Chapter Twenty-One

149 10 2
                                    

Eirene

“RIGGS, you can borrow Mara in any other. Iregalo mo na sa akin ang Pasko at Bagong Taon.”

Taon-taon na lang ako nakiki-usap sa lalaking ito sa tuwing sasapit ang season of holiday. Taon-taon ko na lang din pinapa-alala sa kanya na importante na kasama ko si Mara sa Pasko at Bagong Taon. Hindi ko talaga alam kung ano ang pumasok sa isipan ko noong sinagot ko si Riggs at pinakasalan. Akala ko kasi talaga makakatagpo na ako ng lalaking seryoso at plano na kasama ako kaso 'di pa rin pala.

“Eirene, I can drop back Mara on Christmas morning. Gano'n din sa Bagong Taon. My family will visit us and they wanted to see our daughter.”

I breathed out an impossible sigh.

Lagi na lang niya dahilan ang pamilya at iyong close family tight thing na meron sila. Tapos mauuwi na naman itong usapan sa sumbat na kasi wala akong pamilya. As if I have other choices. Kung meron 'man, sana pinigilan ko na mamatay si Papa. Pinadali ko na sana ang pag-petisyon ko kay Mama mula sa Pilipas papunta dito sa Baltimore. But I have no choice. 

Si Mara lang ang meron ako na ipagkakait pa sa akin nitong ex-husband ko.

“Don't make me beg, Riggs. Nakiki-usap ako sayo nang maayos at sana maintindihan mo,”

“I'm not asking you to beg, Eirene. I told you about the deal. I'll pick up Mara on the night of the 24th and 31st. You already have her everyday so please, let me be with her on Christmas Eve and New Year's Eve.”

Deal. That's how he treated his time with our daughter. Isang deal na akala mo'y nataya sa sugal na nakakairita sa aking pandinig.

Muli akong huminga nang malalim.

“Fine. Just make sure you'll bring her back early in the morning.” I didn't get a re-assurance because Riggs cut our call already. Malalim ako uli huminga bago binalingan si Mara na abalang namimili sa pagitan ng dalawang klase ng chocolate bag. “Have you chose already, sweetie?” tanong ko sa aking pitong taong gulang na anak.

Umiling si Mara. “I haven't, Mama. I like both.” Maloko siyang ngumiti nang tumingin sa akin. Nag-usap na kami na isang bag lang pero mukhang maiiba na naman ang lahat. “I promise not to finish everything in one sitting.”

“Promise?”

“Promise!” Ngumiti ako saka kinuha na ang dalawang bag ng chocolate na pinagpipilian niya kanina. “Where am I going to spend my Christmas, Mama?”

“Your Dad's. But by morning, you and I will go to an amusement park.”

“You will be alone on Christmas Eve again?” Tumango ako na dahilan ng paglukot ng mukha ni Mara. “I can talk to Daddy if you want so we will be together.”

“Why would you do that?”

Pinalapit niya ako saka may binulong sa tainga ko. “I hate my cousins.”

Tumawa ako nang malakas na nakakuha sa atensyon ng lahat. Tama nga si Mari, mana sa akin itong si Mara pagdating sa ugali at kapilyahan. “They will give you gifts.”

“Fancy boxes? Itchy sweater?”

“What did I say about gratitude?”

“I'm sorry.” Inayos ko ang bangs ni Mara saka pinatingala siya sa akin. “Don't open the gift under our Christmas tree, hmm?”

“Of course I will wait for you,” napasuntok sa hangin si Mara pagkasabi ko noon sa kanya. “Come on now and pay for these.”

“Eirene...” Nag-angat ako ng tingin sa tumawag sa aking pangalan at hindi ko in-expect nakita ko. It was him. The reason why my marriage failed and I'm in this kind of offspring's charades with Riggs.

An Inconvenient AttachmentWhere stories live. Discover now