Chapter Twenty-Seven

Start from the beginning
                                    

Nag-alangan ako at mabilis na hinila ang kamay ko na nagpahinto kay Cashmere sa paglakad. "Wait, aren't they mad at me?"

"No. They're happy to know I'm bringing you here with your mother, friend, and Mara."

"Sigurado ka ba diyan o pinapagaan mo lang loob ko?" Tumawa siya saka muling kinuha ang kamay ko. Napansin ko na hawak na rin niya ang kamay ni Mara kaya hindi na ako nagpakipot pa. "If your mom still hate me, you don't need to start an argument with her, okay?"

"I won't, I promise. Besides, we were with Mara and the other kids, so we had to make this party children-friendly. Don't stress yourself too much, hm?"

"Ang tagal na mula ng huli ko sila makita,"

"Oo, ang tagal ko rin nag-alangan sa nararamdaman ko para sa 'yo,"

"Naiintindihan ko naman saka nakapagpaliwanag ka na."

"Will it be enough? I think you're still a little distant from me."

Sabi ko na nga ba't mararamdaman niya ang mga reservation ko. Natatakot kasi talaga ako sa sasabihin ng iba lalo na ng mga magulang niya. Kung complicated na noon, mas lalo ngayon dahil may anak na ako. And if Cashmere wants to be with me, he'll need to accept and love Mara too. Package kaming mag-ina at ang mga ito ang matagal na gumugulo sa aking isipan.

"I'm just making sure of everything, Cash. Galing ako sa failed marriage at may anak, kaya hindi mo maalis ang takot sa dibdib ko ngayon."

"Will my love be enough for you to give in?"

That made me stunned for a second. Hindi ko sukat akalain na ganitong pakiramdam ang mararamdaman ko matapos ma-reunite sa lalaking patuloy ko pa rin minamahal sa kabila ng pagiging kasal ko sa iba. Ako ang problema at ang hindi ko maka-move on na puso. Wala naman direktang kasalanan si Cashmere. Masyado lang ako nahulog sa kanya noon kaya kahit nakipag-date ako sa tatay ng anak ko, siya pa rin ang iniisip ko.

Pero ano ba ang dapat ko isagot sa kanya? Para kasing iba ang pupuntahan nitong mga salita niya. Ibang-iba talaga.

I breathed a sigh before speaking. "Let's talk about this later, Cash..."

ANG TANGA KO! Bakit ko pinagpaliban ang pag-uusap namin ni Cashmere kanina? Ngayon, nahihirapan ako na kumuha ng pagkakataon na kausapin siya. We already welcomed the new year. Some of the guest bid their goodbyes. Sina Mama at Mara, nauna na umuwi at ako na lang naiwan dito sa hotel dahil inaabangan ko si Cashmere na matapos sa mga kinakausap niya.

Sinabihan na ako ni Mari na huwag na mag-alangan pero ayun pa rin ginawa ko kanina. Bago umalis kaibigan ko kanina, iyon pa rin ang bilin niya sa akin kaya wala akong ibang masabi kung 'di ang tanga-tanga ko. Muntik ko na masabunutan ang sarili ko mabuti na lang at may tumawag sa akin.

Pero blessing in disguise ba si Miss Bia? Parang mas lalo akong kinabahan ngayon.

"Can we talk before you go home with my son?" Gulat 'man ako ay pumayag pa rin ako sa nais ni Miss Bia. Pumunta kami sa medyo tahimik na lugar hindi kalayuan kung nasaan si Cashmere. Natatanaw ko pa rin siya na nakikipag-usap sa mga pinsan niya na parang ngayon lang niya nakasama. "I'll be honest with you, Eirene. I'm still a bit skeptical about the thing between you and my son. It's became more complicated now because you're married before and you shared a kid with your ex."

I understand where she's coming from. Nanay na ako at gusto lang niya iyong maganda para sa anak niya. Lahat ng nanay ganito na mag-isip ngayon kaya sobra kong naiintindihan si Miss Bia. Maturity nga siguro na matatawag ito pero pakiramdam ko nilalayo ako nito sa totoong nais ng aking puso. I want to be with Cashmere but something is holding me away from him.

"Naiintidihan ko naman po kayo," sabi ko. "I am a mother too and like you, I only wamt what's best for my child."

"But I have no right to meddle my son's business, Eirene. He likes you and we talked so many times about this. Nakausap ko na rin ang asawa ko at napagtanto ko na bakit hindi ko subukan na kilalanin ka at unti-unti ay tanggapin na ikaw ang mahal ni Cashmere,"

Maang akong tumingin sa kanya. Nakangiti matapos sabihin iyon sa akin na hindi ko in-expect. Totoo ba itong naririnig ko ngayon?

"Do not hurt my son, Eirene. He's so into you and no woman can replace you in his heart." Tinapik-tapik niya ang balikat ko bago ako iniwan. Hindi 'man ako nakapagsalita. Gulat na gulat pa rin ako sa mga narinig at hindi namalayang nakalapit na pala sa akin si Cashmere. He hugged from behind and planted a kiss on my hair.

"Ano'ng nangyari?" Tanong ko bigla na nagpakunot sa noo ni Cashmere na kitang-kita ng dalawa kong mga mata.

"Nangyari saan?" Balik tanong niya.

"Your mom was here, telling me about her uneasy feelings concerning our reunion. Then, the next I heard was a plead not to hurt you."

Tumawa si Cashmere. "Isn't that good news?"

"Did she approve us?"

"I think so. Why? Do you want me to stop and stay away from you?"

Mabilis akong umiling bago nagsalita. "Don't go. Sasama ako sa 'yo sa London para mag bakasyon tapos saka ko aayusin lahat dito, kay Mara, sa Mama ko -" Kinabig niya ako palapit saka siniil ng halik ang labi ko ngunit sandali lang at humabol pa nga ako. "I love you, Cash. Hindi na ako mag-aalinlangan pa ngayon." I grabbed his collar and pulled him down for a kiss.

A kiss witnessed by the moon and the stars...

An Inconvenient AttachmentWhere stories live. Discover now