about... your views about my family? My Mama and Papa? And..."

"And? Worried kanino, Mayor Hassen?"

The Red Light KissWhere stories live. Discover now